44

1.2K 39 5
                                    

tw // suicide attempt

Nanlalamig ang mga kamay ko habang nasa byahe kami nina Cain papunta sa bahay namin ni Deuce. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay namamanhid ang buong katawan ko at may nakabara sa lalamunan ko.

"Tumawag raw siya nang ilang beses kay Sawyer, pero hindi niya raw nasagot kanina," sabi ni Cain habang diretso ang tingin sa daan. Mabuti na lang at hindi kami nahirapang makasakay dahil may dalang sasakyan si Damian. "He's worried because he called him back, pero hindi na raw sinasagot."

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Imari, pero hindi ko siya nililingon. Hindi ko mapigilang kagatin ang labi ko sa pagpipigil ng luha. Paano kung mayroon nang masamang nangyari sa kanya... dahil sa akin? Ano'ng gagawin ko?

"It will be fine," sabi ni Imari, at hinagod ang likuran ko.

Nang makarating kami sa bahay ay nagmamadali kaming bumaba ng sasakyan at kaagad na pinihit ang doorknob ng bahay. Nakalock iyon, kaya naman ilang beses itong kinatok ni Cain. "Deuce, are you there? Open the door."

Tahimik lang ako sa gilid at namumuo ang luha sa mata ko. Hindi na rin nakatiis si Imari at kumatok na rin. Ilang beses nilang kinalabog ang pinto pero walang natatanggap na sagot mula sa loob.

Nakita kong sumilip sa bintana si Damian at kaagad siyang lumingon sa amin. "Bukas ang bintana."

Nagprisinta akong pumasok sa bintana dahil ako ang pinakamagaan sa amin at pinakamaliit ang pigura. "Careful," Imari whispered. Mabilis naman akong nakapasok dahil walang grills ang bintana.

Pagkarating doon ay nagmadali akong buksan ang pinto kaya sumunod sila sa loob, at naglakad ako kaagad papunta sa kwarto. Sumunod silang lahat sa akin. Sumilip ako at nakita kong hindi nakasarado ang pinto ng kwarto ni Deuce.

"Where is he?" tanong ni Cain at humahangos na umalis. "Tingnan ko siya dito."

Tinapik lang ni Imari ang balikat ko bago sumunod sa kanila ni Damian at tumango lang ako sa kanya.

Dumiretso ako sa loob ng kwarto nang mahagip ng paningin ko ang mga nakakalat na mga balat ng gamot sa kama ni Deuce. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nakitang may mga nakakalat pang gamot sa sahig. Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ko nang hawakan ko ang mga iyon. A tear escaped my eye, at naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.

Nagsimula akong humagulgol, at pakiramdam ko ay wala na akong makita dahil tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko. Napaupo ako sa sahig at ilang beses na sinabunutan ang sarili ko. I can't think straight. Hindi ko mapigilang pangunahan ang sarili ko.

Nagmamadali akong tumayo at naramdaman kong dumilim ang paningin ko, at naninikip ang dibdib ko nang magsimula akong maglakad. I was about to lose my balance when someone grabbed my arm, at pagtingala ko ay nakita ko si Damian. "Saan ka pupunta?"

Nagmamadali kong hinawi ang kamay niya at naglakad palabas ng kwarto. Nakasalubong ko si Cain na kakagaling lang sa kusina at nanlalabo ang paningin ko dahil basa ng luha ang mata ko kaya't hindi ko makita ang ekspresyon nya.

I was heading for the bathroom when I came across Imari and asked him if he checked the bathroom already. Tumango siya sa akin at tumalikod na ulit ako to search for Deuce in other places.

Imari grabbed my hand, "Calm down, Cielo," sabi niya at ibinaba ang tingin sa kamay ko, pabalik sa akin, at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "You're trembling so much..."

"But... but what..."

"It's okay..." he said, trying to console me. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at kaagad naman akong nagpumiglas.

Love is a RiotTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang