Kabanata 11 : The Dream

653 46 2
                                    

I was walking towards my father's office, excited na akong makita si Daddy, but when I reached the door knob, may katawang humarang sa aking harapan, agad akong tumingala at nasilayan ang magkasalubong na mga kilay ni mommy.

"Room, now!" Ma-awtoridad niyang utos.

Agad akong tumakbo papuntang kwarto habang tumutulo ang aking mga luha, galit na naman ang mommy, kasalanan ko 'to.

Nang makarating ako sa kwarto, ilang sandali pa'y bumukas ang pinto at dala dala ni mommy ang kaniyang latigo.

"Mommy please, no." I pleaded pero parang hindi niya ako naririnig dahil ni walang emosyon ang kaniyang mukha.

"Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na huwag kang papasok sa office ng iyong ama!" Galit na sambit niya. The room is soundproof so no one could hear us.

"I'm sorry, mommy. I'm very sorry." I cried.

She laughed "Tingin mo makikinig ako sa'yo, eh hindi ka nakinig sa akin. Luhod!"

"No! Mommy... please. I'm sorry." Nanginginig akong sumunod sa utos niya.

"Ah! Mommy, please. Stop." She continously spanked me with a latigo habang umiiyak ako at pilit na nagmamakaawang tigilan niya. "Stop, please."

"Jenna!" Nakaramdam ako nang pag-alog ng aking katawan kaya agad kong iminulat ang aking mga mata.

Nasilayan ko ang mga makukulay berdeng mga mata at ang gwapong mukha ni Jacob "You're having a nightmare." Saad niya na may bahid nang... pag-aalala?

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko at nang maalala ko ulit ang masamang panaginip, napakagat labi na lamang ako habang pilit na pinipigil ang pag-iyak.

"Come, it's okay." Jacob opened his arms and I did not wait a chance as I hugged him at humagulgol ng iyak.

Nang huminahon, kumalas na agad ako sa yakap, he raised his hand wiping my tears kasabay nang mahinahon na tanong mula sa kaniya "Ano bang napanaginipan mo?"

I shook my head "It wasn't just a dream." I murmured.

I don't know but I feel so comfortable with Jacob.

Kumunot and nuo niya "Anong ibig mong sabihin?"

"Isang masamang ala-ala ng nakaraan." Sambit ko.

"May kinalaman ba ito sa iyong ina? You keep on calling her to... stop." He said.

Tinignan ko siya sa mata at maigi naman itong nakatitig sa akin. "I thought she was, but she wasn't my real mom."

"Pwede mo bang ikuwento sa akin?" Malumanay niyang tanong.

I nodded.

Since I was 14 year-old I don't remember everything, like I was a new born. I was introduced to my parents Daddy Jonathan and Mommy Matilda.

Daddy was a businessman, he was so busy with work that he lost time with me, he rarely go back to the house and if he did, all he did was to teach me (teaching me to fight).

"Aliciah!" Tawag ni mommy.

"Y-yes mom?" Mabilis akong tumugon na may takot.

"Linisin mo ang buong sahig, siguraduhin mong walang natitirang dumi!" Utos niya.

"Opo." Sagot ko at agad siyang sinunod.

Tuwing wala si daddy sa bahay, pinapauwi ni mommy Matilda ang mga kasambahay at ako ang pinapagawa niya ng lahat na mga gawaing ito. Palagi kong tinatanong ang sarili ko, mahal ba ako ni mommy? Bakit niya ako inaalila? Bakit niya ako palaging sinasaktan? Ano bang nagawa kong mali sa kaniya?

Lumapit sa akin si mommy habang ako ay naglalampaso ng sahig "Ito ang pakakatandaan mo Aliciah, huwag na huwag mong sasabihin sa iyong ama ang mga ginagawa mo dito sa bahay, huwag ka din pumunta sa office."

Dahil siya ang kinikilala kong tunay na ina, I nodded "Opo."

"Good, mabuti ng maliwanag."

Sumunod na mga araw.

"Yaya, asan po si daddy?" Excited kong tanong kay yaya Elen habang bitbit ang drawing ko.

"Nasa office po ma'am, puntahan niyo na lang po siya roon." Sambit niya.

"Okay po." Alam kong ipinagbabawal ni mommy pero mabilis lang naman ako ibibigay ko lang itong drawing ko, alam kong ikatutuwa ni daddy.

Pero hindi ko pa man naabot ang door knob hinarangan na ako ni mommy, atsaka pinarusahan sa paglabag ko sa kaniyang utos.

Hindi pa ako nakarating sa office ni daddy at hindi ko alam kung bakit ayaw akong papuntahin doon ni mommy.

Walang araw na hindi galit sa akin si mommy Matilda, palagi niya kasi akong sinusumbatan, simpleng galaw ko sinisigawan niya, maliit na kamalian ko pinapalo niya na ako nang malakas, maliban sa inaalipin niya ako ayaw niya ring lamabas ako ng bahay, kaya hindi ako nakaranas na makapaglaro sa labas. Para bang may galit ito sa akin. Pero hinayaan ko na lang, ayaw ko namang kalabanin ang sarili kong ina.

Pero ang mga paniniwala kong ito biglang naglaho.

I was 16 year-old, papunta ako noon sa kusina nang hindi ko sinasadyang mapadaan sa office ni daddy.

"Pwede ba Jonathan, ginagawa ko naman ang responsibilidad ko sa anak mo kahit na hindi ko siya tunay na anak!" Nagulat ako sa narinig ko na sadyang nagpahinto sa akin mula sa kinatatayuan ko.

Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig, I was an only child kaya ang anak ni daddy na tinutukoy ni mommy Matilda ay ako... pero hindi niya raw ako tunay na anak.

"Ginagampanan mo nga ang responsibilidad mo Matilda kaya manatili kang sumunod sa reponsibilidad mo lamang." Utos ni daddy.

"Sa'yong-sa'yo ako Jonathan, tanggapin mo na ang pagkawala ni Oliviah. Nagtiis ako maging yaya ng anak mo sa matagal na panahon, hayaan mo ding alagaan kita." Masuyong sambit ni... mommy Matilda, hindi ko tunay na ina.

Oliviah... siya ba ang tunay kong ina? Yaya... yaya ko lamang si mommy Matilda?

Bakit? Ano ito? Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, bakit sila nagsinungaling sa akin? Bakit pinaniwala nila ako na tunay kong ina si mommy Matilda? Bakit wala akong maalala tungkol sa tunay kong mommy at ni hindi ko maalala na yaya ko lamang ang tinuturi kong tunay na ina.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, binuksan ko ang pinto ng office ni daddy at tumambad sa akin si Mommy Matilda na hinahalikan si daddy, nagtinginan sila sa akin at nakita ko ang gulat sa mga mata ni daddy, ganun din kay mommy Matilda.

Nakuha din ang atensyon ko nang makita ang malaking larawan sa pader na nasa likod ni daddy, ang larawan na masaya siyang nakangiti sa isang magandang babae na medyo hawig sa akin, nakasuot sila ng pangkasal na damit, siya ba ang tunay kong ina?

"A-Aliciah..." bulong na sambit ni daddy atsaka tinulak si mommy Matilda.

"Liar!" Sigaw ko habang umiiyak.

Tumakbo ako patungong kwarto at nagkulong doon, gusto nilang pumasok pero wala akong pinagbigyan. Binigyan nila ako ng panahon, pero I grabbed the chance to escape.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon