39

1.3K 42 29
                                    

"What time will you be here?" narinig kong tanong ni Imari sa kausap sa telepono na si Cain. "Fine. Isama mo na lang siya if he insists to tag along."

"Who?" I mouthed, and he replied, "Damian."

Oh, okay, I thought to myself. Hindi ko alam na close na close naman pala si Damian at Cain na ultimo sa birthday party ng mga bata ay gustong sumama.

Anyway, today is a busy day since it's Rourke's birthday party. Maaga akong pumunta kina Imari even though I don't know if I can be of any help. Madaling araw pa lang kanina ay naabutan ko nang nilalapatan ng final touch ang setup ng venue.

It is a pirate-themed birthday party. The venue is decorated with pirate decorations. There is a pirate flag at the middle of the venue, life-sized version of skeletons and a captain's wheel as a centerpiece for the tables. Mayroon ring mga treasure chests sa bawat gilid at may laman itong mga chocolate gold coins. Some large empty barrels are also being used as a table and there are treasure maps on top of every table which contains the program.

"You okay?" Imari asked me, at saka ako pinaupo sa tabi nya. I nodded, at saka umupo. "You don't need to help. Bisita ka..."

"It's fine," sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya.

Guests started to arrive, mostly kids, who are Rourke's friends and schoolmates, and the coordinators gave them coloring books to keep them busy while waiting for all the other guests to arrive.

I didn't think much about anything else after that day. The next days were all so very light and Imari's always by my side. After that day, hindi ko na rin masyadong inisip ang mga sinabi ni Ate Steffi, because I am not that person anymore. I want to show them that I am trying to better for him. I want to be someone who deserves him, and I want to show him that I really am trying.

"Tara?" I heard him say, at saka tumayo. He motioned to hold my hand at kaagad ko namang hinawakan iyon, at naglakad ako kasama siya. "Puntahan natin sina Cain, nahihiya raw pumasok."

Napahagikgik naman ako at kaagad na tinanaw mula sa labas sina Cain. Nakita ko siyang nakatayo sa labas kasama si Asl at Damian. Kaagad ring nahagip ng paningin ko ang taong hindi ko inaasahang mapadpad rito. Kaagad kong naramdaman na nagbago ang timpla ng mukha ko dahil nakita ko siya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sinulyapan ako ni Imari, pero kaagad din niyang ibinalik ang tingin niya kina Cain, Asl, Damian... at si Deuce.

"May shanghai ba?" ang bungad sa amin ni Cain nang makarating kami ni Imari sa pwesto nila. Nakita ko na umiling si Imari habang nakangiti.

Nagtagpo ang tingin namin ni Deuce at nakita kong ibinaba nya ang tingin nya sa kamay namin ni Imari. Nakita ko rin na tumango lang si Damian kay Imari, at saka kami nagsimulang maglakad pabalik sa venue. Hindi ko na nilingon ulit si Deuce, pero nagulat ako nang biglang may dumaan sa gitna namin ni Imari, dahilan para bumitaw kami sa isa't-isa. I looked at his wide back at hindi nya kami lumingon. Naupo lang siya sa gilid kasunod si Damian, at gayundin si Asl.

Noong pumagitnan sa amin si Cain, saka naman siya tinanong ni Imari. "Why is he here?"

He shrugged. "Sorry, didn't know he'd tag along too."

Hindi na nagsalita si Imari pagkatapos noon, pero tumingin siya sa akin na parang nag-aalala, pero sinabi ko sa kanya na huwag na niyang isipin. Panigurado namang aalis rin kaagad si Deuce dahil una sa lahat, he hates kids... and this is a kid's birthday party.

Umupo kaming magkakasama sa iisang lamesa at nararamdaman ko ang tensyon doon. Katabi ko si Imari, pero lumipat si Deuce sa katabi kong bakanteng upuan kaya naman nagulat ako. Nagkatinginan kami pareho ni Imari, pero hindi na kami nagsalita.

Love is a RiotWhere stories live. Discover now