6 Library Moment 1.1

978 43 4
                                    

Seriously?

ARGGGHHHH!!! Peste talaga yung Kent na yun!

Bitter daw ako. -___-

Hindi nga sabi ako bitter.

Eh sa iyon talaga ang nakikita ko sa tuwing nakaka-kita ng lovers eh. Tsk! -__-

Wala naman kasi talagang forever! At hinding hindi magkakaroon nun! Itaga mo pa sa agimat ni Pedro Penduko o ni Pepeng Agimat isama mo pa yung bato ni Darna! Sure na sure ako!

WALANG FOREVER!!!!

WALA as in W-A-L-A.

Kung meron man FOREVER nasa dictionary page 476! Pero meaning lang yun so wag kang umasa.

“Ay butiki!” sigaw ko ng biglang lumitaw ang isang halimaw sa harap ko—OO HALIMAW. GWAPONG HALIMAW.

EMEGULAY? Did I say “gwapo”?

GGGGHHHAAAASSSSSHHH!

Never mind that crap. He’s not gwapo! SWEAR! HALIMAW SIYA.

OO!

TAMA. ISA SIYANG HALIMAW na gwapo…

Duh! Erase the word gwapo -_-

Well anyway, kasalukuyan akong nagbabalik ng libro sa shelves ng biglaang lumitaw ang lalaking ‘to sa harap ko. Oo, nagbabalik na ko ng mga books meaning to say pasara na ang library. Ganito kasi dito sa school, inaayos ang lahat ng books at ibinabalik sa tamang sheves bago magsara, para bukas hindi mahirap hanapin.

At yes pasara na ang library nung bumalik siya. Ang sabi niya kanina mag-c-CR daw siya pero grabe naman ata diba? Ilang balde ba ang inihi niya? o ilang pagbabawas kaya ang ginawa niya? LBM kaya? At sobra-sobra ang itinagal niya -_-  

“Tch!”

Siya pa ang may ganang gumanyan matapos niyang mag-extend ng bongga sa comfort room. Ginawang computer shop? Kuya! Ate! Pa-extend. Hahah. Kaloka

“Wag kang ngumiti, ang panget mo”

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Ang kapal ng mukha ng halimaw na ‘to? Panget daw ako? Kaasar. Pero hindi na ko gumanti pa sabi kasi ni Jigs kapag alam mo sa sarili mong hindi naman totoo ang sinasabi ng isang tao wag mong patulan. Pa-epal lang yan.

Itinuon ko ang aking pansin sa pag-aayos ng mga libro. Maya-maya pa ay umalis na siya sa tabi ko. Aba’t lecheplan! Hindi man lang ako tinulungan?

Isusumbong ko siya kay Ma’am bukas!

S-W-E-A-R

Punishment namin ‘to diba? So bakit parang ako lang?

Padabog kong inayos yung mga libro sa shelves. Kahit ayoko na ng ginagawa ko dahil may pandarayang nagaganap ginawa ko pa din. Ang bait ko ‘di ba? Mabilis ko namang natapos ang pag-aayos. Nakakapagod kasi iba-iba ang size ng book na inayos ko. May manipis, makapal, mabigat at magaan. Wish ko lang na sana sa loob ng isang linggo puro maninipis at magagaan na libro lang ang hiramin nila para ‘di naman ako mahirapan ng bongga baka kasi kapag pinagpatuloy ko ‘to magka-maskels ako. I mean “muscles”

Pumunta na ko sa may front desk para kunin ang gamit ko at ng makalabas na. Medyo creepy na yung loob ng library.  Balita ko pa may multo dito. Emeged! Wag naman sana magpakita sakin diba? Dun na lang kay Kent.

Ay teka? Oo nga nasaan na kaya yung Kent na yun? Nag-CR ulit? Harujuiceko! Baka may LBM talaga siya? Aisshhh!!

Hindi niya naman siguro ko iniwan kasi andito pa yung gamit niya.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now