Kabanata 29 : Her

513 38 2
                                    

Nang tumigil ang sasakyan sa harap ng apartment ay hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ni Mateo dahil agad ko na itong binuksan at patakbo kong sinugod ang apartment.

"Young lady!" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin, tanging nasa isip ko lang ay si Jacob.

Mabilis kong tinungo ang kwarto at hinanap ang libro na pinagtaguan ko ng larawan.

Agad ko itong nakita and the moment I saw the girl in it ay agad akong napaiyak hawak ang bibig kong pigil na gumawa ng ingay.

Kitang kita ko ang batang version ko na malapad ang ngiti, kahit luma na ay para parin itong bago dahil sa pag-iingat ng may hawak. Ngunit ang mas ikinaiyak ko ay ang nakasulat dito.

"The only girl I will forever love." Para bang binasag ang puso ko, sa mga katagang ito.

Ako ang rason kung bakit napadpad dito si Jacob, ako rin ba ang rason bakit ito naglayas?

'He's getting married.'

Ipapakasal siya sa iba... pero ako lang ang mahal niya. Mahal ko si Jacob pero...

'I need him back for the country's safety, we need him.'

Umaasa sa kaniya ang bansa niya at ayaw kong maging makasarili. Kahit ano pang gawin ko, may sariling mundo si Jacob... ngunit, alam ko sa puso kong siya lang ang taong mamahalin ko.

Humagulgol akong hawak-hawak ang litrato kong pinakaiingatan niya.

------ ------ -------

Jacob's POV

Pakiramdam ko'y manhid na ang puso ko, walang ibang laman kundi si Jenna, hindi ko makakalimutan ang masasayang araw namin noong mga bata pa lamang kami, noong mga panahong magkasama kami sa apartment.

Ang bawat halik... bawat lambing niya'y sariwa parin sa puso ko. Ang pagiging suplada at mainiting ulo ang tanging bumubuhay sa katawan ko, iniisip ko palang na kapag magtatamad ako dito sa palasyo ay makikita ko ang mga umuusok niyang ilong at maririnig ang pangbubulyaw niya.

Kaya naman bugbog ako sa trabaho dito sa opisina, marami akong naiwang mga papel na dapat gampanan bilang prinsipe dahil sa pagkawala ko.

Bumalik na ako sa kaharian at sinalubong naman ako ng mga tao, dahil bumalik na ang kanilang prinsipe pero pakiramdam ko'y naiwan ang puso ko sa Pilipinas kung saan naroroon ang pinakamamahal ko.

Nandito ako sa sarili kong opisina dito sa palasyo habang nagbabasa nang isang batas na nais ipatupad nang lehislatibo, ngunit biglang bumukas ang pinto.

"Your majesty." Yumuko si Adrian upang magbigay galang.

"What brings you here?" Walang emosyon kong tanong.

Lumapit siya at tumayo sa harapan ko wearing his white suit, simbolo na isa siya sa mga nasa mataas na position dito sa kaharian.

"I want to explain my side... Jake hindi ko sinabi sa mahal na Hari ang tungkol sa tinutuluyan mo or about kay Jenna. Hindi ko alam na pinapasundan niya pala ang bawat galaw ko." Hindi maikakaila ang galing nito sa pagsasalita ng Tagalog, Adrian is a Half Filipino,  Half Dragonian. Purong Pilipino ang kaniyang ina ganoon din ang ina ko kaya kaming dalawa ang lubos na magkalapit dito sa kaharian.

"You don't need to explain Adrian, mangyayari at mangyayari din ito kahit anong pigil ko. May kailangan ka pa ba?" Tanong ko rito.

"Itutuloy mo parin ba?" Alam kong ang kasal ang tinutukoy nito.

"Sinukuan na ako ng taong mahal ko kaya wala nang dahilan para lumaban. Ito ang itinadhana ko para sa kaharian... ang mapakasalan... ang Prinsesa ng Namibia." Madiin kong sambit.

Upang magkaroon pa nang kapangyarihan ang kaharian at mapagkasundo ang dalawang bansa ay nais ni Ama na maipakasal ako sa Prinsesa ng Namibia, iyon ay napagkasunduan matagal na panahon na.

Ang bansang Drago ay naghihirap sa larangan ng ekonomiya at kapag maipagkasundo ang bansang Namibia at Drago lalakas ang trading dahilan para umunlad ang aming bansa.

"Nakita mo na ba ang mahal na prinsesa?" Tanong ni Adrian.

"Hindi pa at hindi na mahalaga iyon Adrian. Kahit sino pa ang babaeng ipapakasal sa akin, sarado na ang puso ko... iisa lang ang babaeng mamahalin ko at 'yon ay si Jenna... siya lang." Seryoso kong saad.

"Ikaw lang ang mahihirapan Jake, kaya habang maaga, subukan mong makalimot. Kailangan ko ng umalis, mahal na prinsipe, maraming salamat sa iyong ibinigay na panahon." Saka siya yumuko at umalis.

Kalimutan? Bigla ko na lamang nakuyom ang aking mga palad, hindi maaari. Si Jenna ang first love ko, siya lang din ang huli kong mamahalin.

***** viona99 *******

Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories. Thank you!❤

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now