Kabanata 7 : Rosas

813 59 3
                                    

Bumalik na ako sa klase at ito nga, hindi na ako tinantanan ni Zairah ng mga tanong "Sige na, sino na nga 'yong hot na guy na sobrang gwapo?" Makahigit sampung tanong niya na at hindi ko alam kung paano sasagutin.

"Tantanan mo nga ako Zai, mag focus ka na lang kaya sa studies mo at malaki ang mapapala mo riyan." Pangaral ko.

"Hmp, ito naman ang kj minsan na nga lang. Boyfriend mo 'yon ano?" Tanong niya ulit pero tahimik lang ako ngunit tuwing papasok sa isip ko si Jacob hindi ko mapigilang mapangiti at biglang tumili si Zairah.

Agad ko naman itong sinara gamit ang kamay ko "Ano ba? Manahimik ka nga."

"Sorry naman, eh sa na-excite ako with matching tuwa to the fullest, may pinsan ba yun na lalaki? Kapatid? O 'di kaya kahit yung tatay niya na lang." Sambit niya at parang nasamid ako sa sarili kong laway sa mga narinig.

"Maghunos-dili ka nga Zairah, andyan na si Prof, makinig ka at huwag magdadaldal, bumalik ka na sa upuan mo." Utos ko naman.

"Yes ma'am!" Sabi niya na may dala pang pagsalute. Hays.

Nagsimula na ding magturo si Prof kaya imbes na isipin si Jacob ay tinuon ko na lang ang pansin sa klase.

Pagkatapos ng klase ay nag-ayos na ako pauwi, hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng excitement. Suddenly, biglang nag-popped up sa isip ko ang mukha ni Jacob. No, hindi pwede, ako excited makita si Jacob!? No way!

"Uy nagmamadali ka yata, magkikita kayo ng jowa mo noh." Panunuron sa akin ni Zairah nang makalapit ito.

"Hindi noh, at isa pa hindi ko 'yon jowa." Pagdedepensa ko.

"Deny ka pa, eh nahuli ka na nga kanina." Sambit niya.

Bumuntong hininga na lamang ako, "Oh siya mauna na ako." Sambit ko at nagsimula nang maglakad.

"Regards mo ako kay pogi hah." Pahabol na tawa ni Zairah.

Tch. Naglakad lamang ako pauwi since walking distance lang naman ang school patungong bahay, mga 3 kilometers, malapit ano? Eh sa wala akong pera, tipid, kaya maglalakad na lang ako.

Mamayang 7pm pa ang shift ko sa Cafeteria doon malapit sa street namin at sa ngayon ay 4pm pa lang kaya may time pa ako para magpahinga.

Habang naglalakad, napadaan ako sa isang parke, bigla na lamang akong napatingin doon sa medyo may kalayuan na kalsada, doon ko unang nakita si Jacob. Ba't ko nga ba siya iniisip? Patuloy akong naglakad nang...

"Jenna!" Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Shit!

Hindi ko siya pinansin at patuloy na naglakad na pawang wala akong narinig.

"Uy Jenna! Suplada naman nito." Narinig kong sambit niya, nasa likuran ko na pala siya.

Tumalikod ako para harapin siya "Ano?" Tanong ko na may inis na tono.

Ngumiti siya "May dala akong ulam para mamayang gabi, piniritong manok. Sobra ito sa carenderia at sayang naman kaya binigay saakin ni Aling Martha." Sambit niya.

Natuwa naman ako "Wha! Patingin nga?" Kinuha ko ito at tinignan, mainit-init pa, mukhang bagong luto ah? "Doon ka na lang magtrabaho palagi para palaging may pagkain tayo." Ngumiti ako ng may pagkalapad, makakatipid ako nito!

"Doon na daw ako magtatrabaho sabi niya kasi nakakarami daw benta niya. You know." Sabi niya at nagpapogi with matching pakita pa ng biceps, natawa na lang ako.

"Tch, tara na nga, dami mo pang kasinungalingan." Sambit ko naman.

"Hindi iyon kasinungalingan ah, pinagkaguluhan nga ang kagwapohan ko sa school niyo." Pangungulit niya.

Huminto ako at hinarap siya "Mapagkakakitaan ba yan?" Biro ko.

"Ganiyan ka na ba kasakim at ibebenta mo ako?" Tanong niya na may bahid na lungkot.

"Eh kesa mamaya hindi lang mga itlog at kusina ko ang susunugin mo, baka pati apartment ko na!" Pabulyaw kung sabi, eh baka may masama pa akong magawa sa kaniya kapag mag isa lang siya sa bahay... baka gapangin ko to, naku!

"Tch. Hindi na po mauulit, huwag kang mag-alala hindi pa naman naubos lahat ng itlog mo." Sabi niya, eh isang tray iyon at nasa bilang 20 ang sinunog niya, dalawa ang naluto nang maayos bale 22 lahat, may 8 pang natira.

"May plano ka bang sunugin din 'yon!?" Gulat kong tanong.

"Sana- ah este, hindi noh!" Depensa nito at naglakad na lamang ako kesa makipag-away sa walang kwentang kausap.

"Jenna!" Tawag niya ulit pero pagkaraay bigla na ding tumahimik.

Mabuti naman, nag-iisip siguro 'yon na umalis na lang sa apartment. Hindi ko naman siya mapaalis doon, kay sama ko naman kung ganun, wala siyang pupuntahan.

"Jenna wait!" Tumawag na naman, ano bang problema nito?

Tumigil na ako at inis ko siyang hinarap. "Ano na naman ba!?"

Lumapit siya sa akin at biglang... ngumiti? Mula sa likuran niya may inilabas siyang hawak na, "Rosas?"

"Oo, para sa'yo." At nagbigay nanaman siya nang matamis na ngiti kung saan lumabas ang cute niyang dimple, I felt my heart beating fast. Ano baang nangyayari sa akin? Hindi na 'to normal.

Kinuha ko ito at inamoy, bango. Tinignan ko ulit siya "Saan mo to nakuha?"

Tumingin siya sa may bandang likuran at nakita ko naman ang purong ng mga rosas pero biglang uminit ang ulo ko nang makita ang napakalaking plaka na 'Do not pick flowers.'

*Priiiit!* "Huy! Kayo!" Tawag ng gwardya sa may 'di kalayuan. Pagtingin ko ay kami ang tinuturo nito.

"Shit! Run!" Hinawakan ko ang braso ni Jacob at tumakbo.

Pahamak talaga ang mokong nato!

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon