8 DAY 2: MAHALAGA KA PA NAMAN

1.1K 48 11
                                    

Ang tagal mag-Friday para matapos na ang parusang ‘to. Ikalawang araw pa lang sawang sawa na ko sa kasama ko. Hello! Classmate ko kaya siya tapos hanggang uwian ba naman siya pa din ang makikita ko. Asan ang hustisya?

Nung mag-bell kanina para sa uwian ay agad na nawala si Jigs sa tabi ko. Haliparot talaga yun! hindi na kami nakakapag-usap palaging may lakad. Sino kayang boylet niya ngayon. Talande talaga! Simula ng dumating yang si Kent, nawalan na ng time sa akin si Jigs.

WAAAH? BAKA SILANG DALAWA ANG MAY RELASYON? Pero mukhang imposible kasama ko kasi si Kent. Aish! Ewan!

Kesa magdrama, napagpasyahan kong ilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag ko. Anak ng tinapa talaga! Naiisip ko pa lang na makakasama ko ulit siya sa library, naiinis na ko. Ang totoo niyan hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya, presensya niya pa lang kasi nakakabwisit na.

“Andrea”

“Oh Ms. President, bakit?”

“Pinapatawag ka ni Mam sa faculty”

Bigla akong kinabhan. Omo! Nagsumbong na kaya si Mang Isko? Gaaaassh! Ano kaya ang sasabihin kong palusot? Hindi ako nakapagsearch sa palusot.com kagabi eh.

“Hoy Bitter!” napalingon ako sa may pinto saka tumingin sa paligid. Potek? Ako ba yung tinawag niyang bitter?

“Lumingon ka pa talaga? Eh ikaw na lang naman ang tao dyan?”

Tiningnan ko siya ng masama Tsaka ko sinakbit ang bag ko at naglakad papunta sa may pinto. Lalagpasan ko sana siya pero iniharang niya ang braso niya sa may pinto.

“Pikon agad? Wala ka man lang sasabihin?” tanong niya.

“Whatever”

“You’re such a loser?”

“Psh. Angelina? Is that you?”

“Ay hindi si Angelito ‘to.”

“Haha funny” sarcastic kong sabi saka siya tinulak. Agad naman siyang napaatras, buti na lang wala ng tao, kung meron man mangilan-ngilan na lang at may kalayuan sa pwesto namin.

Naglakad ako papunta sa faculty at alam kong nakasunod siya sa akin kaya tumigil ako at hinarap siya.

“Huwag mo nga akong sundan!”

“Wow hah? Wag kang assuming papunta din ako kay Mam”

Okay sige na napahiya ko ng kaunti. Oo kaunti lang!

“Eh bakit kasi hindi ka pa dumeretso dun kanina?” dagdag ko para makabawi sa pagkakapahiya.

“Sabi kasi ni Jigs, hindi mo pa daw alam na pinapatawag tayo kaya pinuntahan kita” nakayuko niyang sabi.

Tss. Si Jigs na naman? Close ba sila ni bakla? Kahapon nya pa dinadahilan yun ah? Hmm. I smell something fishy!

YAAAAHH!

At kahit labag sa loob ko nag-thank you ako sa kanya.  “Tara na” pag-aaya ko pa. Wag bigyan ng malisya! Tumatanaw lang ako ng kagandang loob na ipinakita niya.

Sabay na kaming bumababa sa may faculty. Halos lahat ng makasalubong namin ay napapatingin. Hindi na naman dapat pang ipagtaka, sa gwapo ba naman sa kasama ko. Oo na gwapo na siya. Oh tapos? Ano? bitter na naman ako? Tsk.

Nang makarating kami sa faculty ay agad siyang kumatok sa pintuan. Agad din naman kaming pinapasok at pinatuloy sa desk ni Ms. Mercedes. Agad na namang sumibol ang kaba sa dibdib ko, napapadalas ang pagbisita ko sa faculty baka sa susunod sa guidance office na at pagkatapos nun ay sa Office of Student Affairs na. Emeged! Ang dami ko ng kamalasang natanggap dahil sa Kent na ‘to. Oo siya talaga ang may kasalanan!

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now