7 After the Library Moment

802 45 4
                                    

 “Kayong mga bata kayo, isusumbong ko kayo kay Ms. Mercedes. Hindi ‘to playground at lalong hindi ‘to park. Kung magde-date kayo humanap naman kayo ng magandang lugar”

Seriously?

Natulala ako sa litanya ni Mang Isko.

“Pasensya na po. Si Andrea kasi eh”

“Ako?” itinuro ko pa ang sarili ko. “Bakit ako?”

Tumingin sa akin si Mang Isko tapos tumingin siya kay Kent, tapos tingin ulit sa akin.

“Boyfriend mo Andeng?”

Muntik ng bumaliktad ang sikmura ko sa sinabi ni Mang Isko.Napakamot ako sa ulo ko. Tsismoso din tong si Mang Isko eh.

“Nako Mang Isko, classmate ko po siya. Transferee po. Ah Kent si Mang Isko, Mang Isko si Kent po.”

“Nice meeting you po”

Aba’t may pag-galang pala sa katawan tong hinayupak na ‘to.

“Akala ko boyfriend mo eh”

Napa-ubo si Kent sa pag-uulit na iyon ni Mang Isko. Loko din ‘tong si Mang Isko eh, paulit-ulit? UNLI yata!

“Hindi nga po” muli kong sagot pero biglang lumapit sa akin si Mang Isko at bumulong “Gwapo ha. Bagay kayo.” Napalayo ako kay Mang Isko, niglang uminit ang pisngi ko “Grabe po kayo ha? Uwi na po kami este ako.” paalam ko saka ko kinuha yung bag ko at nagdiretso palabas.

“Hoy Andrea!”

“Ah ano yun? Bakit?”

“Ang bilis mo namang maglakad? Bigla mo na lang akong iniwan.”

“Hah? Malapit na kasing mag-gabi tingnan mo oh. Mapapagalitan ako ng magulang ko”

“Hatid na kita”

Napatigil ako sa paglalakad. Pumunta siya sa harapan ko.

“Sabi ko hatid na kita” Nakatingin ako sa kanya. Papayag ba ako? Pero teka hatid lang naman? Walang malisya. Pero teka ayoko nga! Pesteng to!

“Hindi na. Kaya ko sarili ko. Bye” saka ko siya nilagpasan.

Leche talaga si Jigs! Akala ko bestfriend ko yun pero napapansin ko nowadays ha! Madalas niya kong iwan. Kaasar!

Naglakad ako papuntang sakayan alas-sais na! Rush hour. Tinamaan ng magaling! Wala akong choice kung hindi pumila na lang. Anak ng! ang taray ng pila feeling ko mag-o-audition ako sa PBB! Sobrang haba!  

Habang nasa pila, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang babae sa harap ko.

“Emeged! Pareho kami ng kulay ng damit girl!”

“Wah! Grabe soulmate kayo!”

Kinikilig na kwentuhan nila. Napailing ako sa narinig ko. Itinuon ko ang pansin sa ibang bagay pero may narinig na naman akong nag-uusap, hindi ko naman maiwasang hindi making. Aminin ganyan din kayo minsan. Maiiwasan ba yun? Syempre hindi. Wag magmalinis!

“Bhe! Palagi kayong ganyan, aso’t pusa, mamaya nyan kayo magkatuluyan”

“Ay todo na ‘to! Parang story sa wattpad! Opposites Attract!”

May kasama pang impit na tili. Mga leche! Kurutin ko kayo sa singit eh.   

“Kapag pareho kayo sa isang bagay, soulmate kayo. Kapag hindi naman, opposites attract. Ano? Walang kawala? Ka-imbyerna!”

“Kung bubulong ka, yung mahina lang. Bitter ka talaga. “ napalingon ako sa likod ko.

“Bakit nandito ka? Diba sabi ko kaya ko na sarili ko? Tsupi na!”

“Luh? Assumera ka? Syempre uuwi ako ‘no. Dito din ako sasakay.”

Okay. Bitter na assumera pa. Lecheng lalaki ‘to. Halimaw talaga. Peste! Tinalikuran ko siya. ARGGH!

Hindi ko na siya pinansin pagkatapos nun. Pagkasakay sa jeep tumabi din siya sa akin. Buti na lang at walang tugtog baka matiyempuhan ko na naman yung manong na mhilig sa kantang may “forever”. Agad akong naglabas ng pera para sa pamasahe ko.

“Ako na”

“May pera ako”

“Ako na nga, ang kulit”

Hindi na ko nagsalita. Okay Payn! Edi siya na. Naging payapa naman ang paglalakbay ko pauwi. Tahimik lang yung lalaking katabi ko. Buti naman dahil kung eepal siya sisipain ko siya palabas ng jeep. Nakakairita kasi siya. Pakialamero. Bitter daw ako tapos assumera! Grabe. AS IN GRABE! Hindi ako maka-get-over.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nakaalala sa akin.

From:Jiego Armando Silang

Wag mong masyadong dibdibin…

 

 

 

wala ka nun. HAHA

-gm.

-end of message-

Napatingin tuloy ako sa dibdib ko matapos basahin yung text niya. Loko yun ah! Meron naman kaya! Hindi ko namalayan na dapat na pala akong bumaba kaya full force akong sumigaw ng “PARA PO! SA TABI LANG KUYA” buti naman at hindi na katulad ng dati na kailangan ko pang sabihan si Manong na patunayan niya ang “forever” Oh Geez! Hindi ko makalimutan ang pangyayaring yun. Tila bangungot na bumabalik sa isipan ko.

“Hoy Andrea, baba na. Panay pa kasi ang drama mo dyan!”

Tumingin ako sa katabi ko saka siya binelatan bago pa ko makababa narinig ko ang boses ng dalawang babae.

“LQ ata sila.”

“Yiee kakilig!”

ARGGGHHH! Kadiri. Anong kakilig dun! Tsaka hindi kami pano magiging LQ. KAPESTE NA MGA TAO NGAYON!!

A/N: New Year na Bitter pa din si Andeng! Anak ng TINAPA! Bigyan niyo ng KILIG CELLS ‘to! HAHA. Thank you for reading! Saranghae. 

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now