4

3.5K 48 26
                                    

« All the devils are here. »

༻﹡﹡﹡﹡﹡﹡﹡༺

Vienna: Will you please stop posting your pics and putting them on your stories?!

Kaagad na kumunot ang noo ko sa nabasang chat sa notification bar. Ano na namang problema ng mga tao sa akin?

Hindi na sana ako magrereply pero aksidente kong napindot ang message kaya naman direkta akong dinala nito sa Messenger. I checked her profile and we're not even friends on Facebook! Nahiya naman ako sa 'eyebrows on fleek' na caption niya.Why is she asking me to turn down my posts? Account mo 'to?  

Vienna: My boyfriend keeps on reacting on your posts, slut!

Napatanga ako sa sunod niyang mensahe. And why is it my fault? Did I ask him to react to my posts? Ni hindi nga ako nagpapamention kahit sa mga projects na kailangan ng likes!

Huminga ako nang malalim bago magreply. Minsan talaga ang cute ng mga tao. Gusto ko na lang silang tadyakan sa clitoral hood.

Cielo: You should talk to your man about this po and not me :)

Wala pang sampung segundo ay nagreply na agad siya. Excited ka 'teh?

Vienna: Why are you defending him? Are you sleeping with him?

Kapag may mga ganitong pangyayari talaga, gusto ko na lang tawagan si Cain at magpatulong sa kanya na gamitin ang pilosopo powers niya. Napatingin ako sa bintana at napansin na madilim na.

After dropping me off kanina, umalis na rin kaagad si Damian dahil nga may klase pa siya. Can't blame him kung nagalit siya sa akin dahil naistorbo siya sa klase niya. I want to tell Deuce na huwag nang gawin iyon pero alam kong hindi niya naman ako pakikinggan. He always tells me that it's for my own safety kaya huwag na akong umangal.

At ang tagal yatang dumating nina Cain ngayon. We're supposed to video chat with Deuce while doing it since he asked them awhile ago. Nagulat na nga lang ako dahil wala naman siyang sinabi sa akin. Nagchat na lang bigla si Julien kanina na papunta na sila, pero wala pa rin sila hanggang ngayon.

Vienna: Why are you not replying?
Vienna: Block him
Vienna: Why is he liking your photos bitch

Muntik ko nang makalimutan na kausap ko nga pala ang Vienna sausage na ito. At saka malay ko sa jowa ko kung bakit nila-like niya ang posts ko!

Cielo: I don't even know who your boyfriend is :((( And do I look like a psychic to you? Go ask him yourself. Communication is the key :)))

Typing...

Vienna: Fucking homewrecker
Vienna: Hope you die lol bitch

I sighed. Medyo natatakot ako. I'm becoming used to seeing and hearing things like these everyday... Natatakot ako na masanay na ganito ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.

Why don't they just ask me to be friends with them? Cain told me that I'm fucking fun to be with though!

It's becoming really hard for me to approach people now. Gusto ko rin namang makipagclose sa iba pero pinangungunahan ako kaagad ng takot ko. Natatakot ako na baka hindi nila ako gusto.

Love is a RiotWhere stories live. Discover now