Kabanata 26 : Matilda

486 34 1
                                    

Hindi pa man naputok ni mommy Matilda ang kaniyang baril ay may naunang pumutok na baril mula sa labas at nasundan pa ito ng tatlo, gayun din ang pagkabalisa ni mommy matilda.

"A-ano yon?" Tanong nito na natataranta kung anong gagawin, tahimik lamang ako dahil baka kaunting galaw at salita ko lang ay maging hudyat ng aking kamatayan.

Kami lamang dalawa dito sa loob, then isang putok ulit, ikalimang putok na ito at pagkaraay bumukas ang pinto at bumungad ang taong kaytagal ko nang hindi nakita.

"Daddy." Bulong ko sa sarili.

Mabilis namang pumunta sa likuran ko si mommy Matilda at itinutok ang baril sa ulo ko. "Huwag kang lalapit kung hindi ay basag ang ulo ng anak mo." Panakot nito.

Agad naman akong tinitigan ni daddy at kitang kita ko rito ang lungkot at pangungulila sa kaniyang mga mata.

"I'm sorry." I mouthed in him, kahit kailan ay hindi ako sinisi ni daddy sa pagkamatay ni mommy bagkus ay minahal pa ako nito lalo at ginawa ang lahat hindi lamang ako mawala.

Napansin kong parang hindi lang ang presensya naming tatlo ang nandirito sa loob, kaya hinanap ng mga mata ko kung kanino nanggaling ang presensyang ito, pakiramdam ko'y hindi naman ito napansin ni mommy Matilda.

"Binigay ko sa'yo ang lahat ng mga pangangailangan mo Matilda pero bakit kailangan mo pa itong gawin?" Tanong ni dad at sandali pa'y mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang aking hinahanap.

Ang presensyang iyo pala ay nanggaling kay Mateo sa bandang likuran namin ni mommy Matilda.

"Lahat? Hindi lahat Jonathan! Ang pagmamahal mo na ka'y tagal kong inasam hindi mo binigay sa akin, bakit? Ano ang wala ako na meron si Oliviah!? Kaya kong ibigay sa'yo ang lahat Jonathan pero mas pinili mo si Oliviah!" Galit niyang singhal.

"Si Oliviah ang mahal ko Matilda at siya lang ang mamahalin ko." Matigas na sambit ni daddy.

"Kung ganun dadalhin ko na lang sa kamatayan ang anak mo!" Sigaw ni Mommy Matilda. Ngunit bago pa nito iputok ang baril ay naunahan na siya ni Mateo.

Duguan si Mommy Matilda na bumagsak sa sahig at agad tumakbo si Daddy papalapit sa akin atsaka tinanggal ang mga lubid na nakapulupot sa katawan ko.

"I'm sorry sweetie, ngayon lang si daddy." Malumanay na sambit ni dad, muli namang tumulo ang mga luha ko at nang makalas ang mga tali ay agad ko siyang niyakap.

"I'm so sorry daddy, I'm sorry. I will never go again, I'm sorry." Paulit-ulit kong paghingi ng tawad kay daddy habang umiiyak, he caressed my back to sooth me at ibinaon ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Sshh, don't be sweetie. It was my fault, hindi ko alam na sinasaktan ka ni Matilda, nalaman ko na lang noong nawala ka at nang makita ko ang mga hidden CCTV sa bahay." Paliwanag nito. "Mabuti na lamang nakaalis ka roon at nakita ko lahat ng mga pinaggagawa niya but everything is fine now."

Hinarap ko si daddy "Dad, sh-she killed mom, I saw her, siya ang nagmamaneho ng sasakyan." Sumbong ko and I sensed dad stiffened, matigas nitong pinukulan nang tingin ang bangkay ni Mommy Matilda.

"She's dead, wala na siyang magagawang kasamaan pa Aliciah. Tara na, uwi na tayo." Sambit ni daddy while offering his hand, giving his reassuring smile.

I nodded smiling "Yes daddy."

Sa apat na taon kong paglayo, wala paring pagbabago si Daddy, he's still a loving father ever since ma'am was still alive. Unti-unti nang bumabalik ang mga ala-ala ko, ano pa ba ang mga ala-alang dapat kong matandaan?

Pakiramdam ko ay may kulang, hindi ko mawari kung ano.

Ang puso't isip ko'y may hinahanap.

*****

"Sweetie, kumusta naman ang pamumuhay mo? Hindi ka ba nahirapan?" Tanong ni daddy habang nakasakay na kami nang sasakyan.

Mateo is driving the car, daddy and I were sitting right at the backseat.

"May mga pagkakataong mahirap, pero ako pa, Castillan ata to!" Pagmamalaki ko sabay ngiti agad namang natawa si daddy at napansin kong napangiti si Mateo, nakita ko naman through the front mirror.

Kumunot ang nuo ko at lumapit kay daddy sabay bulong "Daddy, naalala kong nakita ko si Mateo doon sa Parke noong nakaraan, nandoon din ang mga tao ni mommy Matilda."

"Ah 'yon ba. Inutusan ko siyang sundan ang mga tao ni Matilda, sila din kasi ang maghahatid sa amin patungo sa iyo at hindi nga kami nagkamali." Paliwanag niya at tumango na lamang ako.

May mga bagay man na naguguluhan parin ako but I only know one thing, I have my father at simula ngayon... I give my trust on him.

Ipinilig ko ang ulo ko sa kaniyang balikat and let darkness consumed me.

***** viona99 *******

Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories.

Btw, before you go to sleep don't forget to read the Bible and pray❤.

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now