21

2.3K 44 26
                                    

« Don't follow me,
you'll end up in my arms. »

༻﹡﹡﹡﹡﹡﹡﹡༺

From: Deuce

You can't say that to me. Take it back. Don't do this to me, please...

Nakita ko ang biglang pagkunot ng noo ni Cain dahil sa reaksyon ko, pero hindi ko ipinakita sa kanya ang sinabi ni Deuce, and I have no intention of letting him see it.

Ini-off ko ang phone ko at nang ibinaba ko iyon sa mesa, tiningnan lang ako nina Cain at Asl habang nagsisimula na akong humagulgol.

Can I really do this?

"Stop crying," sabi ni Cain, pero hindi naman ako matigil at pahikbi-hikbi lang sa gilid.

"Sus, naaalala mo lang siguro mga babaeng pinaiyak mo," sabi ni Asl at tumagay mula sa shot glass. "Bakit ba ang hilig mong manakit ng babae?"

"You're one to talk!" singhal niya kay Asl. "I'm just helping them. Para mag-glow-up sila. Para maganda silang lahat!"

"You're sick to the core," sabi ni Asl habang umiiling-iling kaya naman medyo matawa-tawa na lang ako sa kanilang dalawa kahit na umiiyak pa rin ako. It's a good thing that I'm not alone now.

Ilang bote pa ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Nauna nang bumagsak sa sahig si Asl habang hindi pa rin nalalasing si Cain kaya naman patuloy lang kami sa pag-inom. As for Imari, I don't know if he's asleep pero hindi na siya lumabas ng kwarto niya pamula kanina so I assume na baka nga he's sleeping soundly right now.

"Fuck," sabi ni Cain habang nakatingin sa phone niya, at kasunod noon ay tumingin siya sa orasan. "That idiot. It's already eleven in the evening! What is he thinking!"

"Huh? Sino?" tanong ko kay Cain na medyo natataranta dahil nahawa ako sa pagpapanic niya.

"Damian," sabi niya at tumayo, at hinawakan ako sa braso. "Let's go. He's coming over now, baka isumbong niya kay Deuce na nandito ka."

"What?" nagtatakang tanong ko. He's coming over? Now?"

Medyo nagtaka talaga ako. I didn't know that they're close... Nagmimeet lang naman talaga kami kapag may sessions at doon lang rin sila nagkakila-kilala nina Julien.

"Yes. Don't worry, hindi naman siguro siya magtatagal," sabi niya sa akin at kumatok sa pinakamalapit na kwarto habang hila-hila ako. "Ako na ang bahala sa kanya. Romero! Open the fucking door!"

"What?" dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Imari. His hair is disheveled, maybe because he's been sleeping this whole time. He's wearing his pajamas at may bitbit na isang puting unan. He looked at me briefly at kaagad na ibinalik ang tingin kay Cain.

"Dito muna si Cielo. Papunta si Dam-" naputol ang pagsasalita niya nang makarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pinto. He cursed at kaagad akong itinulak papasok sa loob ng kwarto kaya naman napasubsob ako sa dibdib ni Imari. "Damn it. Don't go outside. Lock the door."

Tumango lang ako sa kanya habang isinasara niya ang pinto at naiwan kaming dalawa ni Imari sa loob. I looked up at him since he's taller than me, pero kaagad siyang lumayo sa akin at bumalik na sa higaan.

"Please turn the lights off."

"O-Okay," nauutal kong sabi at pinatay na ang ilaw, at naupo sa katabing upuan.

Love is a RiotWhere stories live. Discover now