15 MINE

821 48 6
                                    


The next day pumasok ako kasabay si Kent. Wag kayong kiligin. Hindi ko 'to ginusto. Hindi talaga!

FLASHBACK

♪This time I'm telling you...I'm telling you...

We are never ever ever getting back together...

We are never ever ever getting back together...♪

Pakanta-kanta akong lumabas ng bahay with so much feelings ng bigla akong mapatigil dahil natanaw ko na naman si Micko at Kent sa labas ng gate namin. Anak ng! Bagong gwardya ba sila ng subdivision namin? O baka naman nag-hire si Mom ng guard. Tss.

Tuloy -tuloy ako sa paglabas at bigla akong hinarang ni Micko.

"Andrea, hatid na kita"

Kunot noo ko siyang sinagot, "Hatid? Ano ko bata?"

Nagkamot siya ng ulo niya bago nagsalita, "No, what I mean is baka mahirapan ka-"

Pinutol ko ang pagsasalita niya, "Baka mahirapan? Ano tingin mo sa akin ngayon? MATANDA?" tanong ko na may kasamang pandidilat ng mata.

Hinawi ko siya para makadaan ako. Hindi pa man ako nakakaalis ay nahagip na ni Kent ang braso ko. Nako! Eto na naman po kami! May sa kadena 'ala posas 'tong kamay ng lalaking 'to eh.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya. Pero nginisian niya lang ako. Akala mo ikinagwapo niya 'yon. Kaasar!

"Bitawan mo nga ko" sigaw ko pero hindi niya tinanggal ang kamay niya. Naramdaman kong may humawak sa kabila. ANAK NAMAN NG TINAPA, BAKA AT KALABAW!

"Ano? Tug of war ulet?" tanong ko sa kanilang dalawa. Imbes na sagutin ako ay tiningnan lang nila ako tsaka tumingin sa isa't- isa. Sana magka-inlaban na sila!

"Hoy bata ako ang nauna" sita ni Micko kay Kent. Hindi siya sinagot ni Kent at basta na lang bumaling sa akin.

"Tss. Andrea, hindi mo pa ba nasasabi sa matandang 'yan?"

Nagtaka ako sa tanong ni Kent, kunot noo ko lang siyang tiningnan. Nako magkakawrinkles ako sa kakakunot ng noo! Nagulat naman ako ng lumapit siya kay Micko habang hawak pa rin ang braso ko para tanggalin yung kamay ni Micko na nakahawak din sa akin.

"Huwag mong hahawakan ang girlfriend ko" banta niya kay Micko.

Pagkatanggal ng kamay ni Micko ay agad akong hinila ni Kent sa kotse niya. Pinasakay niya ako sa shot gun seat at tsaka umikot sa kabila para makasakay sa driver's seat. Nakita kong natulala si Micko at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Marahil nagulat siya. Well, nagulat din ako!

"AHHHHH" sabay hampas sa braso ni Kent ng maka-recover sa ginawa niya. Akala niya ba kinilig ako dun? Akala niya ba maniniwala na akong may forever? Pwes! Akala niya lang yun!

"Oh F*Ck! Andrea baka mabangga tayo.. A-ano b-ba!" sigaw niya habang panay iwas sa akin.

"Peste ka talaga!" sigaw ko sa kanya. " Akala ko ba sa school lang?" tanong ko.

"Eh paano magiging makatotohanan kung hindi tayo sabay papasok?" tanong niya habang nagdadrive.

"Pwede mo naman akong hintayin sa kanto diba?" patanong na sigaw ko.

"Aish! Taga bundok ka ba? Sigaw ka ng sigaw..." reklamo niya. Aba't lokong 'to hindi sinagot yung tanong ko.

"Aa-aaraaayy t-teka aahhh!" sigaw niya matapos ko siyang kurutin. "Bakit ka ba nananakit?" tanong niya.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang