13 TORN and FALL

860 35 6
                                    

“Yan! deretsuhin mo ‘yan tapos dun sa subdivision na ‘yun kami nakatira” turo ko kay Kent.

“Alam ko” sabi niya habang nagda-drive.

“Paano mo nalaman? Stalker kita ‘no?”

“Asa ka naman!” sabi niya habang seryoso sa pagmamaneho. Eh paano niya nga ba nalaman? Stalker ko ‘to sigurado ako. Malakas ang kutob ko.

“Eh paano mo nalaman?” pangungulit ko. ”Stalker kita, sigurado ako dun. Nakakahinala naman na nagkataon lang” hindi siya sumagot bagkus itinigil niya ang sasakyan sa tabi bago ako hinarap.

“Tss.” Tapos nagkamot siya ng ulo, may kuto yata ‘to eh.

“Assuming ka masyado. Wag kang nambibintang ah. Diba nakasabay kita last time? Yung pinapapalitan mo pa nga yung kanta sa jeep tapos meron pang isa kaya wag kang feeling dyan ‘no.”  sabi niya bago ulit pinaandar ang kotse.

Hindi naman ako nagsalita ng maalala yung pangyayaring binaggit niya. Nakakahiya kaya ‘yun!

“Baba na.” ma-awtoridad niyang sabi.

Napalingon naman ako sa kanya. “Hah?”

“Andito na tayo” bored niyang sabi. Lumingon naman ako sa bintana at doon ko lang napagtanto na nasa tapat na pala kami ng bahay. Agad naman akong bumaba ng mapansin ‘yon. Pero bago ko pa masara ang pinto ay narinig ko siyang nagsalita.

“Thank you Kent” sabi niya na tila kinakausap ang sarili.

“Psh.” Di makapaghintay, magpapasalamat naman kaya ako. “ Salamat” sigaw ko bago ibinagsak ang pinto ng kotse niya. Mula sa labas ay nakita kong napatakip siya ng tenga. Napalakas kasi ang pagkakasara ko ng pinto. Serves you right, Wentford!

 Agad akong pumasok ng gate at saka dumiretso sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay nasa may hagdan si Mommy. Ngumiti siya sa akin.

“Sino naghatid sayo?” tanong niya. Wow. Ang lakas ng radar ah.

“Classmate ko po” matapos kong sumagot ay napansin kong lumungkot ang mukha niya.

“Oh bakit Mom? What’s with the sad face?”

Huminga siya ng malalim tsaka naglakad papunta sa kitchen.

“Mom? Anong klaseng sagot ‘yon?”  sagot ko habang sinusundan siya.

 “Sabi ng lola mo, nakita ka daw niya with…” napatigl siya sa pagsasalita habang napapaisip.

“With?...” tanong ko habang nakatingin sa kanya.

“Ano ngang name nung lead dancer ng E.U.?” sabi niya na nag-iisip pa din.

Nilagpasan ko siya sabay kuha ng tubig sa ref. isinalin ko yun sa isang tall glass at tsaka uminom. Iniisip ko din yung pangalan nung sinasabi ni Mommy.

E.U.

Lead dancer.

EHHH?

Si MICKO.

PFFT.

“Ehem. Acck” muntik pa kong malunod sa tubig ng maalala ko ang pangalan niya.

“Oh bakit?” tanong ni Mommy. Umiling-iling lang ako. Pinunasan ko yung bibig ko ng tissue bago nagsalita.

“Wag niyong intindihin si lola, kung anu-ano na naman ang nasa isip nun eh” sabi ko habang inilalagay sa sink ang baso.

“Ah! Teka anak. Binanggit niya ‘yun eh. Actually she invited that guy daw para makilala namin ng daddy mo” sabi ni Mommy na tila desidido pang alalahanin ang pangalan ng pesteng Micko na yon.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now