18 FORGIVING AND TRUSTING AGAIN

576 33 65
                                    


"Once you've been hurt, it's like you're very scared to get attached again. You have this fear that every person you start to like is going to break your heart."

—-

"Alam mo halata namang hindi ka pa nakakamoved-on eh..." madilim ang paligid pero kitang kita ko pa din ang inis sa mukha ng kasama ko. Kanina niya pa sinasabi 'yan simula ng magkwento ako sa kanya.

"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na ngang okay na ko..."

"Hindi ka pa okay..."

"Paano mo nasabi?"

"Hindi ka pa nagpapatawad..."

Tumawa ako bago ko siya sagutin "Nagpatawad na ko."

"Wag kang sinungaling"

"Ikaw Wentford ka hah!" sigaw ko bago siya batuhin ng pinaglagyan nung paborito niyang bitter puto este butter puto.  Huminga ako ng malalim tsaka humiga sa damuhan. "Nakapagpatawad na ko sino ba ko para hindi magpatawad?" tanong ko sa kanya.

Hindi naman siya nagsalita pero tahimik na nakatingin sa akin. Bakas sa mga mata niya na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Tumingin ako sa langit bago ulit nagsalita.

"Ang pagpapatawad madali lang yun kapag natanggap mo na ang lahat, alam mo kung ano ang mahirap?" muli ko siyang tiningnan at nakita kong nakatingin din siya sa akin "Ang magtiwala ulit" 

Binawi ko agad ang mata ko, hindi ko yata siya kayang tingnan. Sa mga oras na iyon naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Alam ko sa sarili kong nakatingin siya sa akin kaya umupo ako para maitago ang luhang umaagos mula sa mga mata ko. Pasalamat na lamang at nakalugay ang buhok ko kaya natakpan ang mukha ko.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. "I really hate see you crying because of him"

Tumawa ako ng peke bago nagsalita "I'm not crying!" pagtanggi ko.

"Palagi ka na lang bang magkukunwaring matapang ka? Na hindi ka nasasaktan? Na naka-moved on ka na?" sunod sunod na tanong niya.

"Hindi ako nagkukunwari..."

"Patunayan mo!" sigaw niya.  "Tumingin ka sa akin" dugtong niya pa.

Umiling ako bilang sagot.

"Kita mo na" sabi niya. "Kita sa mata mo na masakit pa, kahit na ipinipilit mong hindi" masyado siyang madaldal kaya humarap ako sa kanya.

"Masaya ka na?" mapait na ngiti ang iginanti ko sa kanya. "Masaya ka na ba? Masaya kang napatunayan na hindi pa ko okay?"

"Bakit hindi ka magsalita?" tanong ko. "Eto naman talaga ang gusto mong marinig sa akin diba?" this time tumayo na ako. Feeling ko hindi na kaya ng puso ko. Kanina habang ikinukwento ko sa kanya ang lahat pinigilan ko ang sarili kong umiyak para ipakitang okay ako. Pero bandang huli ako pa din pala ang talo. Nagsimula akong lumakad palayo sa kanya. Nakakainis na sa kanya ko pa naibulalas ang lahat, hindi naman ito ang unang beses na nakita niya kong umiyak pero hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto sa akin nito.

Nang makalayo ay umupo ako sa ilalim ng puno. Mukhang hindi ko pa yata kayang umuwi ng bahay ng ganito ang itsura tsaka dapat ko pang balikan yung gamit ko sa shop nila Kent.

"Napaka-unfair mo din eh 'no!' sigaw ko habang binubunot ang maliliit na damo sa gilid ng kinauupuan ko.

"Ikaw ang unfair..."

Napalingon ako sa likod ng puno at nakita ko siyang nakaupo doon "Bakit nandyan ka?"

"Malamang sinundan kita" Tumayo siya at umupo sa harap ko.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now