Kabanata 16 : Kaibigan

556 39 3
                                    

"Paano kayo nagkakilala?" Takang tanong ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa naka-prepare na mga upuan dito sa ice-cream stall kung saan nakapalibot kami sa iisang mesa, syempre katabi ko si Jenna.

"Ah nagkita kami sa hospital, napansin ko kasi siyang nagsasalita mag-isa, gutom raw siya. Tamang-tama namang may dala akong pagkain kaya nilapitan ko na at ibinigay sa kaniya. Eh na starstruck ba naman sa kagwapohan ko." Pagpapaliwanag ni Adrian sabay tawa, hindi ko namalayang nakuyom ko ang mga kamao ko.

"Inakala ko kasi noong mga panahon na 'yon ay anghel kang nahulog sa langit." Natatawang sabi ni Jenna.

Ramdam kong kumukulo na ang dugo ko kaya humugot ako ng malalim na hininga "Ah ganoon ba, CR na muna ako." Tumayo na ako at tumungo sa CR.

Anghel nahulog sa langit. Tch.

Mabilis akong nagtungo sa CR at ginawa ang dapat gawin, matapos ay lumabas na ako pero,

"Inikot ko ang buong Pilipinas upang mahanap ka, nandito ka lang pala." Sambit niya na nagpatigil sa akin, alam kong susundan niya ako rito.

"Hindi ko sinabing hanapin mo ako." Matigas kong usal at tumingin sa kaniyang nakasandal sa pader.

Tumayo ito ng tuwid at hinarap ako ng maayos "Responsibilidad ko Jake, kailangan ka ng kaharian. Kailangan ka namin."

"Hindi na ako babalik sa kaharian Adrian. Mananatili ako rito ngayong... nahanap ko na ang matagal ko nang hinahanap."  Saad ko habang tinititigan siya na walang emosyon.

"Siya ba?" Sambit niya at alam kung si Jenna ang tinutukoy nito.

I nodded "Hindi ko siya iiwan."

"You have to Jake, ilalagay mo lang siya sa panganib, mahihirapan lang kayo alam mo 'yan. Kilala mo ang ama mo." Seryoso niyang saad.

"Kahit anong mangyari, poprotektahan ko ang babaeng mahal ko. Kahit ano pang gawin ni ama, hindi ko bibitawan si Jenna." May diin kong sambit.

"Patawad Jake... but you have to report to the King within this week." Sabi ni Adrian na para bang wala nang magawa.

"No, you know what my father will do once I'll go to see him at hindi ko hahayaang mangyari 'yon." Pagmamatigas ko atsaka tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Think of the others Jake! Huwag kang makasarili." Singhal ni Adrian.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na sinigawan ako ng matalik kong kaibigan kaya napatigil ako.

Muli ko siyang hinarap "What do you mean?"

"Critical ang condition ng kapatid ko Jake and the King gave me 1 week para ibigay kita sa kaniya kung hindi he will sue me, alam mong ako na lang ang inaasahan ng kapatid ko at hindi ko siya pwedeng iwan sa kalagayan niya ngayon." Nakikita ko ang paghihirap sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng awa.

"How's Monick?" Masakitin ang kapatid ni Adrian pero hindi ko alam kung gaano na ito kalala.

"She's getting worse Jake, pabalik-balik kami ng hospital dahil sa iniinda niyang sakit. Naaawa ako sa kalagayan niya pero wala akong magawa and the only thing I can do is to be with her." Sambit niya.

Labag man sa kalooban ko pero "Give me one week, tell my father that after a week, I'll see him."

Tumalikod na ako at umalis, hinanap kaagad ng mga mata ko si Jenna at hindi naman ako nahirapan nang makita siyang prenteng nakaupo habang nakangiti nang matamis na nakatingin sa mga batang naglalaro 'di kalayuan.

Ramdam na ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko na para bang sa dinami-rami ng mga tao dito... siya lang ang nakikita ko. Hindi ko maikakaila ang gandang taglay ni Jenna lalo na ngayon sa suot niya kaya mas lalong mahigpit ang bantay ko, akin lang si Jenna at walang pwedeng mang-agaw sa kaniya. But the thought of leaving her feels like an arrow deeply shot my heart... masakit. Hindi ko kayang isipin ang maaaring mangyari after this week. Kung maaari ko lang siyang itanan patungo sa malayong lugar, gagawin ko. Pero sa sitwasyon ngayon hindi pwedeng sarili ko lang ang iisipin ko... kailangan ako ng matalik kong kaibigan, sa dami nang naitulong niya this time ako naman ang tutulong sa kaniya.

But it takes... my own happiness... my life. Naglakad na ako patungo kay Jenna at umupo sa harap nito.

"Antagal mo naman, ba't ngayon ka lang? Nagtae ka ano." Pabiro niyang usal, sa bawat tawa na ibinibigay niya pakiramdam ko'y sa kaniya na lamang umiikot ang mundo ko.

"Tch. Oo na lang." Sambit ko.

Lalo siyang natawa sa inasal ko "Ang cute mo pala kapag nahuli ka."

"Gwapo ako Jenna hindi cute." Then I put my fingers in my chin emphasizing my handsome face.

"Tch, ang cute mo." Atsaka kinurot niya ang mga pisngi ko, pakiramdam ko namula ito hindi ko alam kung dahil sa hiya o inis, or both.

"Tch." At nakita ko si Adrian na papalapit sa lugar namin.

"Jenna, Jake-cob I'll gotta go, may importante pa pala akong pupuntahan." Nagmamadali niyang sambit, tch, malapit niya pang masambit ang tunay kong pangalan.

Ngumiti naman si Jenna "Sige, ingat!" Sigaw niya sa papalayo na si Adrian.

"Kung makangiti wagas ah." Sarkastiko kong sambit.

"Ano bang problema sa pagngiti?" Tanong naman nito.

"Kung kaharap mo si Adrian abot langit ang ngiti mo kung kaharap mo naman ako umuusok agad ang tenga mo, galing ah." Naiinis kong usal.

"Ano bang problema mo?" Tanong niya habang magkasalubong ang mga kilay.

"Problema ko? Ang sinabi mong anghel siyang nahulog sa langit samantalang ako kinumpara mo sa aso!" At tumayo na ako saka nagsimulang maglakad.

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now