Kabanata 21 : King

547 33 2
                                    

"Jacob! Alis na ako!" Sigaw ko sa kaniya na nasa loob pa ng banyo.

"Sandali!" Sigaw nito pabalik "Malapit na din naman akong matapos."

"Dalian mo! Mamaya malate pa ako eh." Usal ko.

"Ang aga pa nito Jenna, kung pwede ka lang tanghalan ng most functual eh natanghalan ka na." Sarkastikong sambit nito kaya wala akong magawa kundi sumandal na lamang sa pader na malapit sa kinatatayuan ko.

Maya-maya pa'y nagbukas ang pinto ng banyo saka lumabas ang pinakagwapong nilalang, tuwalya lang ang nakabalot sa katawan nito kaya kitang kita ang kakisigan.

"Iyong langaw papasok." Sambit nito, tumikhim ako to compose myself.

Kahit ilang beses ko pa makitang topless si Jacob parang hindi pa ako nasasanay. Shit! Ang hot ba naman kasi kaya kahit maaga pakiramdam ko ay tanghali.

"Bakit ba?" Tanong ko sa papalapit na ulam- ay este Jacob.

He stopped in front of me and caged me using both of his arms. Hindi mapigilang madapo ang mga mata ko sa katawan nito na may dala-dalang anim na pandesal habang may iilan pa itong butil ng tubig na hindi pa natuyo, ang init! Napakagat-labi na lamang akong napatingin sa kaniya at nasilayan ko ang nakakaloko nitong mga ngiti kaya kinompose ko ulit ang sarili kong hinarap siya.

"Ano to? Modeling? Pinaghintay mo ako para lang ibalandra sa akin ang katawan mo?" Panghahamon ko.

He leaned closer on my face hanggang ramdam ko na ang hininga niya sa pisngi ko. "Diba sabi mo... naglalaway ka sa'kin."

Parang apoy na mainit ang dumapo sa mga pisngi ko ramdam na ramdam ko ang aking pamumula, I swallowed "K-kelan ko sinabi?"

Hinarap niya ako at gamit ang kaniyang hinlalaki he brushed my lip slowly "You said it yourself, maglalaway ka lang sa crush mo. Hindi ba ako 'yon?"

Mahigpit ang kapit ko sa hawakan ng bag ko na para bang dito nakasalalay ang buhay ko "M-malelate na ako." Sinubukan kong umalis pero matigas ang mga kamay niyang nakaharang. "Jacob, ano ba!"

"Look at my eyes, love." Malumanay niyang utos kaya kahit nahihiya, I slowly looked at his eyes. "Kahit na anong mangyari, tandaan mo... mahal kita."

I nodded "I love you too. Pwede mo na ba akong pakawalan?"

He shook his head "Pwede bang... huwag ka munang pumasok?" Tanong nito.

"Hindi pwede Jacob, graduating ako kaya kailangan present ako lagi." Sa sinabi kong ito ay tumango siya.

"Gusto kitang yakapin pero dahil basa pa ako, pahalik." He asked.

Hindi pa naman ako nakakasagot ay naramdaman ko nalang ang kamay niya sa leeg ko kasabay nito ang paglapat ng kaniyang mga labi sa akin at pagpulupot ng isa niyang kamay sa aking beywang. The kiss was not passionate but ravishing, he bit down my lower lip like it was an authority to let him enter my mouth and I did.

His tongue traveled inside my mouth, he's so hot damn good! After a while he broke from the kiss "Hold me Jen, I wanna feel you." He huskily stated.

Hindi ko alam pero para siyang hipnotismo na sa bawat salita at galaw niya ay sinusunod ko, I looked at his chest at dahan-dahang tumaas ang mga kamay ko patungo rito. Shit! Antigas!

My hand moved slowly at tinignan ang reaction niya, he closed his eyes kasabay nang kaniyang pagkagat-labi, para akong naturn-on, lakas ng epekto!

I traced my hands on his abs ng dahan-dahan pababa "Stop." He hold my hand. "Shit, go now love. Baka hindi ko na macontrol ang sarili ko." Sambit niya sabay humugot ng hininga.

Nagdalawang isip ako, nawala na nga din ako sa isip ko mabuti't napigilan niya kaya dumistansya na ako dahil baka mamaya hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. "S-sige aalis na ako." Sambit ko at nagsimula ng maglakad patungong pinto.

"Love!" Tawag niya kaya agad akong napaharap "Mag-iingat ka hah, I love you!"

Ngumiti ako "Love you too! Tumigil ka na, para kang namamaalam. Tch." At binuksan ko ang pinto saka tumungo na sa school.

Ilang araw na din ang nakalipas simula noong hinabol kami ng mga tauhan ni Dad, it's already Friday. Napakabilis lang ng mga araw at sa bawat araw na lumalipas mas lalong nagiging sweet si Jacob na para bang sinusulit niya ang bawat segundo, bawat minutong magkasama kami.

And I could feel my heart melting everyday.

*****

"Hoy Jenna!" Tawag sa akin ni Zairah.

"Ah bakit?" Tanong ko.

"Alam mo bang kanina pa ako dito sa harap mo nagkukwento?" Reklamo nito.

"Ganun ba? Tungkol saan?" Takang tanong ko.

"Hmp! Hindi ko alam kung kaibigan pa ba turing mo sa akin. Dumating lang si pogi hindi mo na ako masyadong pinapansin." Tampo niyang nakanguso.

"Ayiiee si Zairah nagtatampo." Suron ko sabay sundot sa kamay niya pero wa-epek kaya naman "Canteen tayo mamayang recess? Treat ko."

Biglang lumiwanag ang mga mata niya "Promise?" Sambit nito sabay abot ng pinky finger.

"Promise!" Nakangiti kong sabat pero... "Agh!" Nakaramdam ako ng biglaang pagkirot ng ulo.

"Promise?" Nakangiting saad ng batang babae sabay abot ng pinky finger nito.

"Promise." Sambit ng... hindi ko mawari ang mukha, blurry pero alam kong batang lalaki ito.

"Jenna ayos ka lang ba?" Tanong ni Zairah na may pag-aalala.

Ano 'yon? Hindi ko matandaang may nakasalamuha akong batang lalaki noong bata pa lamang ako, kung ganoon... sino ang mga iyon? Sino ang babae? Sino naman ang batang lalaki?

"Jen? Dadalhin na ba kita sa hospital?" Tanong ni Zairah dahilan upang mapatingin ako dito, nawala na ang pagkirot kasabay ng vision na lumabas sa aking isipan.

I shook my head " Okay na ako, salamat."

She sighed in relief "Kung ayaw mo akong ilibre Jenna ayos lang, huwag mo naman akong takutin ng ganiyan, ano bang nangyari sa'yo?"

"Hindi, ayos lang. Nakakapagtaka nga rin eh, ngayon lang 'to nangyari sa akin." Bakit nga ba? "Andyan na si Prof. Bumalik ka na sa upuan mo."

Agad namang bumalik si Zairah ng masigurong ayos lang ako. Nagsimula ng magdiscuss si Prof. pagkaraan ng ilan pang oras ay may kumatok sa pinto.

"Goodmorning, I'm sorry for the intrusion but may I borrow Ms. Jenna Madrigal?" Saad nang kumatok.

At nang marinig ko ang pangalan ko ay agad ko itong tinignan, suddenly my heart began pounding so fast.

A foreign man in black suit... pero nang tinignan kong maigi ay mas pormal ito at wala din itong simbolo ng Caspillan Mafia.

Ngunit... ano ang pakay nito sa akin?

"Jenna, you may excuse." Sambit ni Prof. Kaya inayos ko na ang gamit ko at lumabas sa classroom.

"Miss." Saad ng lalaki sabay giya nito ng daan na para bang ito ay well-postured and properly mannered. Ang nais niyang iparating ay maglalakad akong sundin ang daanan.

Naglakad na ako sabay nito ay siya ring kaniyang paglalakad. Hhmm... "Ano pong kailangan ninyo?"

"It wasn't me miss but the King wants to talk to you." Sambit niya.

Wait- king!?!?

The Missing Royals (Completed) ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora