33

1.7K 52 8
                                    

« I'm falling for your eyes
But they don't know me yet »

﹡﹡﹡﹡﹡﹡﹡

KAAGAD kong binuksan ang pinto nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok at bumungad sa akin si Imari na nakangiti.

I smiled at him too at kaagad na pinapasok siya sa loob ng bahay. "Have a seat–"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig na huni ng pusa. Napatingin ako kay Imari na may nagtatanong na mukha. He smiled at me immediately at kaagad na iniabot sa akin ang pamilyar na pusa.

"Oh my gosh," sabi ko at sabik na kinuha sa kanya ang pusa. "Chou!!!"

Chou, as usual, is acting indifferent. Ang suplada talaga nito kahit kelan! But still, I hugged her and noticed how fluffier she became. Mukhang alagang-alaga ng amo niya at hiyang na hiyang pa. Napaupo na lang ako habang nasa kandungan ko si Chou kaya naman sumunod si Imari at naupo rin malapit sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin habang abala pa ako na makipaglambingan kay Chou. Ang laki na niya talaga! Kaya naman natutuwa ako lalong hawakan siya kasi ang lambot-lambot niya!

Tumango naman ako sa kanya kahit busy pa ako sa pakikipaglandian kay Chou na wala namang pakialam sa akin. I saw on the corner of my eyes na may kinuha si Imari at sa gilid at kaagad na bumuntong-hininga. Napalingon ako sa kanya at nakita ang dala niyang pagkain. Pagkatapos noon ay may kinuha pa siyang mga gamit sa bag niya, gaya ng libro, lapis at isang pad ng yellow paper.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko sa kanya. He looked exhausted, siguro ay napagod nga talaga siya kanina dahil sa pag-iintindi sa pamangkin niya. Medyo naguilty naman ako dahil pinapunta ko pa siya dito imbes na nakakain na siya at nakapagpahinga na sa dorm nila.

Umiling siya sa tanong ko at ngumiti sa akin. "Yeah, I'm fine though. I'm just a bit hungry," sabi niya, at pagkatapos noon ay inilibot ang tingin sa mga gamit na inilabas niya kanina. "I still have to finish these..."

"Sige, kumain ka na. Ikukuha lang kita ng tubig at saka pinggan para hindi ka dyan sa food container kumain."

Ngiti lang ang iginanti niya sa akin bago ako pumunta sa kusina. I was not expecting anything naman pero hindi ko rin naman ineexpect that he'll come over just to do his schoolworks. Medyo naawa naman ako sa kanya dahil pagod na nga siya sa maghapon, ang dami pa rin niyang gagawin ngayon. Dapat talaga, pinauwi ko na lang siya!

Pagbalik ko doon ay nagse-cellphone lang siya at noong sumilip ako ay may tinatype siyang mahaba. Mukhang may isa pa siyang tinatapos bukod doon sa ginagawa niya.

"Kain ka muna..." bungad ko at umupo sa tabi nya. Kaagad niyang ibinaba ang phone niya at ngumiti sa akin.

Seriously, natatakot ako sa mga taong nakakangiti pa kahit sobrang daming kailangang gawin. Madalas talaga nagbubukas lang ako ng laptop tapos makakatulog na lang bigla. Iiyak na lang ako kinabukasan.

Pinanood ko lang siya habang kumakain, and I let him eat in peace. Hindi ko na rin muna siya kinausap habang kumakain and played with Chou instead. I started petting her head habang nasa ibang dimensyon ang pag-iisip ko and I only came back to my senses when Chou lashed out and scratched my hand.

Napasinghap naman ako kaya napatingin sa direksyon namin si Imari. Nakita kong tapos na siyang kumain at binitawan niya na ang hawak na kutsara, at kaagad na lumapit sa akin. Kinuha niya si Chou at hinawakan ang kamay ko. "Are you okay?"

Love is a RiotWhere stories live. Discover now