21 THE QUIZ BEE

545 27 36
                                    


"Kamusta naman ang dinner mo with Micko?" pag-uusisa ni Jigs habang naghihintay kami kay Kent. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kanina niya pa ako tinatatnong tungkol sa dinner date last night.

"Ayun..mukha namang okay siya...Mahangin lang talaga" sagot ko tsaka binuklat ang reviewer at nagsimulang magbasa. Pesteng Kent 'yun, saang lupalop na naman kaya nagpunta?

"Oh ayan na pala ang Prince Charming..." sabi ni Jigs na hindi ko naman pinansin. Baka mamaya isipin ng Kent na 'to na hinahanap ko siya. Magyayabang na naman 'yan. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at syempre patay malisya ko.

"Anyare sa feslak mo, Wentford?"

Kahit nagbabasa ako pinakikinggan ko pa din ang usapan nila. 

"Nadapa ako" dinig kong sagot ng katabi ko.

"Lampa? Kakaloka! Tanda mo na. Nadadapa ka pa?"

"Tss...Nagrereview ka pa din?" kahit hindi ako tumingin alam kong ako ang kinakausap niya. Tumango ako at tsaka nagtanong habang nakatingin pa din sa binabasang reviewer.

"Mas madali talagang pag-aralan ang gravity kaysa acceleration 'no?"

"Oo naman 'teh! Sa madaling salita, mas madaling ma-fall kaysa mag-move on" sagot naman ni Jigs.

Napatingin ako ng masama sa kanya dahil sa sinabi niya at nakita ko sa peripheral vision ko na napatakip ng bibig si Wentford. Huminga ako ng malalim. Itong baklang 'to talaga! Masasalaksak ko na ng ampalaya! Napakadaldal! Lahat na lang ng bagay ikino-connect sa love. Para bang doon na lamang umikot ang mundo niya, kumbaga sa science imbes na sun ang center of the solar system sa kanya love is the center. Hay! Juicekoday! Gustong-gusto niya talagang nasasaktan eh.

"Hoy! Ibili mo ko ng pagkain. Nagugutom ako!" utos ko kay Wentford para maiba ang usapan.

"Hindi ka ba nabusog sa kinain mo dun sa restaurant kagabi?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Lokong 'to ipapaalala pa.

"Nandito na ko, naghahanap ka pa ng iba..." bulong niya na sapat lang para marinig namin ni Jigs.

"Pwede ka bang kainin? Nakakain ka ba hah?" tanong ko.

"Pwede naman!—aaawww"

"OMG! I love the scene!" komento ni Jigs.

"Mandiri ka Jigs..." saway ko sa kanya.

Namula ako ng todo ng marealize ko kung ano ang pinag-uusapan namin. Hindi naman ako green minded pero peste lang talaga! Ang talandeng si Jigs tuwang-tuwa. Ibinaling ko ang paningin ko kay Kent at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Argh! Kaasar!

"CHARLES KENT WENTFORD!" sigaw ko.

"What?" pa-inosenteng tanong niya.

"Pa-what what ka pa dyan? Ibili mo na kasi ako ng pagkain..." utos ko sa kanya. Ang totoo niyan hindi naman talaga ako gutom. Gusto ko lang siyang paalisin. Nakita kong ngumisi muna siya kay Jigs at umiling-iling sabay tayo.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya.

"Ikaw..."

"Ha?"

"A-ano ang sabi ko ikaw ng bahala...ikaw na pumili..." natatarantang sagot ko.

Tumango-tango naman siya tsaka naglakad palayo.

"KALOKA!" impit na tili ni Jigs.

"Bakit?"

"Muntik ka na dun."

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now