Kabanata 14 : Feelings

586 43 3
                                    

Weeks have passed noong nalaman ko ang tungkol sa first love ni Jacob. Bawat araw na lumilipas alam ko sa sarili kung mas lumalalim ang nararamdaman ko. Minsan ni hindi ko na kayang makipagtitigan sa kaniya, aware naman akong may mahal siyang iba kaya, itong nararamdaman ko... mali ito.

Napakasweet ni Jacob, minsan nga lang sakit sa ulo. "Sabado ngayon, anong plano mo?" Tanong niya sa akin habang nagtitimpla ng kape.

"Kukunin ko sweldo ko, ikaw ba?" Balik kong tanong at ininom ang gatas na kakatapos niya lang tinimpla.

"Sweldo ko din eh, date tayo?" Nakangisi niyang sambit, agad kong nabuga ang iniinom kung gatas sa gulat.

Dali-dali siyang lumapit at hinimas ang likod ko "Ano ka ba naman Jenna, nagsasayang ka ba ng gatas? Hindi na lang sana ako nagtimpla."

Ininom ko ulit ang gatas at inubos ito ng pang-isang lagukan at ng matapos "Ikaw kasi eh, nakakagulat ka naman."

"Ano namang nakakagulat sa tanong ko?" Painosente niyang tanong. "Alam mo Jenna, date na din naman ang ginagawa natin araw-araw." Kwento niya habang inilalapit ang mukha sa akin, agad naman akong napaatras. "Kung titignan higit pa tayo sa mag-asawa." Humakbang siya papalapit at ako naman itong umaatras.

"W-wag ka ngang lapit nang lapit." Sambit ko na nauutal.

Ngumisi siya at patuloy sa paghakbang hanggang nakasandal na lamang ako sa pader, kinulong niya ako gamit ang mga braso niya kasabay ng nakaka-akit na pagkagat ng kaniyang labi, what the heck! "Kulang na nga lang..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, ramdam na ramdam ko ang puso kong mukhang sasabog na. Yumuko siya hanggang sa maramdaman ko na ang kaniyang hininga sa leeg ko "Ano, date tayo?" Ngumuso siya "Gusto kong mamasyal."

At tinignan niya ako nang nakakaloko "Date mo mukha mo!" Singhal ko at tinulak siya, agad akong tumakbo sa kwarto at isinara ang pinto.

Sumandal ako rito at agad hinawakan ang puso ko na para bang sasabog na sa pagkabog tapos... gusto niya lang pala mamasyal! Grr, nakakainis na talaga siya! Andami niya pang pang-aakit na ginawa tapos sasabihin niyang, gusto niya lang mamasyal!

Mamamatay akong maaga nito!

*****

"Jenna! Dalian mo na!" Sigaw ni Jacob mula sa sala.

"Oo na, sandali lang naman." Sabi ko at tumingin sa salamin. Hhmm... maganda na.

Nakasuot ako ng white doll shoes and simple white floral dress na hanggang tuhod, date raw eh pero pamamasyal lang naman habol nun. Tch.

Nang binuksan ko ang pinto "Ba't ba an-" natigil siya nang makita ako, tinitigan niya akong maigi mula ulo hanggang paa, biglang uminit ang mga pisngi ko. "Bunganga mo, pasukan 'yan mamaya ng langaw." Sambit ko at dinaanan siya, mauuna na akong lalabas.

"Teka, saan ka pupunta?" Hinawakan niya ang kamay ko at iniharap sa kaniya.

"Akala ko ba mamamasyal tayo?" Tanong ko na may pagtataka.

"Mamamasyal nga... ng ganyan suot mo?" Ngumunot ang nuo ko sa sinabi niya.

Tinignan ko naman ulit ang sarili ko "Ano namang problema sa suot ko?"

"Tch. Hindi party pupuntahan natin Jenna, magpalit ka ng pantalon doon." Sambit niya sabay turo sa pinto ng kwarto ko.

"Wala kang paki-alam sa kung ano man ang susuotin ko Jacob, kung naiinggit ka dahil nakapalda ako, may extra pa roon, gusto mo ba?" Biro ko.

Agad siyang pumikit at humugot ng hininga. "Tara na nga, bakamakapatayakonitoeh." He murmured the last sentence kaya hindi ko naintindihan sabay hinigit ang kamay ko papalabas.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Sabi ko, ang pangit ng suot mo 'di bagay." Sabi niya, mukhang hindi ganun 'yun eh.

"Tch, wala kang taste." Bulong ko at alam ko namang dinig na dinig niya.

"Sabihin mo 'yan dapat sa sarili mo." Pilosopo niya namang sambit.

"Saan ba tayo pupunta?" Baling ko ng tanong habang tinititigan ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Sa paradise nating dalawa." Malumanay niyang sabi na nagpabilis nang kabog ng puso ko, hindi ko alam kung namali lang ba ako ng narinig.

"Ano ulit?" Kunot-nuo kong tanong.

"Bingi mo Jenna, ang sabi ko sa parke, marami raw tao doon eh. Siguradong maraming chicks." Uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

Agad kong hinawi ang kamay niya kaya napabitaw siya sa hawak dito "Pamamasyal ba talaga habol mo o babae hah Jacob!?"

"Chellax, I was just kidding, ikaw lang din naman makikita ko doon." Sabi niya sabay ngisi at agad na pinulupot ang kaniyang braso sa balikat ko, natahimik na lamang akong kinaladkad niya patungong parke.

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now