4 FOREVER? PUSH.

1K 47 11
                                    

ANDENG's POV

Iniwan na nga ko ng baklang haliparot kaya ayun, naghihintay ako ng masasakyan ko sa terminal. Madaming dumadaan na fx pero panay puno na, kaya no choice ako na sumakay ng jeep. Hindi naman ako maarte kaya gora lang.

♪ Forever by the Ambassador

Ay shutang inames naman! Kakasakay ko palang ng jeep yan agad ang bungad? Parang gusto ko biglang bumaba eh.

Kakasura?

♪ I may burn out like a candle and I may pass away

Nyay! Kung candle lang talaga siya sinindihan ko na! Para mamatay na!! (oops HARD)

♪ I may fall just like a shooting star, my heart will stay

Itulak kita sa building na may 100th floor, yun! feeling shooting star ka dun. Ay mali Falling star pala haha. Oops Hard ulet haha!

♪ I’ll be yours until forever,

FOREVER? Talaga lang ah

♪ Forever I’ll be true to the promise I have made from the day that I found you.

Push mo yang you’ll be true to your promise! 

♪ Forever I’ll be yours

Forever I love you

Forever I’ll be yours

Forever I love you

My love will never fade away even if I die

And I will love you until the end of time ♪

“MANOOOONGGG!” syempre ako yan di ko na talaga kayang pakinggan yung kanta eh -___- Napagtanto ko na napalakas ang sigaw ko kaya..

“Bayad powwwwwz”  nyay! Jejemon? Haha makaligtas lang sa kahihiyan. Ayun at iniabot naman ng mga pasahero sa jeep yung bayad ko.

Pero hindi talaga ako nakatiis kaya..

“Manooongg!!! Pwede paki-palitan yung music?” sigaw ko. ALam ko naman na ang kapal ng mukha ko pero di ko na talaga ma-take eh! Pinalitan naman ni Manong kaya lang mas matindi yung ipinalit niya

Eh? FOREVERMORE naman ngayon yung sa Side A! Dati favourite ko yan pero ngayon hindi na. Huwag kayong magtaka kung bakit alam ko yung mga title ng kanta. Singer kaya ako sa banyo!

Pero ang napansin ko lang— inlove ba si manong o nang-aasar lang talaga? Inantay ko na lang na matapos ang kanta pero tinamaan naman ng magaling!

TRAFFIC PA! kaya wala akong choice kundi magtagal sa jeep na sinasakyan ko. Pagkatapos ng dalawang forever na kanta, mas nakakaloka yung pangatlo! SERIOUSLY?

Be with you FOREVERMORE?

Nung mag-chorus na hindi ko na talaga kaya…

“Maaannnoooonnngg!!!” syempre ako ulet yan buti na lang at medyo malapit na ako kay manong pero dahil may sounds ang kanyang magarang jeep eh kailangan ko pang sumigaw ng bongga.

Napansin kong tumingin sa akin si Manong sa pamamagitan nung mirror sa taas ng jeep niya kaya nginitian ko siya at “Manong? Wala na bang ibang kanta? Pwede magrequest? ” tanong ko.

“Haha, iha hindi ako DJ para magrequest ka sa akin” sabi ni Manong. Natawa tuloy yung mga nakarinig. Pinapahiya ako ni Manong!! Namula tuloy ang mukha ko sa ginawa ko kaya ang resulta nanahimik na lang ako.

Maya-maya nagsalita ulet si manong, “ano bang kanta ang gusto mong marinig?” kahit hindi ako tumingin alam kong ako ang tinatanong niya, ako lang naman ang may makapal ang mukhang magrequest ng kanta eh.

“Ah-eh--aahhh pusong bato po” potek! Wala kasi akong maisip na kanta kaya yun na lang nasabi ko. Nakita kong nag-ngitian yung mga naka upo sa tapat ko. -__- kaasar!!  Sirang sira image ko dito ah?

“Yung ano po… ♪Di mo alam dahil sa 'yo, Ako’y 'di makakain, 'Di rin makatulog, Buhat ng iyong lokohin…Kung ako’y muling iibig, Sana’y 'di maging katulad mo,Tulad mo na may pusong bato ♪” kumanta pa talaga ako at pagkatapos nun nagpalakpakan yung mga tao sa jeep eh pano ang lakas pala ng boses ko -__- tapos hininaan pala ni Manong yung sounds. Shemay! Pinapahiya ako ni Manong dito!

“Nako ang galing mo pa lang kumanta iha, kaya lang wala ako nun iha pasensya na” sabi ni Manong—anak ni enteng kabisote oh! Ang daming nakarinig tapos wala pa lang ganun na kanta si Manong? Emeged!

“Haha---ah yaan niyo na po keri lang” sabi ko kaya nagpatugtog ulet si manong at napatunayan kong in love talaga siya.

LOVE SONG NA NAMAN? TIPAKLONG -_-

*I just don’t love you no more…*

Ooh somebody sent me a message!! Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko at agad tiningnan kung sino ang nagmamahal sa akin na nagpadala ng message.

From:Jiego Armando Silang

Girl, tandaan ang taong hindi bitter, nakikinig ng love song ^_^ 

-end-

WOW. My lahi talagang aswang si Jigs. Paano niya nalaman na love song ang napakikinggan ko ngayon? May point naman ang bakla? Hindi naman ako bitter so okay lang making ng love song.

Napansin kong malapit na sa subdivision kaya inayos ko na ang gamit ko.

“Para po” sigaw ko pero mukang hindi ako narinig ni Manong, kaya inulit ko.

“Manong para po!”

Aba’t sinulyapan lang ako ni manong sa may salamin? Pagtingin ko sa labas medyo lumagpas na! Ay potek!

“MANOOOONG sabi ko po PARAAAA!! Sige kung ayaw niyo pong itigil, i-push niyo pa po  yan! Patunayan niyo pong may forever!” sigaw ko.

Napatigil naman bigla yung jeep, itinikom ko ang bibig ko. Napansin kong naka-tingin sa akin yung mga tao. Pakiramdam ko nawala yung sounds sa loob ng jeep. Siyet! LUPA!!! Kainin mo ko!

Napagpasyahan kong bumaba ng mabilisan dahil sa kahihiyang ginawa ko sa jeep pero bago ako bumaba may lalaking nagsalita sa hulihan ng jeep, napalingon ako habang pababa.

“Bitter talaga”  sabi niya sabay smirk.

POTEK! Bakit andun yun?

A/N: HUHUHAHA. BALIW NA ANDENG TALAGA! Natry niyo na yun? Yung papalitan yung kanta sa jeep? AKo kasi oo haha pero hindi ako kumanta.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Место, где живут истории. Откройте их для себя