30

2.1K 46 4
                                    

« Everybody's blind
when the view is amazing.»

༻﹡﹡﹡﹡﹡﹡﹡༺

Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa pisngi ko. After blinking a couple of times, I opened my eyes even though my vision is still blurry.

I gasped when I saw Imari's face in front of me, and I felt my heart skip a beat. He greeted me with a smile. "Let's go eat breakfast together..."

Bigla akong napabalikwas dahil sa sinabi nya at naalala ang mga pinaggagawa namin kagabi at kaagad na napuno ng hiya. My neck and back feels a bit sore. Tumingin ako kaagad sa katawan ko at nakitang nakasuot na ako ng damit at ramdam ko rin na malinis na ang buong katawan ko dahil hindi ako nanlalagkit or what. I don't remember washing myself last night, so I figured that Imari did this.

Kaagad akong tumayo at hindi na siya hinintay. Naiwan siyang nakaupo sa kama. Nang makarating ako sa pinto ay saka lang ako nagsalita. "Susunod ako, sandali lang."

Nakita ko ang pagtango niya at dumiretso na ako sa banyo kahit na nararamdaman ko ang pangangatog ng mga binti ko. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim dahil hindi ko maproseso ang mga nangyayari ngayon.

So it did happen? Last night, we really had sex? Sa pangangatog ng mga binti ko ngayon, pakiramdam ko ay binalak niya talaga akong pilayin kagabi.

And why does he look so good so early in the morning? It's not fair!

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at nakita na may muta pa ako at panis na laway, at kaagad akong nilamon ng hiya dahil ang lapit ng mukha ni Imari sa akin kanina. Kaagad akong nag-ayos ng sarili at pagkatapos noon ay lumabas na para dumiretso sa kusina.

Seems like he really cooked breakfast for us. Naamoy ko ang mga niluto nya pagkalabas ko pa lang ng banyo at ngayong nakita ko na, kumalam agad ang tiyan ko bigla dahil hindi naman ako nakakain kagabi.

Nakita ko siya sa harap ng bukas na fridge at nang makita niya ako ay agad niyang kinuha ang pitsel na may lamang malamig na tubig. "Nandyan ka na pala, kumain ka na," he said, at dumiretso sa hapag at inilapag ang dalang pitsel sa mesa.

Tumango lang ako sa kanya at dumiretso na rin doon. Nang makaupo na ako, he started putting things on my plate na ipinagtataka ko kung saan niya kinuha dahil wala namang laman ang ref ko.

Bigla namang nahagip ng tingin ko ang matitipuno niyang braso habang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko at hindi ko alam kung bakit ako napalunok ng laway na parang ewan. Kaagad kong iniwas ang tingin ko at naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Ano bang nangyayari sa akin?!

I still can't believe that it happened last night, pero ebidensya ang biglang pangangalay ng magkabila kong binti. Nararamdaman ko rin na masakit ang mga hita ko pero it's bearable naman. Sanay na ako sa ganito.

Sanay na ako sa ganito pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Ganito ba talaga kapag matagal na hindi nadidiligan ang pechay mo? Kapag nawisikan ng kaunti, nagdiriwang?

Nagsimula akong kumain nang makaupo na siya sa harapan ko at wala na akong kahit anong sinabi. Gusto kong magpasalamat sa kanya pero mas inuna ko pang gawin ay kainin ang hotdog na nakahain sa akin. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita siyang nakangiti na parang tanga habang kumakain ako kaya naman napatigil ako sa pagnguya dahil baka kung ano'ng hitsura ko kaya natatawa siya.

And why do I care too much? And after having sex with him multiple times last night, why do I feel like I'm with a whole different person? It felt like he magically  turned into a full-grown man after last night which is really impossible.

Love is a RiotWhere stories live. Discover now