1 BITTERNESS ALERT

4.1K 84 10
                                    

“Andeng!” nagulat ako ng tinawag ako ni Jigs ang bestfriend kong baklush. Kaloka to eh kung may sakit ako sa puso baka patay na ako ngayon. Kahit kasi hindi niya intensiyon manggulat eh nagugulat pa din ako sa kanya lalo na’t biglang lingon sa mukha niya. Nyay!

“Anong problema mo Jigs?” tanong ko sa kanya.

“Samahan mo ko sa canteen bestfriend!”

“Tse! Canteen eh kakagaling lang natin dun?”

Baklitang to kakatapos lang ng break, pupunta na naman ng canteen -_- hilig rumampa eh.

“Andeng naman” sabi niya ng naka-pout pa.

“Wag kang mag-pout, mas lalo mong nakakamukha si dugong!”

“Tse! Andun daw kasi yung transferee na super hottie, yummy, oohlala! Kaya tara na!!” yuck with feelings pa talaga habang sinasabi niya yan. Kadiri.

“Tigilan mo ko, lalaki na naman? Ano ba yan JiegoArmando Silang!!” sigaw ko sa kanya..oh diba? Lalaking-lalaki ang pangalan ni bakla.  (Diego and basa dyan, maarte lang ang magulang ni Jigs kaya ganyan ang spelling ^__^)

“Ay te? ibulgar mo pa ang namesung ko! Hindi nila narinig, gamit ka ng megaphone.”

ang ARTE akala mo hindi siya kilala sa buong campus.  =___=

“Tsaka anong “lalaki na naman” Ngayon lang ulet to no!” paliwanang niya

“Ngayon lang, eh kanina nag-abang ka din ah”

“Kanina yun! Mga 10 minutes na ang nakalipas”

“TALANDE ka talaga Jiego!!”

“Ah so ayaw mo pa din akong samahan? So bitter ocampo ka pa din sa mga boylet? Akala ko ba naka-move on ka na?”

Tss. Daldal. Ganyan yan kapag ayaw ko siyang samahan sa mga gusto niyang gawin pati pagiging bitter ko dinadamay. Pero seryoso? Hindi naman ako bitter eh. Naka-move on na ko! Totoo. Promise. Cross my heart. Hope He die!

Nga pala, I haven’t introduced myself. Andrea Ellaine S. Mercado ang full name ko, 19  years old, Graduating Student ako from Greyner University.

Sabi ni Jigs ako daw ang reyna ng mga ampalaya, not because my skin is kulubot like ampalaya but because bitter daw ako at hate ko “daw” ang mga boys take note BOYS with S—plural! Well hindi naman lahat, isa lang naman siya.  Kaya mali pa din ang sinasabi ni bakla.

Pero feeling ko hindi bagay sa akin yung reyna ng ampalaya just because I’m bitter? Nah!.. man-hater siguro?? Pero ano bang mas malala dun sa dalawa? Bitter? Man hater?  Aissh ewan. Sa ganda kong to? Bakit ko ba poproblemahin? Psh!

 Well balik na tayo sa kwento-- ayokong magdrama, I don’t have any choice kaya sinamahan ko ang malanding bestfriend ko pabalik ng canteen. Pag nasayang lang ang effort ko, sasabunutan ko to hanggang sa makalbo siya! Or worst kukuha ako ng raizor para walang kahirap-hirap.

Lakad.

Lakad.

Lingon.

Lingon.

Nasaan na ba kasi yung transferee na yun!

“Jigs!” tawag ko sa kasama ko pero panay ang lingon niya.. patuloy pa din ang paglakad namin

“Ui.. ano? Nasaan na? Pag tayo napagalitan ni Mr. AlburotoOOOO—ahh shems!” sigaw ko ng may matapong kung anong malagkit na liquid with solid thingy sa damit ko.

WATDAHEK! Yung damit kong white nag-kulay black!!

At amoy- *sniff-sniff*

Packing tape! Ano to?

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now