2 MAPANG-ASAR NA KUPIDO

1.9K 57 5
                                    

Pagbalik ko sa classroom, naloka ako sa nakasulat sa white board. Pati ba naman sa classroom yan ang topic? Kelan ako titigilan ng LOVE?

Anak ng pitungput-puting tupa!

Sinusundan ba ako ni Kupido? Inaasar niya ba ko? Tch!

“LOVE is _________________”

Paniguradong yan ang topic sa English class namin ngayon kasi yan yung nakasulat sa white board, grabe talaga si Sir Alburoto. Kung anu-ano na lang ang mai-topic! Kahapon crush, ngayon love, bukas kaya ano?

Buti na lang at busy si Sir na nakatingin sa class record niya kaya palihim akong pumasok. Pagkaupo agad kong sinenyasan si Jigs kung anong gagawin. May itinaas siyang papel at nakasulat dun ang salitang “GRADED RECITATION” napa-mura ako sa isip ko.  

Kahapon may graded recitation na ah? Tokneneng nemen eh. Ano to araw-araw?  Pero no choice naman kaya nag-isip na din lang ako ng maisasagot. Buti na lang at nagsimula sa unahan kaya may time pa ko para makapag-isip.

“Love is like a rosary full of mystery”- classmate 1

Ang korni huh? Mystery your face -_-

“Love is sacrifice”- classmate 2

Psh. Push niyo yan? Bagay kayo nung nauna—misteryo at sakripisyo o diba nag-rhyme?

“Love is supposed to make you happy—not to make you cry huhuhu” –classmate 3

Ay may pinagdadaaanan to? At talagang dito pa nag-inarte? Sabunutan ko kaya?

“Love is blind”- classmate 3

Malamang walang mata ang love no? hello? Mammal ba ang love? TSK. Abstract noun kaya yun! nak ng tinapa minsan bumili nga ng common sense. Mura lang yun! Piso ang kilo!

Syempre yung mga comment ko sa isip lang at wag niyong iniisip na bitter ako sa mga comments ko dahil…

 HINDI AKO BITTER!

S-W-E-A-R !!

-_-!!

Syempre madami pa ang nagrecite pero di ko na pinansin ang korni naman kasi ng pinagsasabi nila -_- kwento na lang nila sa pagong yung mga thoughts nila about love. EEWWW kakasuka mga pinagsasabi nila!

“LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS SIR!”

Nasa gitna ako ng matinding pag-iisip ng isasagot ko ng mapukaw ng baklang kaibigan ko ang atensyon ko. Nasa third row na pala? Nakaupo kami ni Jigs sa magkabilang aisle.

X X X X         X X X X

X X X X         X X X X

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang