32

1.8K 60 12
                                    

«Would you lay down
in my arms and rescue me? »

༻﹡﹡﹡﹡﹡﹡﹡༺

Pasimple akong sumilip sa building nina Imari. He wanted to give me his sched pero hindi ko lang siya pinansin, though he already asked for mine mula kay Cain.

Ewan ko ba sa sarili ko. Gusto ko rin naman na malaman ang sched niya para hindi rin ako parang tangang nag-aabang dito para sa kanya, pero pinangungunahan ako ng pride ko. I just don't want to give him the assurance na okay, na kahit papaano ay may kaunti akong nararamdaman. I don't know.

Maybe I was just afraid that maybe when he found out that I do feel a bit about him, he wouldn't make an effort to pursue me anymore. Natatakot lang naman ako na baka magsawa kaagad siya sa akin kapag nalaman niyang bumigay na agad ako at nakuha niya na ang gusto niya. Natatakot ako na baka sa una lang siya magaling. Malay ko ba sa sarili ko, may trust issues pero uto-uto at pakipot rin naman!

Nakaramdam ako ng pagsundot sa tagiliran ko na naging dahilan kung bakit naputol ang pag-iisip ko.

"Ginagawa mo?"

Inayos ko muna ang buhok ko bago lumingon at na-disappoint nang slight nang makita ko ang pagmumukha ni Cain.

"Oh, ba't naman lukot na lukot 'yang mukha mo?"

"Ano'ng pake mo e mukha ko 'to?" sabi ko sa kanya at umirap. Kunwari kong inayos ang gamit ko bago maglakad palayo at nilampasan si Cain, pero ramdam ko na nakasunod pa rin siya sa akin.

"Sino'ng hinihintay mo do'n? tanong niya sa akin. "Si mommy issues, 'no?"

"Hindi," mariin kong sabi sa kanya.

"Nauna na 'yon," sabi niya sa akin. "Sinusundo 'yung alaga niya."

"Hindi ko tinatanong," sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit na sa isip ko talaga, medyo naiimbyerna ako at hindi man lang niya sinabi na aalis siya nang maaga, pero kasalanan ko pa rin naman kasi hindi ko siya tinatanong. At saka napaisip rin ako bigla kung may nabanggit ba si Imari kay Cain tungkol sa amin. Hindi ko rin alam. Baka natural lang na tsismoso 'to o baka nakahahalata lang talaga siya na kahit wala kami e parang meron. "At saka bakit ba sunod ka nang sunod?"

"Ibinilin ka sa'kin e."

"Ha?" tanong ko sa kanya na hindi naman niya sinagot at nagphone lang habang naglalakad kasabay ako. Hindi ko na naman siya tinanong pagkatapos noon.

Napabuntong-hininga ako at kinuha na lang rin ang phone ko. Nagulat ako dahil pagkabukas ko pa lang noon ay nakita ko na ang mga chats ni Imari na hindi ko napapansin kanina pa dahil ngayon ko lang nabuksan ang phone ko. Hindi rin naman ako nagphophone habang nagkaklase kaya hindi ko namamalayan na may chats na pala siya.

Did you make it home safely? I have to take care of Rourke, sorry hindi na ako nakapagpaalam.

Tapos na po klase mo?

Are you still busy?

Please eat your meals.

Ibabalik ko lang si Rourke sa bahay tapos uuwi na rin ako.

Hindi pa ako nakakauwi :(

Kumain ka na?

Nakauwi ka na po ba?

"Wow naman ngumingiti na sa mga chats niya," narinig kong kumento ng katabi ko sa akin. "Malala na 'yan."

Itinago ko kaagad ang phone ko at napahampas sa braso ni Cain. "Tigilan mo nga ako!"

Love is a RiotOnde histórias criam vida. Descubra agora