Kabanata 5 : Jacob

933 57 7
                                    

"Pasok." Utos ko at walang anu-ano nama'y pumasok na siya sa loob ng bahay.

Isinara ko na ang pinto at muli siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Ang dungis niya!

"Maligo ka nga muna, nandoon ang banyo." Itinuro ko naman ang isang pinto, pinto ng banyo. "Maghahanap lang ako ng damit na pwede sa'yo, suit yourself." Saad ko at pumunta sa kwarto, bago pa man ako makapasok...

"Maraming salamat, mabait ka naman pala." Sabi niya at tumawa.

"Haish." Inis at padabog kung isinara ang pinto, mga munting tawa niya na lamang ang naririnig ko mula sa sala.

Bakit ko nga ba iyon pinapasok dito sa apartment?

Nag-ukay ako sa closet at "Ayun!" Tuwang tuwa ko namang hinablot ang T-shirt ko na Large size, binili ko kasi ito dati sa ukay-ukayan. 

Kahit na malaki, maganda kasi ang tela at branded pa! 

Pero dahil hindi ko naman magagamit, ibibigay ko na lang sa kanya, kawawang pulubi. Napabuntong hininga na lamang ako. Hinablot ko na din ang isa kong jogging pants, medyo malaki naman ito kaya kasya na siguro sa kaniya.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas ang... Olala! Greek God!

Shit! Yummy, hhmm...

"Keep your mouth close, papasukan 'yan mamaya ng langaw." Saad niya habang papalapit sakin suot ang twalya na nakapalibot sa kaniyang bewang at may bandage pa rin itong nakapulupot sa kaniya.

Parang bigla akong binuhusan nang malamig na tubig at nagising sa sarili kong diwa. Jenna naman! Ba't mo ba pinagnanasaan ang tamad, mayabang at mahangin na lalaking 'to?

Eh ang gwapo, supah hot! Umiling iling naman ako, masamang hangin, umalis ka sa isip ko huhu.

Nagulat na lamang ako nang biglang may humablot ng mga hawak kong damit. Oh shit! Nasa harapan ko na pala siya nang hindi ko man lang namamalayan.

"Ay wow, walang pakundangan 'to ah. Ni hindi man lang nag tanong." Sarkastiko kong saad sa kaniya.

"Nagtanong ako, pero wala ka sa sarili mo. In love ka na ba sa'kin hah?" Panghahamon niya na may kasamang pagtutukso.

Napalunok ako "In your dreams!" Inirapan ko siya at umalis, pero bago pa man ako makalayo.

"Diyan ka sa sala matulog, dinalhan na din kita riyan ng unan at kulambo. Night!" Galit kong sambit at dumiretso na patungo sa kwarto. Napansin kong hindi niya na masyadong iniinda ang sugat niya, mukhang sanay na siya at binabalewala na lang ito.

I sighed, nang makahiga ako sa kama, hindi ko namalayang nakatulog agad ako sa sobrang pagod.

******* 

Maaga akong nagising at agad kong inunat ang aking mga kamay "Good morning world!" I exclaimed the moment I saw the sun rising through the window.

"Good morning too babe." Bigla akong nagulat at napatingin sa may pintuan, surprised nang makita ko si Jacob na looking hot sa aprong suot habang hawak ang isang sandok. "You're breakfast is ready." Saad niya sabay kindat.

I was confused, ano ba 'tong palabas niya? "Teka, nagluto ka ba!?" Bigla akong bumalikwas sa kama at nagsimulang maglakad patungo sa kusina.

"Yeah, nakakahiya namang manuluyan dito sa bahay mo at magpaalaga, kaya nilutuan na kita ng pagkain." Paliwanag niya.

Pagkarating na pagkarating ko sa sala, nakita ko ang mga supot ng chichirya na kumakalat, biglang kumulo ang dugo ko at lumuhod sa sala habang dahan-dahang pinulot ang mga ito. Ito 'yong mga pagkain na tinitipid kong kainin para sa isang linggo at pang isang gabi niya lang!?

"Pasensya hah, nagutom ako kagabi at iyan lang ang nakita kong mga pagkain na hindi na kailangang lutuin." Paghingi niya ng dispetsa, kinuyom ko ang kamay ko kung saan may hawak pang supot.

Relax Jenna, huminga ako nang malalim at tumayo, gutom siya at gusto niyang kumain, hindi na siya nakahingi ng permiso dahil tulog ako. Okay? Gutom, okay gutom. Hindi naman ako maramot.

Tumingin ako sa kaniya at binigyan siya ng pilit na ngiti, "Okay lang." Pilit kong sambit.

Ngumito naman ito "Salamat."

At pagkatapos, agad akong tumungo sa kusina, pero nang makita ang mukha ng aking kusina at ang mga pagkaing niluto niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko, huminga ako ng malalim at... "Jacob!!!!!!" Kinuha ko ang walis na malapit sa akin at agad siyang hinabol nito.

Bahala na kahit may sugat pa siya "Papatayin kita!".

***** viona99 *****

Sorry sa tagal ng update, sana magustuhan mo ito.

Please vote and comment, and please don't forget to follow me.

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now