Kabanata 10 : Nagmamasid

660 49 4
                                    

10 pm, nag-inat ako, sa wakas makapagpahinga na din, napakaraming costumer namin ngayong gabi, paano ba naman kasi may program riyan lang sa malapit kaya ako ito ngayon, pagod. Nag-ayos na ako ng mga gamit at nang matapos ay binitbit ko na ang bag ko papalabas.

"Mauna na ako." Paalam ko sa mga kasama ko.

"Teka Jenna sandali!" Pahabol ni Erick.

Hinarap ko ito "Bakit?"

"Ahm, susunduin ka ba ng boyfriend mo?" Tanong niya na may pag-aalinlangan.

"Siguro, hindi ko alam ang takbo ng isip nun' eh." Sabi ko sabay kibit balikat, kinareer ko na yung 'boyfriend thingy' eh noh.

"Ganoon ba, sige ingat kayo." Sambit niya.

"Okay, mauna na ako." Ano bang nangyayari dun, simula kahapon pa 'yon balisa.

Nang makalabas ako sa cafeteria ay agad kong nasilayan ang ganda ng gabi, kitang kita mula sa kinatatayuan ko ang liwanag ng buwan kasabay nito ang kumikislap na mga tala, I can't help but smile. "Ang ganda."

"Sobrang ganda." Agad akong napalingon ng may nagsalita sa tabi ko at nakita si Jacob na nakatitig sa akin. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi.

"Alam kong maganda ako kaya 'wag mo nang sabahin pa." Sambit ko at nagsimula nang maglakad, ayaw kong makita niya ang epektong nagagawa niya sa akin, mamaya abutan naman ito ng kahanginan.

"Wow hah, feeler ka rin pala. 'Yong kalangitan ang tinutukoy ko hindi ikaw." Agad na pagdedepensa niya ngunit hindi ko siya pinansin.

Patuloy lang kaming naglalakad at nauuna naman ako ng kaunting distansya. Tahimik ang buong kalye, ganoon din ang namamagitan sa aming dalawa. Sandali lamang ay bigla ako nakarinig sa mga kakahuyan na para bang naputol na sanga ng kahoy, at kanina ko pa rin nararamdaman na para bang may nagmamasid sa amin. Tinitignan ko naman ang paligid pero wala akong nakikita.

"Jacob." Tawag ko at binagalan ang paglalakad para makasabay sa kaniya, kalalaking tao pero ang bagal mag lakad. Tch.

"Hhmm." Response niya.

"Hindi mo ba napapansin na parang may sumusunod sa atin?" Tanong ko.

Kumibit balikat siya at inakbayan ako "Wala naman, baka guni-guni mo lang 'yan, pagod ka lang."

I yawned "Siguro nga." Malapit na kami sa bahay at nakaramdam na ako nang sobrang antok ni hindi ko na maisip na tanggalin ang mga kamay niya sa balikat ko.

Nang makarating kami sa pinto ng bahay ay may kinapa si Jacob sa kaniyang bulsa "Shit! Teka Jenna mukhang nahulog yata 'yong pera kong binigay ni Aling Martha na bonus ko, sayang naman 'yon." Taranta niyang sambit "Mauna ka na sa loob at magpahinga. Titignan ko muna ang daanan baka nariyan lang."

Hindi na ako tumanggi pa at parang pipikit na ang mga mata ko, kung pwede nga lang eh dito na ako sa sahig matulog "Okay, mag-ingat ka." Dumiretso na ako sa loob ng bahay at hindi ko na kaya pang maglakad patungo sa kwarto, tinatamad na rin ako, dahil sofa ang pinakamalapit na mahihigaang nakita ko, sumalampak na lang ako dito.

----- ----- -----

Jacob's POV

Nang makapasok si Jenna sa loob ng apartment ay agad kong isinara ang pinto. Mabilis ko namang kinuha ang baril na itinago ko sa loob ng path na tinabunan ko ng tanim na bulaklak at agad na isinuksok ito sa tagong bulsa ng pantalon ko.

Kanina ko pa napapansing may sumusunod sa amin, hindi ko na siya papakawalan ngayon, pinagbigyan ko lang siya noon.

Tinignan ko ang paligid and... I smirked, spotted. Nakita ko ang lalaki na nakatayo sa loob ng mga kakahuyan sa pamamagitan ng salamin ng sasakyang pagmamay-ari ng kapitbahay. Sa pamamagitan din nito ay dahan-dahan ko siyang nilapitan nang hindi niya namamalayan, akala niya siguro hindi siya mapapansin kaya tiwala siyang walang nakakaalam ng presensya niya. Ibahin niya ako.

Nang makalapit ako rito "Sino ka at anong kailangan mo?" Matigas kong tuon habang tinututok ang baril sa kaniyang ulo.

Mabilis siyang humarap para agawin ang baril sa akin pero mas mabilis akong nakailag, basang-basa ang bawat galaw niya, sabay kong pinalo ang ulo nito ng baril na hawak ko pero bago siya natumba sinalo ko ang kwelyo ng damit niya at itinutok ulit ang baril. "Sagutin mo ang tanong ko, bakit mo siya sinusundan?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Sigaw niya.

"I'm not stupid. Huling tanong, anong kailangan mo kay Jenna?" Matigas ang boses kong tanong dito.

Ngumisi siya "Buhay niya."

Biglang kumulo ang dugo ko, "Bakit?" My voice was venomous.

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat, pagginalaw ang babaeng... mahal ko.

"Hindi ko sasabihin." Matigas niyang sambit.

"Madali akong kausap." Kasabay nang biglaang pag-ingay ng fireworks ay siya namang pagputok ng baril, tatlong beses.

Siya ang may-ari ng baril na hawak ko, nakuha ko ito noong panahong sinusundan niya si Jenna na naging sanhi ng sugat sa aking tagiliran. Sa huli, baril niya rin ang tumapos sa kaniyang buhay.

Nang buksan ko ang pintuan ng apartment, tumambad sa akin ang aking anghel... Jenna. Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ang napakaganda niyang mukha.

Napakatagal kitang hinanap, malaking panahon ang ginugol ko makita ka lang, nandito ka lang pala.

"I promise, sa susunod na magkita tayo, ako naman ang magpoprotekta sa'yo." Determinado kung saad sa cute na batang babae sa harapanan ko.

Ngumiti siya ng may pagkalapad na siya namang ikinabilis nang pintig ng puso ko "Promise?" She asked giving me her pinky finger.

"I promise." At tinanggap ko naman ito.

"Dalhin mo ito oh, para hindi mo ako malilimutan." She handed me a... cute picture of her, napakasaya niya rito, kay lapad nang kaniyang ngiti, hindi ko rin mapigilang ngumiti.

"Your majesty, we have to go." One of our butlers said, but then hindi ako natinag sa kinatatayuan ko habang patuloy na nakatitig sa batang babae, kaya napilitan na lamang silang kaladkarin ako patungo sa kanina pang naghihintay na limousine. Biglang tumulo ang mga luha kong sumunod na lamang sa kanila, nakita ko rin ang lungkot sa kaniyang mga mukha, nang makaalis ang sasakyan namin, kitang-kita ng mga mata ko sa pamamagitan ng windshield ang paghagulgol niya.

"Babalik ako, hahanapin kita." Huling sambit ko habang nakatitig sa kaniya mula sa malayo.

"Nandito na ako mahal ko... nahanap na kita. Tinutupad ko na rin ang pangako kong poprotektahan kita, kahit mundo man ang mamagitan. Mahal na mahal kita Jenna... simula una pa lang." Mahina kong sambit at sa ingay ng tulog niya, alam kong hindi niya ako naririnig.

I kissed her forehead at agad na binuhat siya patungo sa kaniyang kama.

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now