Kabanata 22 : Prinsipe

521 34 2
                                    

Patungo kami sa may gate at nakakagulat dahil sa dami ng estudyanteng nagtutumpukan sa gate. At nang makita kami ng isa pang lalaking nakasuot ng black suit, marami sila para silang mga foreign bodyguards, hinawi nila ang mga estudyante at tumambad sa akin ang isang limousine, napanganga ako sa gulat.

"Narinig kong nawawala raw ang Prinsipe ng Drago." Dinig kong sambit ng isang estudyante hindi kalayuan.

"Oh really? Kaya ba nandito ang Hari ng Drago?" Tanong ng isa niyang kasama.

"This way miss." I was out of dazed nang kinausap ako ng isang... royal bodyguard na tumawag sa akin kanina sa class. Nais niyang sumakay ako sa Limousine na binuksan naman ng isa pang bodyguard.

Nagdadalawang isip ako, bakit naman ako sasakay dito? Mamaya ay gawin pala akong alay.

"The King calls for you, please." Napansin nito na pawang hindi ako sasakay. Pero sabi niya nga pinapatawag ako ng hari, at kung titignan ang daming bodyguards at wala akong laban sa malalaking katawan nila kaya sumunod na lamang ako.

Mas lumakas pa ang bulong-bulongan mula sa mga estudyante ng makasakay ako rito. Agad na rin namang umalis ang sasakyan.

Drago... known as a Monarch Country pero napakalayo ng kahariang ito, kung ang Prinsipe nila ay nawawala imposible namang makarating ito dito sa Pilipinas. Kung titignan hindi naman ako nakikialam sa ibang bansa focus kaya ako dito sa isyu ng Pilipinas, pero paano namang ang bansang Drago mismo ang may business sa akin.

Tumigil ang sinasakyan sa isang magarang restaurant saka nagbukas ang pinto. "Please follow me miss." Ito ang sabi ng lalaki at nauna nang maglakad sumunod na naman ako hanggang sa makarating kami sa isang VIP room dito sa restaurant. Wow hah ang gara, Royal nga diba? Jenna naman, sa di kalayuan nakita ko ang isang lalaki na prenteng nakaupo rito, nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha at sa posture niya shouting confidence and authority maaaring, siya na ang hari.

Dumiretso ang lalaking sinusundan ko patungo sa isang upuan na nasa harap ng... lalaki o Hari ba?

Yumuko ang bodyguard na naghatid sa akin dito atsaka hinarap ang lalaki "Your Highness, she's here." Sambit niya.

Your highness... okay siya na nga ang hari.

Tumango ito "You may now leave." At agad namang umalis ang bodyguard matapos yumuko bilang pagbibigay galang.

Sa totoo lang gulong-gulo ako. Pero I'm Jenna Aliciah Caspillan, anak ng pinakamayamang businessman dito sa Pilipinas at tinatawag nilang Prinsesa ng Dark World o mas kilalang Mundo ng Mafia kaya I was taught to be formal. Noong nasa bahay ako kapag nandiyan si Daddy dapat ay maayos ang pananamit ko at well-mannered, kaunting kamalian ko lang sa tinatawag na proper lady ay sasaktan na ako ni Mommy Matilda, kaya halos lahat nang galaw ng isang prinsesa ay naituro sa akin. Ngayon ay kaharap ko ang isang hari kahit gulong-gulo man ako ay kailangan ko pa din maging pormal dito, that is the number 1 rule sa isang Caspillan.

Tinignan ko ang Hari at ngayon ko lang napansin na kahit nasa middle-age na ito hindi ko maikakaila ang kakisigan at gwapong tinataglay na para bang ito'y... familiar with his foreign look. "You may sit." Utos nito at agad ko naman itong sinunod.

My movement was graceful and with properly postured. "Your Highness, I do not know why I was here and I am confused, please let me know."

Kaharap ko ang kataas-taasang pinuno ng isang bansa at ang turo sa akin na kahit gaano ka man kagalit o kalito, set your emotions at bay and face the person formally. Kahit na sa labanan, hindi maaaring unahan ng emosyon, kung maaari ay huwag magbigay ng emosyon dahil ito ang maaaring gamitin ng kalaban... laban sa iyo. That is what daddy taught me.

"You're interesting... but I wanted you to eat first. I prepared this food especially for you... and I insist." He said at itinuro ang pagkaing nasa harapan, sa tono ng pananalita ng hari ay mukhang kailangan ko itong sundin dahil kung hindi ay hindi ako makakaalis dito. Napakaraming inihain dito hindi lang pagkain kundi pati na rin ang kagamitan, iba't-ibang sukat ng kutsilyo at kutsara, may tissue at napkin din na inihanda.

Labag man sa loob na kumain ay wala akong magawa kaya yumuko na lamang ako "Thank you for the food." I stated and gave a sly smile bilang pagbibigay galang.

Ginamit ko ang proper behaviour na itinuro ni Mommy Matilda tuwing nasa hapagkainan, inilagay ko ang napkin sa aking mga binti at kinuha ang tinidor saka kutsilyo na nasa katamtaman ang sukat, nakadepende kasi ang sukat nito sa pagkain na naihahain sa lapag.

Pansin ko na para bang binabasa ng Hari ang bawat galaw ko, hindi naman sa ano pero... kanina niya pa ako tinititigan minsa'y nakikita ko ang pagkunot nuo nito ngunit naitatago niya din agad. Kumain ako nang hindi mabilis, hindi naman sobrang bagal but enough and with graceful move pagkatapos nang ilang subo ay uminom na ako ng tubig at ginamit ang tissue to wipe my lips kahit na wala namang dumi, ewan ko ba kung bakit napakaraming arte ng mga ito, kaya nga mas pinili ko ang mundo ng mahihirap.

"I'm full, thank you for the food. Your highness, may I know why I was here?" tanong ko.

Napansin kong napangiti ang hari kaya kumunot ang nuo ko pero agad ko naman itong inalis "You're really something for a Poor Filipina. I know why my son is into you."

Saad nito dito na ako nagtaka "Y-your son?"

"I will go straight to the point Miss..?" saad niya na hinihintay ang sagot ko.

"Madrigal, your highness."

"Okay miss Madrigal, I want my son back." Diretsahan niyang saad.

"I'm sorry your Highness, but I do not have your son and if you wanted me to look for him I do not have the source for it." Usal ko ngunit sa loob-loob ko'y gulong-gulo na ako, paano naman napunta sa akin ang Prinsipe? Wala akong pera pantustos dito noh.

He chuckles "My sources told me that you have my son and I am glad you took care of him however I want him back and I know you're the one who can give him back to me."

"Your majesty, I'm sorry to tell you but I did not took care of a prince but a be-" and there, para bang may bomba na sumabog sa isip ko.

"J-Jacob?" Siya ba ang prinsipe? Ang inaakala kong pulubi?

"He's real name is Jake Westley II." At sumenyas siya sa isa niyang bodyguard.

Lumapit naman ito sabay abot sa akin ng isang sobre.

Nang Makita ko ang laman ay para bang binuhusan ako ng isang balde nang malamig na tubig.

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now