A Riot in the Heart

1.6K 64 73
                                    

Epilogue
Deuce's POV

My love was never for the weak.

"Ten ka na bukas, Deuce?" I remember hearing a classmate ask. "Pwede kaming kumain sa bahay niyo kasi birthday mo?"

Tumango ako. "'Pag magluluto ng spaghetti ang Papa ko, sasabihan ko kaagad kayo," natutuwang sabi ko sa kanila bago kami maghiwa-hiwalay ng daan. "Tapos sabay-sabay tayo pauwi bukas."

Nang makarating ako sa eskinita bago ang bahay namin ay napalingon ako dahil sa tumawag sa akin. Nakita ko ang tatlong kumpare ng Papa ko. "Sabihin mo sa Papa mo, pupunta kami mamaya," sabi niya sa akin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. "Tatagay ulit kami mamaya."

Tumango lang ako kahit na medyo naiinis na dahil ilang gabi nang sa bahay nag-iinom ang mga kaibigan ni Papa. Hindi tuloy ako makapagfocus sa paggawa ng mga assignments ko dahil sa ingay nila. Hindi rin naman ganoon kalakas uminom si Papa, kaya hindi ko maintindihan kung bakit palagi silang nag-iinom sa bahay.

Kinagabihan, habang gumagawa ako ng assignments, pumasok si Papa sa kwarto. Binigyan nya ako ng isandaang pisong papel. "Ilibre mo ang mga kaibigan mo bukas."

"Wala po tayong spaghetti?" tanong ko sa kanya. "Gusto sanang pumunta ng mga kaibigan ko..."

Inayos niya ang buhok ko. "Susubukan ko bukas kung makaka-extra."

Noong kumuha ako ng pagkain sa kusina, nakita ko si Mama na may dalang pinggan na may lamang barbecue na bagong ihaw. Binigyan niya ako ng isang stick niyon, at pagkatapos ay dinala niya na ang mga iyon sa mga kumpare ni Papa. Tahimik akong nagmasid sa kanila habang nagtatawanan sila.

Iniabot ni Mama ang dala niyang pinggan sa kanila. "Ang ganda ni kumare at masarap pang magluto, ang swerte ni kumpare."

Tawa lang ang iginanti sa kanila ni Mama.

Noong gabing iyon din, nagising ako dahil naramdaman kong may tumabi sa akin sa higaan. Napabalikwas ako nang makita ko si Papa na humiga sa tabi ko at nangangamoy alak. Nagpakuha siya sa akin ng tubig kaya naman nagmamadali akong lumabas.

Pagdating doon ay narinig ko ang mahihinang tawanan na hindi ko pinansin dahil dumiretso na ako sa kusina. Hindi pa pala nakakaalis ang mga kumpare ng Papa ko.

Habang hinihintay kong mapuno ng tubig ang baso, doon ko napansin ang mga kakaibang tunog na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. Naiwan ko ang baso sa lababo dahil naglakad ako pabalik sa salas nang marinig kong sumigaw si Mama, at kasunod noon ay nakarinig ako ng mga halinghing.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. She was not in pain. She seemed to be enjoying herself with three guys.

Nagmamadali akong bumalik sa kwarto at doon ko ginising si Papa. "Papa, si Mama," sabi ko sa kanya habang sinusubukan siyang gisingin. "May ginagawa sila ng mga kaibigan mo..."

Doon ay iniangat niya ang mukha niya, at nakita ko kung gaano kapula ang mata niya. Tinakpan niya ang bibig ko at umiiling-iling. "Huwag kang maingay, Deuce. Magkunwari ka na lang na wala kang nakita," sabi niya sa akin at nagsimulang pumatak ang luha sa dalawang mata. "Mahal ko ang Mama mo at masaya ako kung saan siya masaya."

Doon namuo ang luha sa mata ko at naisip kung kailan pa nangyayari ito. Naisip ko kung iyon ba ang dahilan kung bakit palaging nandito ang mga kumpare ni Papa, at kung bakit siya pumapayag na may kahati siya kay Mama. Hindi ko mapigilan na magalit kahit sinabi ni Papa na hayaan ko na sila. He was a good guy and I know how well he treats my Mom. He gives her everything. He loves her so much. I don't know why he allowed it to happen. And I don't know that she could do this to him.

Love is a RiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon