Kabanata 28 : Memory

517 35 1
                                    

"Anong pangalan mo?" Tanong ng batang lalaki.

Nag-isip pa ang batang babae na kung titignan ay 12 year old at ngumiti nang malapad "Jenna!" Maligayang sambit nito. Jenna...

"Ako naman si Jake." Nakangiting pagpapakilala niya. "Salamat hah."

"Sus! Walang anuman. Pasyal tayo? Hindi pa kasi ako sanay sa lugar na 'to eh may business meeting si papa malapit lang dito, boring naman doon." Pag-aaya ng batang babae.

"Gusto ko 'yan! Tamang-tama naghahanap din ako ng kasama." At nagsimula silang maglakad habang ang batang babae ay maligayang nagtatalon-talon pa.

"Nga pala, sino ba 'yong mga dambuhalang 'yon, bakit ka nila sinasaktan?" Tanong nito.

He shrugged "Hindi ko sila kilala, bago lang din kasi ako dito dahil may kinausap si ama."

"Ganun ba."

Masayang namasyal ang dalawa na para bang may sarili silang mundo, nakarating din sila sa isang magandang lawa.

"What are we doing here?" Tanong ng batang lalaki.

"Sabi nila kapag daw nakarating ka rito kasama ang taong mahal mo, may forever... kaya ito tinawag na forever lake." Nakangiting sambit ng batang babae.

"Ganun ba." Lumapit ang batang lalaki sa kaniya sabay hawak nang kaniyang kamay, ngumiti ito "May forever pala tayo."

"Mahal mo na ako!?" Gulat na tanong ng babae.

Tumango ang lalaki "Oo."

Ngumiti ang batang babae "Maligo ka muna!" Sabay takbo sa lawa at basya nito ng tubig sa batang lalaki.

Masaya silang nagbasyahan ng tubig sa lawa hanggang sa tuluyan na silang nabasa. Sumalampak sila sa damuhan at tumingin sa kulay asul na kalangitan.

"Hindi ko makakalimutan ang araw na ito Jenna, ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko." Sambit ng batang lalaki.

Humarap sa kaniya ang batang lalaki at nahuli niya itong nakatitig sa kaniya. "Salamat din sa masayang araw."

Tatlong araw, sa bawat araw na ito ay magkasama ang dalawa umuuwi sila tuwing dapit-hapon, hindi maiaalis sa mga labi nila ang lubos na kasiyahan tuwing magkasama ang mga ito.

Ngunit sa ika-apat na araw, ang araw na ikinalungkot ng dalawa, dahil ito na ang araw na aalis ang batang lalaki.

"I promise, sa susunod na magkita tayo, ako naman ang magpoprotekta sa'yo." Determinadong saad nito sa batang babaeng kaharap.

Ngumiti nang malapad ang batang babae "Promise?" She asked giving her pinky finger.

"I promise." At tinanggap naman ito ng batang lalaki.

"Dalhin mo ito oh, para hindi mo ako makakalimutan." She handed him a picture.

"Your majesty, we have to go." Sambit ng isang lalaking naka-itim at dinala ito papalayo, pasakay sa isang mahabang sasakyan.

"Jake!" Humagulgol ang babae nang makaalis nang tuluyan ang mahabang sasakyan.

"Jake!" I opened my eyes at naramdaman kong pumatak ang luha mula sa mga mata ko.

"Jenna... Jake... Your majesty. Oh no, could it be?" Ramdam na ramdam ko ang lakas nang tibok ng puso ko na para bang sasabog ano mang oras.

Alam ko sa sarili ko na ang panaginip na iyon ay isang memorya ng nakaraan. Jenna, ramdam kong ako iyon... Jake, your majesty... isa lang ang maaaring pwedeng tawaging 'Your majesty' 'yon ay kung isa siyang... hari o prinsipe. "Jacob!" Tawag ko nang tuluyang rumesponde sa isipan ko ang lahat lahat ng nangyayari.

"Sabi nila kapag daw nakarating ka rito kasama ang taong mahal mo, may forever... kaya ito tinawag na forever lake." Nakangiting sambit ng batang babae.

"Ganun ba." Lumapit ang batang lalaki sa kaniya sabay hawak nang kaniyang kamay, ngumiti ito "May forever pala tayo."

"Mahal mo na ako!?" Gulat na tanong ng batang babae.

"Oo."

Bigla ko namang naalala ang pag-uusap namin ni Jacob.

"Eh bakit ka napadpad sa lugar na 'to?" Tanong ko, siguradong may malalim na dahilan kung bakit ang gwapong nilalang na ito ay isang pulubi at nakarating sa lugar namin.

"I was looking for my first love." Malalim itong nakatingin sa TV.

Lumunok ako "May first love ka pala?"

"Oo, in fact napakaganda niya." Sagot nito sabay tingin sa akin.

"Nahanap mo na ba?" Tanong ko rito.

"Sa tingin ko." kibit balikat niyang sagot.

"Sino?"

Ngumisi siya "Secret, hindi mo nga sinabi sa akin kung sino crush mo eh. 'Kala mo ikaw lang."

Tinoon ko ang pansin sa TV at humugot ng hininga "Nakita mo na pala siya, bakit hindi ka pa bumalik sa pinanggalingan mo?"

"Ayaw mo na ba akong makasama?" Ramdam ko ang lungkot sa boses nito.

"Hindi naman sa ganun, ayaw mo bang umuwi?" Malumanay kung saad.

"Wala naman akong mauuwian. Siya nga pala," may hinugot siya sa bulsa ng pantalon niya. Agad siyang may ibinigay sa akin na mukhang matigas na papel, "Ayan ang larawan ng first love ko. Mas cute pa 'yan sa'yo kaya sa'yo na 'yan." Pagmamalaki niya.

"Bibigay mo saakin?" Tanong ko.

"Oo, nahanap ko naman siya kaya hindi ko na kailangan." Sambit niya sabay dapo ng tingin sa TV.

Ang larawan! Agad akong umalis sa kama at dali-daling nagbihis. Bakit antanga ko? Shit!

"Dalhin mo ito oh, para hindi mo ako makakalimutan."

Ni hindi ko man lang tinignan ang larawan na ibinigay niya, sino ba talaga ang first love ni Jacob? Siya ba talaga ang batang lalaki sa aking ala-ala?

Talaga bang hinanap niya ako? Maraming tanong sa isip ko na tanging ang larawan lang na iyon ang makakasagot.

Paglabas ko sa bahay ay agad kong hinanap si Mateo at hindi naman ako nahirapan "Mateo!" Sigaw ko sa kaniya na nagbabantay malapit sa gate.

Tumakbo siya at tarantang nagtanong nang mapansin ang pagkabalisa ko "Bakit Young Lady? Anong problema?"

"Ihatid mo ako sa dati kong tinutuluyang apartment. May importante lang akong naiwan doon. Dalian mo." Utos ko at mabilis na pumanhik sa sasakyan kahit hindi pa man siya nakasagot, wala na siyang magagawa kundi sundin ako.

***** viona99 *******

Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories.

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now