3 LQ SILA

1.7K 52 6
                                    

BWISET.

BWISET.

BWISET.

Like emegulay. This day is so G-R-R-R.

Nakakita ako ng mga panget na tao sa canteen. (Tao nga ba? sa ginawa nila sa akin di sila mako-consider na tao! -_-! )

Natapunan ako ng dinuguan.

Napasagot ako ng wala sa oras sa English. Buti na lang may pagka-henyo ako!

(Wag ng pumalag baka hampasin kita ng ampalaya sa ngala-ngala!)

AT ngayon?

NGAYON

NGAYON!!!

PINALABAS AKO NG CLASSROOM?

WALA AKONG KASALANAN!

WHY YOU GOTTA BE SO RUDE? Don’t you know I’m human too?

-_-

Perstaym kong napalabas ng classroom dahil lang sa isang nakakainis na lalaki. Peste lang! At ano? Ako lang ang pinalabas? Siya yung nauna e.  T.T

Kaasar! Busy kasi si Mam sa pagpopost ng picture ng pesteng puso kaya ayun hindi niya nakita yung ginawa ng lalaking yun!

Leche plan kasi yung picture ng pesteng puso na yun! Yun talaga may kasalanan so dapat yun ang pinalabas!. -_-

 Anyway, pasagasa sa highway! Hindi ako lumayo sa may pinto para marinig ko ang lecture ni Mam, effort to nu! Malapit na kaya ang exam. Patay ako sa parents ko kapag bumagsak ako.

“Ano ba ang nasa loob ng ating puso?” tanong ni Maam.

Anong nasa loob ng puso natin?Tinatanong pa ba yan Mam? Syempre dugo, ugat at laman! Hello? Pero syempre nasa isip ko lang yan pano ko makakapagrecite kung nasa labas ako? DI’BA.

Nakita kong nagtaas ng kamay si Jigs. Aba! Active ang bakla!

“Mam yung taong gusto natin!” kinikilig at proud na sagot ng bakla sabay tingin dun sa transferee. Pussycat! Ka-lande!

 “Yiiieeeee” segunda ng mga abnormal kong classmate. Nakakadiri silang lahat. -_-

Taong gusto?

So tao?

TAO?

As in TAO nga?

TAO YUNG LAMAN NG PUSO NATIN?

Kasya? Kasya? KASYA BA YUNG TAO SA PUSO? Nyaaa!! Ka-IMBYERNA!!

Sasabunutan ko yang si Jigs! Nakakarami na yan sa kokornihan niya slash kalandian at di ko na talaga ma-take dahil sobrang nakakadiri na kaya laterboom ipapatapon ko siya sa kaharian ni Dugong!

“Hahah” Napasilip ako sa loob ng classroom.

O__O Tumawa si Mam?

SERIOUSLY?

TINAWANAN LANG NI MAM YUN? Hindi siya nagalit sa walang ka-kwenta kwentang sagot ni Jigs?

Gusto ko sanang sumigaw ng “Nasaan ang hustisya? ILABAS NIYO!!!” kaya lang di ko na lang ginawa dahil baka masabihan pa kong baliw dito.

“Can somebody give a better answer?”-Mam

Ganun lang talaga yun?

Kayaaaahh!!! Ka-daya!

Isuplong ko kaya si Mam sa Kapuso GMA 7. Hindi totoo ang serbisyo niya T.T

MAY KINIKILINGAN!!!!

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon