Kabanata 4 : Bahala Na

1K 61 6
                                    

"Manong, para po!" Sabi ko sa Taxi Driver.

"Bababa na po ba kayo ma'am?" Tanong niya habang nakatingin mula sa side mirror.

"Hindi po, siya lang." Sabi ko habang nakatingin nang masama kay Jacob.

"Wala ka bang puso iiwan mo ako sa gilid ng kalsada!?" Sagot naman niya na may bahid nang pagkagulat.

"Naman!" Binuksan ko ang pintuan banda sa kaniya at pinagtutulak siya "Shoo! Alis na dali!"

"Ano ako pato!? Maka shoo ito wagas. Oo na! Makarma ka sana!" Sambit niya at lumabas na ng sasakyan, nakakalakad naman siya eh dahil iyong tama ng bala ay nasa bandang tiyan niya lang naman. Ito 'yong lugar kung saan ko siya nakita noong nakaraang gabi.

"Tara na po manong." Sabi ko kay manong driver nang pagalit na sinara ni Jacob ang pinto ng sasakyan.

"Ma'am, ang harsh niyo naman po sa boyfriend niyo." Sabi ni manong driver pero pinatakbo na rin ang sasakyan.

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim "Hindi ko siya boyfriend! My gosh! Ang mahanging lalaking 'yon? Never akong papatol doon noh. Over my dead body!" pagalit kong saad.

"Ma'am huwag po kayong magsalita nang patapos. Ang gwapo kaya nun. Noong kabataan ko eh ang daming humahabol sa akin pero kung ikokompara sa kaniya, wala akong panlaban doon. Sayang, bagay pa naman kayo." Nang marinig ko ang mga sinabi niya kumulo ang dugo ko. Bagay? Huh!

Pinigilan ko na lamang ang galit na namumuo sa akin at "Manong, dito na po ako." Mahinahon kong sambit.

*******

After ng shift ko dito sa cafeteria inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas. Madilim na ang gabi, madilim naman talaga ang gabi.

Hayysss pinikit ko ang mga mata ko at pinaramdaman ang malamig na hangin. Para itong napakalungkot na nilalang na sa bawat bagwis nito'y pinapahiwatig niyang hindi sa lahat ng oras ay masaya.

Binuksan ko ang aking mga mata at napatingin sa orasan 10:30 pm. Kumusta na kaya ang lalaking 'yon? Hmmp bakit ko ba iniisip ang maldito na 'yon? Manigas siya!

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay hindi ko mapigilang mag-isip sa sinabi ni Jacob kanina "Nung inabot mo 'yong tinapay, nakita kong may sumusunod sa'yo kaya sinundan ko yung sumusunod sa'yo. Eh ang kaso, sinubukan kang barilin habang papasok ka sa bahay mo. Kaya nung pinigilan ko ganito nangyari."

Kinilabutan ulit ako, posible kayang may kinalaman ito sa? Umiling-iling ako. Imposible... hindi nila ako masusundan dito.
Kung titignan apat na taon na din... at ayaw kong balikan ang nakaraan.

Bigla akong napatingin sa kabilang gilid ng kalsada kung saan ko nakita si Jacob noong nakaraang gabi pero hindi ko maintindihan kung bakit ako nakaramdam nang panghihinayang... wala siya rito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa bahay. Nagulat ako sa aking nakita... si Jacob na nakaupo nang tulog sa gilid ng pintuan habang nakasandig sa wall nitong apartment ko.

Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan niya ngayon. Nakasuot pa din ito ng hospital gown. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at tinignang maigi ang malaanghel niyang mukha. Bait naman ng mukha... pagtulog nga lang.

Hindi ko alam pero... nakikita ko ang lungkot at pangungulila sa kaniyang mukha. Ano bang nangyari dito? Nang binanggit ko ang mga magulang niya, naramdaman ko ang galit na nagmumula sa kaniya. Naglayas ba ang lalaking ito?

Ang tamad naman niya kung ganoon, imbes na maghanap ng trabaho eh umaasa sa limos. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may dumapong lamok sa kaniyang pisngi.

Itinaas ko ang aking kamay para tabigin sana ito palayo pero naunahan niya ako. Tumaas ang kaniyang kamay at hinampas ang pisngi kung saan dinapuan ng lamok. Nagulat ako at biglang napatayo na siyang naging dahilan nang kaniyang paggising.

"Ah, nariyan ka na pala... hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakahintay sa'yo." Sabi niya sabay tumayo at nag-inat.

"At bakit mo naman ako hinihintay?" Panghahamon kong tanong.

"Ahm... pwede ba akong makitulog?" Tanong niya habang pahiyang kinamot ang kaniyang leeg.

"No, and that's final." Saad ko at binuksan ang pinto ng bahay.

"Suplada." Dinig kong pabulong niyang sambit bago ko tuluyang sinara ang pinto.

See? Hindi ko kilala ang Jacob na iyan, mamaya serial killer pala tapos papatayin niya ako habang mahimbing akong natutulog.

Hangin at suplado, compatible as a killer.

Mahal ko pa buhay ko noh, baka sabi-sabi niya lang iyong paglitas chuchu niya para patuluyin ko siya dito sa bahay.

Nek-nek niya!

*****

Kanina pa ako nakahiga dito sa kama pero hindi ako mapakali pabigla-bigla akong bumabalikwas sa higaan.

Hayysss, baka hindi pa 'yon nakapag breakfast, lunch at dinner. Bakit ba ako naaawa sa lalaking iyon? Ehh!

Paano pa ako makatulog nito? Sabi nila kapag baliktarin daw ang unan makakatulog ka na. Eh ilang beses ko nang ginawa pero hanggang ngayon wala pa rin. Nahihirapan din ang dibdib ko, nakokonsensya talaga ako huhu. Bakit ba!?

Aish! Haysss bahala na.

Tumayo na ako ng tuluyan at naglakad patungo sa pintuan. Nang buksan ko ito ay nakita ko siyang nakatayo habang nakasandig parin sa wall.

Napansin niya ang pabukas ng pinto kaya humarap siya sa akin na may malapad na ngiti sa kaniyang mga labi.

Again, bahala na.

*********** A/N : viona99 **********

Hi! Thank you so much for reading!

How is your day?

If you like the chapter kindly give your vote and comment. I would really appreciate it.

Please don't forget to follow me at @viona99 thank you!

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon