23

2.3K 57 27
                                    

« It's so cold
without your touch »

༻﹡﹡﹡﹡﹡﹡﹡༺

"Okay, malapit na ako," sabi ko kay Terence at ibinaba na ang tawag. Kaninang umaga, Terence asked me to drop by the school after my class at wala naman akong choice kundi pumayag dahil may kailangan daw siyang itanong sa akin. Medyo kinakabahan rin ako dahil naiisip ko na baka may nasabi na sa kanya si Imari gaya ng kinatatakutan ko, but I tried to keep the thoughts at bay.

Alas dose natapos ang klase ko at doon ako dumiretso. Pagkarating ko doon ay hinanap ko kaagad ang classroom kung saan nagtuturo ang pinsan ko at nang makita ko siya sa room niya, kaagad ko siyang nginitian, na hindi niya naman ginantihan, kaya kinabahan ako lalo.

"Terence–"

"I've heard about what happened to you and Deuce from Sawyer," putol ni Terence sa akin. "I'm not going to ask you to change your decision, but how about you talk things out with Deuce? Sawyer told me that there is something you have to know."

Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Umupo ako sa katabing upuan at yumuko nang makaupo ako roon.

I'm so tired of it.

Kahit saan ako magpunta, puro si Deuce ang pag-uusapan.

Hindi ba pwedeng mawala muna siya sa sistema ko kahit na isang araw lang?

I'm tired and sick of it.

Natatakot lang ako na baka magbago pa ang desisyon ko kapag iniisip at pinag-uusapan siya.

I don't want to talk about him. About us.

But I can't avoid this situation forever...

I just told Terence that I'm going to think about it. I appreciate that he's not forcing me to make a decision, atsinabihan niya lang ako na kausapin si Deuce at linawin ang lahat sa kanya.

Nang makalabas ako ng preschool ay bumungad sa akin si Rourke, Imari's nephew. He was jumping as he ran towards me, na ikinagulat ko. Napatingin ako sa paligid at nakita si Imari na may bitbit na helmet at nakatingin lang sa direksyon namin.

"Hello!" masiglang bati ni Rourke sa akin, at pagkatapos noon ay hinila niya ako. "Come with us!"

I frowned at forced myself to smile at him, "Saan?"

"Please ask Uncle Sage to bring me to the playground. Please!" napalingon ulit ako sa direksyon kung saan ako hinihila ni Rourke at palapit kami nang palapit kay Imari na ngayon ay nakatayo sa gilid ng motorsiklo niya.

Gusto ko sanang tumigil pero hila-hila ako ni Rourke at natatakot rin naman ako na baka madapa 'yung bata kapag tumigil ako sa paglalakad. Noong makarating ako doon, akmang magsasalita na ako pero biglang mayroong dalawang babaeng lumapit kay Imari, which is Rourke's mom, if I'm not mistaken, and the other one is Rourke's homeroom teacher, Miss Paige.

Pareho silang napalingon sa direksyon namin ni Rourke at kaagad na tumaas ang kilay ni Miss Paige sa akin.

"Mommy, let's go to the playground now!" sabi ni Rourke sa kanyang ina. "With this ate!"

Kaagad na napalingon si Imari.

He immediately grabbed Rourke away from me at dinala sa nanay nito. "Didn't your mom tell you not to talk to strangers?"

Napatanga ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Imari. Ni hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko dahil sa sinabi niya.

Me... a stranger?

"Oh, you don't know her?" tanong ng ate ni Imari habang buhat si Rourke, samantalang ang teacher na katabi ay nakatayo lang sa gilid ni Imari.

"No," is what he said. One word, but it felt like my heart is being pushed down.

"I don't know her. Let's go,"

Dahil sa mga salitang sinabi niya, parang biglang kinalabit ang alaala ko.

I suddenly remembered how I denied him in front of Deuce before. How he looked like when I acted like I don't know him.

I just don't want to stir trouble now.

I apologized to him, and now, I don't even know why he acts this way towards me.

Maybe they're right when they said to be careful with what you wish for. Ngayong nandito na kung anong hiniling ko, para akong napapaso.

Kaagad akong napahakbang patalikod dahil sa naramdaman kong pagkahiya.

"Hey, Imari. I suggest you stop being rude," sabi ng Ate niya, at kaagad na lumingon sa akin. "Are you Rourke's friend?"

Inunahan akong sumagot ni Rourke. "Yes!"

Nag-aalinlangan akong tumango. "Ah yes, sorry. Aalis na rin po ako," palusot ko. "I'm in a hurry. Thanks!"

"Oh, nagmamadali ka?" Rourke's mom asked. "We can drop you off kung saan ka pupunta! Hop in!"

"Ah, no, thank you!" I said, a bit flustered. I don't want to be with Imari muna kahit na gusto ko ring magkaayos kaming dalawa.

"Oh, okay," sabi niya at ibinaling ang tingin sa teacher ni Rourke. "How about you, Teacher Paige?"

The woman was about to speak nang sumabat si Imari. "She's going with me."

Bakas ang gulat sa mukha ng mommy ni Rourke. Gayundin naman ako na medyo nagulat sa tinuran ni Imari, pero hindi ko na lang ipinahalata.

Nakita ko ang pagbabago nv ekspresyon ni Teacher Paige at kasunod noon ay ang paglapit niya sa kinatatayuan ni Imari.

Imari's sister arched a brow, looking confused. "What? Why?"

"She asked me if I can give her a ride home," sabi ni Imari, not even batting an eye to my direction. Iniabot niya ang hawak na isa pang helmet sa guro ni Rourke. "Let's go?"

Masaya itong tumango at nagpaalam na sa Ate ni Imari at kay Rourke, habang ako naman ay nakatayo lamang sa gilid habang pinapanood si Imari na sumakay sa motorsiklo niya at ang pagkapit ng babae sa balikat nito para makasakay nang maayos.

Hindi ko alam, pero may panandaliang gumuhit na kirot sa puso ko.

I know that Imari is really nice to everyone, and I commend him for that, pero bakit ganoon?

It really hits differently when he used to be very nice to me pero ngayon ay halos hindi ko na alam kung siya pa ba ang dating Imari na nakilala ko.

Strange, and scary... how sudden people can change in such a short period of time.

Love is a RiotWhere stories live. Discover now