Kabanata 19 : The Rides

546 39 2
                                    

"Ano bang gagawin natin dito Jacob?" Inis kong tanong habang kinakaladkad niya ako patungong parke.

"Eh diba hindi tayo natuloy noong nakaraan, ice-cream lang din ang natikman natin kaya itutuloy na natin ngayon, let's enjoy this day!" Masigla niyang sambit.

Martes ngayon and since holiday eh niyaya ako ni Jacob na mamasyal at dinala ulit ako dito sa parke.

"Baka mamaya magmamartsa ka na naman pauwi." Pansin ko kasing napakapossessive ni Jacob, ayaw niyang may tumitingin o 'di kaya'y lumalapit sa akin, mabilis uminit ang ulo niya.

"Tch. Takot lang nila." Bulong niya.

"Ano kamo?" Tanong ko, masyado kasing maingay dito sa parke, may mga nagsisigawan, tugtugan, sasakyan at kung saan-saan na lang may nag-uusap.

"Wala, sabi ko ambagal mo. Dalian mo." Pagmamadali niya pero hawak naman ang kamay ko.

"Oo na po." Sa totoo lang tinatamad talaga ako ngayon, mas gugustuhin ko pang matulog.

You know may dalaw, kaya mas madali akong mainis, tamarin at ewan hindi ko din maintindihan ang sarili ko kapag dinadatnan ng dalaw.

Tumingin ako sa paligid at nakikita ko ang ilang kababaihan na tingin nang tingin kay Jacob, tutusukin ko mga mata nila eh!

"Jacob, huwag na lang kaya tayong tumuloy?" Tanong ko.

"Ano ka ba, nandito na tayo kaya wala nang atrasan." Sambit niya at kitang kita ko ang kagustuhan niyang manatili kaya hinayaan ko na lamang.

"Sige na nga, pero bili na muna tayo ng ice-cream." Sambit ko giving him my puppy eyes.

"Fine. Tara." At tumungo na kami sa ice-cream stall.

Habang kumakain kaming dalawa ng ice-cream na prenteng nakaupo, I freezes nang makita ko sa hindi kalayuan ang familiar na lalaki. Ba't ba kapag nandito kami sa ice-cream stall ay palagi akong may nakikitang familiar!?

Itinagilid ko ang nakawagwag kong buhok para hindi makita ang aking mukha.

"Anong problema Jenna?" Tanong ni Jacob napansin siguro nito ang pagkabalisa ko.

Naisipan ko ang ferris wheel, siguro makikita ko ang mga tao mula sa taas. Nais kong makasiguro kung anong pakay niya rito... lalo na't ang nakita ko ang ang kanang kamay ni... daddy.

"Gusto ko kasing sumakay sa Ferris wheel, pwede ba?" Saad ko kay Jacob sabay pagkagat-labi ko, alam ko namang hindi niya ako matitiis.

"Sige, pagmaubos na natin 'to." Sambit niya.

"Ayaw ko na." Inilapag ko ang ice-cream cup at kinuha ang kamay niya "tara na!" Sabay guyod patungong ticket booth ng ferris wheel.

"Ikaw talaga para kang bata." Saad niya.

"Aba! Makasalita ka ah, anong tingin mo pala sa sarili mo?" Balik ko sa kaniya.

"Gwapo." Ngumiti siya nang malapad.

Umismid na lamang ako, tamang-tama at nakarating kami sa titcket booth ng ferris wheel.

"Miss dalawa nga po." Sambit ni Jacob sa babaeng nakabantay dito, ngunit pag-angat ng babae ay nasilayan niya si Jacob dahilan para matulala ito. "Miss?" Ulit na tawag ni Jacob.

Sa inis ko, tinulak ko si Jacob "Doon ka nga, sa susunod na punta natin dito siguraduhin mong nakatakip na 'yang mukha mo." Inis kong sambit at binalingan ang babae.

"Miss!" Tawag ko nang makitang hindi niya inaalis ang tingin kay Jacob at nagulat naman ito sa sigaw ko.

"Y-yes ma'am?" Taranta niyang sambit.

"Two tickets for me and my boyfriend." Inemphasize ko talaga ang salitang 'boyfriend' sabay turo kay Jacob na ngayon ay nakangisi, pinandilatan ko naman ito dahilan para tumingin na lamang ito sa taas ng ferris wheel.

"O-okay po ma'am." Nagmadali siyang kumuha ng ticket at ibinigay ito sa akin agad ko naman siyang binayaran.

"Sa susunod, trabaho muna." Pag-iwan ko dito nang salita atsaka umalis patungo kay Jacob na naghihintay sa gate ng ferris wheel.

Huwag nila akong babanggain ngayon sapagkat hindi ko kontrol ang sarili ko, madali akong mainis at magalit hindi ko alam kung ano ang maaari kong magawa.

"Hey girlfriend!" Tawag ni Jacob sabay akbay nang makalapit ako ngunit inis ko itong inalis.

*****

"Jen... nagtatampo ka parin ba?" Nakangusong sambit ni Jacob habang masuyo akong nilalapitan.

Umaandar na ang ferris wheel pero hindi ko parin siya pinapansin, hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit sobrang naiinis ako sa kaniya.

"Jenna... pansinin mo naman ako oh. May dalaw ka ba?" Tanong niya na nakapagpamula ng pisngi ko.

Ngumisi si Jacob nang malamang tama ang hinala niya. "Kaya pala ayaw mong pumunta dito eh, may pera pa ako dito. Bilhan kita mamaya ng Hello Kitty, gusto mo 'yon?"

Nagpantig ang mga tenga ko at agad napatingin sa kaniya na kumikislap ang mga mata "Totoo?" Kanina ko pa kasi nakita iyong Hello Kitty na stuff toy pero hindi ko mabili, tipid kasi ako para sa pag-aaral ko.

He nodded smiling "Oo, basta ba bati na tayo."

"Whaa! Oo naman! Thank you!" I exclaimed sabay yakap sa kaniya.

"Kiss ko?" Sambit niya sabay nguso.

I pecked his lips at binigyan siya nang malapad na ngiti.

He pouted "Hindi naman 'yon kiss eh."

"Kiss 'yon bahala ka na dyan." Sambit ko at lumipat ng upuan paharap na sa kaniya, mamaya ano pang magawa ko. Tumingin ako sa baba and "Jacob look!"

Agad naman siyang napatingin dito at nakita ang ganda ng paligid, maganda pala ang paglandscape nila sa lugar, hindi kasi halata kapag nasa ibaba. Sandali pa'y nakita ko na ang mga hinahanap ko, men in black nasa bilang lima sila na para bang may hinahanap, at sa simbolo ng isang espada na may dahon sa uniporme nila alam kong... ako ang habol ng mga ito.

Kahit na nandito ako sa itaas, kitang-kita ko sila pati narin ang kanilang mga kasuotan, sa ilang taon ko sa mansyon ng mga Caspillan kabisado ko na ang mga ito.

Pero sa hindi kalayuan kitang kita ko si Mateo ang kanang kamay ni daddy habang prenteng nakaupo sa isang stall, nakasuot ito ng simpleng damit at itim na kalo, gayunpaman kilala ko ang mukha niya, siya ang isa sa mga nagtrain sa akin kaya hindi ko siya malilimutan.

"Jenna, ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Jacob.

Nakarating na dito ang mga tao ni daddy... hindi magtatagal mahahanap na din ako ng mga ito.

Pagdating ng araw na iyon, makakaya ko kayang iwan si Jacob?

"O-oo ayos lang ako." Sagot ko.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon