Kabanata 33 : Manner

536 35 2
                                    

Jacob's POV

"Oh there she is." Sambit nang lalaki na kung titignan ay nasa middle-age na ito, he must be her father.

Pero wala akong gana para tignan ito, ayaw kong tumingin sa ibang babae, gusto ko kay Jenna lang.

"Your majesties, I'm sorry for keeping you wait." Saad ng babae.

At nang marinig ko ang tinig niya biglang lumakas ang pintig ng puso ko, pakiramdam ko'y nabuhay ang katawang lupa ko.

Agad akong napatingin dito kasabay nang pagtayo ko na para bang sasabog ang puso ko at gustong kumawala "J-Jenna..." I murmured her name, hindi ako makapaniwala.

Ang taong pinakamamahal ko, ang babaeng gusto kong pakasalan ay ang babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko.

"I'm sorry?" Malumanay na tanong nito na para bang naguguluhan sa sinabi ko, sa way nang galaw niya, sa paraan nang pananalita... napakalayo niya sa babaeng mahal ko, walang preno bibig nun.

"Jake, behave your self." Utos ni dad.

Kaya agad akong umalis sa kinatatayuan ko patungo sa babaing kamukhang-kamukha ni Jenna.

"It is nice to meet you, my lady." Saad ko sabay kuha ng kaniyang kamay at paghalik dito, paggalang sa mga kababaihan pero hindi ko inialis ang tingin sa mga mata nito.

Parehong-pareho talaga kay Jenna.

"It is nice to meet you, my lord." She softly stated and gracefully bowed like a real princess.

Pero hindi siya ang Jenna ko, imposibleng sa iilang araw lang ay natutunan na ito ni Jenna, it takes years para matutunan ang mga galaw ng pagiging isang prinsesa.

Tumungo ako sa dapat niyang upuan at iginiya ito, sabay naman ang paglalakad at pagtayo niya rito. "Thank you." Sambit niya saakin giving me a sly smile at tumingin sa parents ko "I'm sorry for not introducing myself, I'm Aliciah Caspillan." She bowed smiling and then she sit on her chair.

Sa bawat salita, galaw at pag-upo niya, mabagal at hindi makabasag pinggan.

Hindi ko nakikita ang isang Jenna Madrigal sa kaniya. Pero ang puso ko ay sinasabing siya ang babaeng pinakamamahal ko. Aliciah Caspillan, napakalayo sa isang Jenna Madrigal.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman habang patungo ako sa aking uupuan, may halong saya, lungkot at disappointment.

Litong-lito ako, Jenna... where are you? Napatingin ako sa babaeng nagngangalang Aliciah, hindi maialis ang tingin ko rito habang binabasa ang bawat galaw niya.

"She will melt Jake, eat your food." Father whispered right near my ear.

Hindi ko namalayang kainan na pala, ni hindi ko man lang narinig ang mga pag-uusap nila, pakiramdam ko kasi ay dalawa lang kami ng Aliciah na ito. Kumain na ako, at si Jenna na singbilis ni Flash kumain ay ibang-iba dito sa Aliciah na singbagal ng pagong. A true royal blood.

Matapos kumain "Jake, why don't you take Princess Aliciah to the garden?" Saad ni ina sa akin sabay tingin kay Aliciah "It's the greatest spot here in the castle."

"Really? I would be glad to. Is it okay for you my lord?" Malumanay na tanong nito.

Napatango na lamang ako "Of course, shall we?" I stand up offering my arms at agad naman siyang tumayo at tinanggap ito.

Ngumiti siya "Thank you."

Nang makalayo kami sa kanila ay tumigil ako at agad siyang kinausap. "Jen... I know it's you, please talk to me."

"Who's Jen? You keep on saying her name." Hinarap niya ako wearing her innocent look.

Pero malakas ang kutob kong si Jenna ang kaharap ko kahit maraming ebidensya na ibang tao ito at Aliciah ang pangalan ngunit puso ko ang nagdidikta, ito ang babaeng tinitibok ng puso ko.

"Jenna, she's the girl I love. The only girl I will forever love." Sambit ko rito at napansin ko ang pagbabago sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko mawari kung ano ito, itinago niya rin ito kaagad.

"I see, you have someone in your heart. Should we call the marriage off?" Malumanay na sambit nito.

"Can you please give me some time? But if you can give my girl to me, I'd rather marry her." Saad ko sa kaniya at hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin saka nagsimula na akong maglakad papalayo.

It hurts, gusto ko nang makasama si Jenna. Gusto ko na siyang makita... parang sasabog ang puso ko sa bawat araw na hindi siya nasisilayan.

Ngunit napatigil ako, para bang tumigil din ang mundo ko nang maramdaman ang mga kamay ni Aliciah na pumulupot sa bewang ko, yakap-yakap ako mula sa likuran.

"Sorry, hindi ko na mapigilan. Ikaw kasi eh, pinaghintay mo ba naman ako doon sa dining table." Biglang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig kasabay nito ang lakas nang pagtibok ng puso ko.

Hindi ako makagalaw kahit naisin ko mang ikulong siya sa mga bisig ko, it was like all my organs were not working aside from my heart. Kahit paghinga ay hindi ko ramdam.

Hindi niya inalis ang mga kamay niya sa akin "Magsalita ka naman oh. Na miss kita."

And there I found myself, agad ko siyang hinarap at mahigpit na niyakap "Oh shit Jen, akala ko hindi na kita makikita pang muli."

I hear her sobs "I-ikaw nga 'tong nang-iwan at nauna nang lumipad."

"Sabi mo eh." Bulong ko at ibinaon ang mukha sa kaniyang leeg sabay inamoy ito. "May mga galawan kapang nalalaman, galing mo din ah. Napaniwala mo ako." Sambit ko, ramdam ko ang pagkalas niya sa mga yakap ko pero hindi ko siya pinagbigyan. Kung pwede lang buong gabi ko siyang yayakapin.

"Tch. Paano ba namang pinaghintay mo ako doon, awkward kayang kaharap ang reyna." Sambit nito at ramdam kong nahihirapan na siyang huminga.

Kumalas na ako sa yakap at hinarap siya "Kung alam ko lang na ikaw ang babaeng pakakasalan ko Jenna, doon na sana ako natulog sa gate kagabi."

Napakagat labi ito "Eh kasi gusto kitang surpresahin." Sabay nguso.

Hindi ko na mapigilan pa ang akong sarili at sinunggaban na ito ng halik. Agad naman nitong nilingkis ang kaniyang mga baso sa aking leeg at hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang bewang.

The kiss wasn't passionate at all. Kahit gulong-gulo man ang isipan ko kung bakit narito si Jenna bilang isang Royal Princess ay nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa babaeng ito.

Patuloy ko siyang hinahalikan like she's my only source of air. I licked her lower lip and she open her mouth, I immediately enter my tongue exploring it.

Ilang sandali pa'y naramdaman kong nanghihina na ito as she pat my shoulder kaya kumalas na ako sa halik and she gasped catching an air. "You kissing monster." Bulong nito as we both panting.

I smirked "kissing monster, we'll see." Agad ko siyang binuhat bridal style and she creamed but immediately put her hands to cover her mouth.

Natawa ako sabay naglakad "Where are you taking me!?" Tanong nito.

"To our paradise." Nakangisi kong saad.

***** viona99 *******

Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories. Thank you!❤

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon