Kabanata 23 : Dark World

534 33 1
                                    

"My son Jake is already getting married to a Royal Princess and I need him back for the country's safety, we need him. So, money in exchanged for my son." Sambit niya habang ako ay tulalang hawak-hawak ang larawan ng lalaking pinakamamahal ko na akala ko ay isang pulubi. Para bang pinagsakluban ako ng langit at lupa, ni hindi ko alam kung humihinga pa ba ako, 'getting married' hindi pala siya sa akin... may ibang nagmamay-ari sa kaniya.

Sa loob ng sobre ay ang larawan ni Jacob kasama ang malaking pera.

Huminga ako ng malalim "You can have your son but I'm sorry I don't need your money." Walang emosyon kong saad sabay lapag ng sobre atsaka tumayo. Yumuko ako para magbigay galang "Your majesty, I don't think I am needed here, if you want your son you should talk to him, I have to go." Matapos kong sabihin ang mga ito ay umalis na ako without waiting for his response.

Ngayon lang ako nagmahal pero bakit sa maling tao pa? I can't be compare with Jake Westley II... a prince of Drago, even if I am Jenna Aliciah Caspillan, princess of Dark World, masyadong magkaiba ang mundo namin at hindi maaaring mapagsama.

And to think that I am just a normal girl, Jenna Madrigal. Para bang wala na ako sa katinuan, ni hindi ko alam kung saan ako papunta. Ang mga paa ko ay kusang humahakbang patungo sa kawalan.

Naaalala ko pa ang mga panahong... una kong nakita si Jacob, marumi ang mga damit niya na para bang ilang araw na itong walang ligo pero... bakit?

"Saan ka ba nakatira?"

"Wala akong bahay." Biglang sumimangot ang mukha niya na parang napaisip.

"Huwag mo sanang mamasamain pero may pamilya ka pa ba?" Biglang dumilim ang anyo niya. "Ayos lang kung a-"

"Ano nga palang pangalan mo?" Pagputol niya sa pagdedepensa ko.

Naalala ko pa noong tinanong ko siya, hindi ko alam kung nawawala ba talaga ang prinsipe o kusang umalis. Sa inaasta niya kasi para bang may tinatakasan ito... pero bakit siya nagsinungaling sa akin?

Bakit niya ako pinaniwala sa bagay na hindi makatotohanan? Pakiramdam ko'y mawawasak ang puso ko. Lalo na ngayong... may iba ng nakatadhana na sa kaniya... at hindi ako.

Natigil ako sa paghakbang nang maramdaman kong dumilim ang paligid pero dapat ay tanghali pa lang...

----- ----- -----

King’s POV

The moment she got out I immediately called him and after few more rings “Jonathan! Guess what.” I stated.

“What is it Tony?” he coldly stated, he really never change.

“I guess… I found what you’re looking for.” I said smirking.

“Fuck!” He cursed “Don’t you dare do something to her.”

“Oops, too late.” And I ended the call.

Not long after, my phone rings… a new incoming call, I think I know who it is and so I answer it.

“My son!” I cheered greeting my missing son.

I smirked, this will be fun.

----- ----- ------

Jenna’s POV

Pagtingin ko sa paligid “What the heck.” Bulong ko sa sarili nang marealize kong nasa isang masikip na eskinita ako at sa harapan ko ay pader kaya… dead end.

“What do we have here?” Agad akong tumalikod at nakita ko ang tatlong lalaki na pawang mga college student dahil sa suot nilang uniporme habang nakangiti nang nakakaloko.

“Move, wala ako sa mood.” May diin kong sambit, wala talaga ako sa mood at ayaw ko ng gulo.

“Aba! Gusto ko ‘yan, matapang!” Sambit ng isang lalaki na nasa kanan, kulay brown ang buhok nito.

“Interesting ito pare.” Sambit naman ng isa sa kaliwa, nakatayo naman ang buhok nito na para bang si San-Goku.

“Akin ‘to.” Saad ng nasa gitna sabay ngisi, ito nama’y nakasuot ng Varsity Jacket.

Umismid si San-Goku “Hati-hati tayo pare.”

“Oo nga naman.” Angal pa ni brown hair.

“Fine.” At sabay silang naglakad papunta sa akin.

Wala ako sa mood kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa kanila, kailangan ko silang malagpasan para makalabas sa eskinitang ito.

Nang makalapit sila ay agad akong hinawakan ng lalaking nasa gitna kaya bago pa dumapo ang kamay nito ay inunahan ko na at kinuyom ito nang mahigpit na para bang mababali na ito pabaligtad kaya napaluhod siya sabay hiyaw sa sakit. Sumugod naman si San-Goku na nagbigay nang isang suntok pero yumuko ako sabay sipa sa lugar where it hurts the worst kaya napahiga itong hawak-hawak ang pinakaiingatan nitong alaga, ngunit hindi ko parin binibitawan ang kamay nitong lalaking nakavarsity jacket samantalang si brown-hair ay nakatulala sa kinatatayuan.

“Susugod ka?” Walang emosyon kong tanong, kahit pa sa sigaw ng dalawa sa sakit alam kong rinig niya ako.

He shook his head frantically.

“Good. Now, move.” Utos ko habang nakatingin kay brown hair at gumilid naman ito sabay tapon ko sa kamay ng lalaki kaya’t napahiga ito dahil sa lakas nang pwersa na naibigay ko.

Nang makalabas ako sa eskinita biglang sumakit ang aking ulo.

“Layuan niyo siya!” sigaw ng isang batang babae sa mataba at malaking bata na hawak hawak ang kwelyo ng isang medyo may kaliitang batang lalaki, hindi ko mahalata ang mga mukha nila dahil blurr ito. Nakatayo sa gilid ng matabang bata ang dalawa pang malalaking batang lalaki.

“Aba! Antapang mo ring babae ka ah.” Sambit nito sabay tapon sa medyo may kaliitang batang lalaki.

Tumakbo naman ang batang babae para alalayan ang batang lalaki patayo.

“Thank you.” Sambit ng batang lalaki sa kaniya at napangiti naman ang batang babae.

“Ow, ang sweet naman. Gusto mo din atang sumali sa kasiyahan namin bata.” Sambit nang mataba sa kaniya sabay lapit nito.

Hahawakan niya nasana ang kwelyo ng batang babae pero mabilis itong yumuko sabay bwelo at sinuntok ang balls ng matabang bata, napaluhod naman ito sabay iyak.

“Ano, lalapit din kayo!?” Hamon ng batang babae sa ibang batang lalaki.
Nagdalawang isip ang mga ito pero sa tapang ng mukha na ibinigay ng batang babae ay tumakbo ang mga ito.

Maayos akong tumayo nang biglang mawala ang sakit ng ulo ko. Ano ang mga iyon? Ba’t ba palagi ko na lang nakikita ang batang babae at batang lalaki?

“Jenna!” Biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko ang boses ng taong hindi ko nais makita.

***** viona99 *****

Kung nagtataka kayo na pawang may nagbago from the previous chapters, this is already an edited version kaya para hindi kayo malito, you can start reading from the start. Thank you for understanding!

Please vote and comment lovelots!

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now