Kabanata 32 : Drago

531 37 2
                                    

Hindi ko alam na may bahay pala si daddy dito sa bansang Drago at may mga kasambahay namang nagpapanatili nang ganda nito. Ang bahay ay magara, masasabi talagang mansion.

Inayusan naman ako ng mga kasambahay at pinasuot ng isang princess gown na kulay asul na gatas. Nandito na pala kami sa bansang Drago, kararating ko lang kahapon at Jet lag kaya wala akong ibang ginawa kundi matulog.

Hindi ko pa nakita si Jake at kahit na gustong gusto ko na siyang makita ay pinigilan ko, since magkikita na din naman kami ngayon. Mayroong dinner date ang dalawang pamilya nang itinakdang magpapakasal.

Family ni Jake at family ko but since si Dad na lang ang natitira kong pamilya kaya dalawa lamang kami ang dadalo.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin and I gasped "Ako ba talaga 'to?" Bulong ko sa sarili.

"Yes sweetie. Napakaganda ng anak ko, kasing ganda ng mommy mo." Sambit ni daddy mula sa likod.

Hinarap ko siya "Dad, wala nang mas gaganda pa kay mommy, she's the only most beautiful woman on earth." Sambit ko na agad niyang ikinatawa.

"Naman!" Sambit ni dad "Tara na, naghihintay na ang sasakyan sa labas."

He offered his hand at agad ko naman itong tinanggap, hinatid niya ako hanggang sa labas at nakita ko ang naghihintay na limousine.

Binuksan ni Mateo ang pinto at agad kaming pumasok. We're on our way to the Drago palace ngunit may biglang sumagi sa isip ko, naalala ko kasi 'yong gabing natamaan ng bala si Jake, sabi niya may sumusunod raw sa akin. Kaya binalingan ko nang tingin si daddy.

"Dad, may itatanong sana ako." Agad namang napatingin sa akin si dad.

"What is it?" Tanong nito.

"Have you ever know someone who dared following me?" I asked.

Kumunot ang nuo niya "Why?"

"Noon po kasing nasa apartment pa lang ako ay may sumusunod sa akin at sinubukan niya akong patayin, pero hindi niya nagawa. I was just confused kung sino siya." Saad ko at tumingin mula sa windshield.

"Ah 'yon ba, siguradong si Macky 'yon, hired killer siya ni Matilda, pero balita ko namatay na raw, pinatay doon sa San Jose." Sambit ni dad at agad akong nagtaka.

Iyon bang balita na may namatay sa lugar namin ay ang nagngangalang Macky? Pero... "Sino daw po ang pumatay?"

He shrugged "I don't know. Whoever did it, I should thank that person for saving my daughter." Sambit nito.

Kung hindi si dad... sino?

"Ano 'yon?" Tanong ko kay Jacob na parang walang paki-alam. Kailangang makialam kami noh, mamaya baka ano ng nangyayari sa labas tapos bigla na lang kaming susugorin dito.

"Ewan, baka may namatay." Sambit niya habang prenteng umiinom ng kape.

Naalala ko ang mga panahon na iyon, nakakapagtaka na alam niyang may namatay, sa dinami-dami ng pwede niyang sabihin, 'yon pa. Hindi kaya... s-si Jake? Siya ba ang pumatay?

Noong mga panahong antok na antok ako, naiwan siya sa labas para hanapin ang nawawala niyang bonus raw. Hinanap niya kaya? O iba ang nahanap niya?

"I promise, sa susunod na magkita tayo, ako naman ang magpoprotekta sa'yo."

Sa tingin ko tinupad niya na nga ang pangako niya.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Jake. Paano ko kaya ipapaliwanag sa kaniya ang lahat?

Suddenly, a brilliant idea popped on my head and I smirked. Sana hindi siya magalit sa gagawin ko😏.

----- ------ ------

Jacob's POV

"Jake! Move faster!" Father yelled through the door.

Tch. Makapagmadali 'to kala mo may bagyong paparating, family dinner lang naman kasama ang babaeng pakakasalan ko raw at pamilya nito. Pake ko sa kanila! Edi maghintay sila.

Kung si Jenna 'yan baka kahapon pa ako naghihintay sa labas. I sighed, kumusta na kaya si Jenna?

"I'm coming!" Sigaw ko, pero heto ako naglalaro pa sa cellphone. Bawal ako sa social media, wala rin akong simpack. Bilang isang Royal maraming bawal. Tch.

"Jake! I'll destroy your door after 2 minutes if you won't come out from there!" Sigaw ni ama.

"Can't they wait? Tell them to wait!" Sigaw ko, tatapusin ko muna 'tong laro.

"What the heck, Jake you are the guy. You should be waiting out there, don't let the girl wait for you!" My father is too noisy.

Kaya labag man sa loob ko ay tumayo na ako atsaka tinignan ang sarili sa salamin, okay na siguro to. Kanina pa kasi ako pinagbihis ni ama, mga ilang oras na din, masyado kasing excited. Kung siya na lang kaya ang magpakasal sa babaeng 'yon?

Padabog akong tumungo sa pinto at binuksan ito. "See? Told you I'm coming." Sarkastiko kong sambit.

"Be formal Jake, for goodness sake you're going to be a King!" Singhal nito.

Binalewala ko na lamang ang mga pangaral niya at dumiretso patungong dining room kung saan ginaganap ang Family dinner.

Binalewala nila ang mga hinaing ko tungkol sa kasal na ito ganoon din ang nararamdaman ko kaya pakiramdam ko ay, bato na ang puso ko.

----- ------ ------

Jenna's POV

"I'm sorry for the waiting, my son Jake is sometimes stubborn." Paghingi nang paumanhin ng reyna.

"It's okay, my queen." Saad ni dad na masyadong pormal, kaya nga nakikipagsabayan din ako sa formality.

Sinabi niya pa, sobrang tigas kaya ng ulo nun sarap iuntog sa pader eh, kanina pa ako pinaghihintay hah. Humanda ka talaga sa'kin.

"It's fine your majesty, may I excuse myself?" Malumanay kong saad na hindi makabasag pinggan ang boses.

"Yes, of course." Sabay ngiti nito.

Tumayo ako at nagbigay galang sabay alis patungong banyo, retouch nga muna ako. Pero nang tignan ko ang paligid ay napakalaki ng kastilyong ito. Pagkaraan pa'y nakakita ako ng isang Royal butler.

"Excuse me." Tawag ko at agad naman itong yumuko bilang pagbibigay galang.

"How can I help you, your majesty?" Saad nito.

"Where can I see the bathroom?" Malumanay kong tanong.

"Let me guide you." atsaka hinatid niya ako patungong banyo, matapos ang gawain ko sa CR ay tinignan ko ang sarili ko, magaling talaga mga make-up artists dito, simple lang pero magarang tignan matagal pang mawala.

Umalis na ako sa banyo at nagsimulang maglakad patungong dining room kasabay ko parin sa likod ko ang isang royal butler.

Tamang tama din at naaninag ko ang kaytagal nang hinahanap ng puso ko, kahit nakaupo ito ng pormal at nakatalikod, kilalang-kilala ko parin ito.

Pero sorry ka, pinaghintay mo ako dito, kala mo hah. I smirked and walked closer towards the Royals where waits the King, Queen and Crowned Prince of Drago.

***** viona99 *******

Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories. Thank you!❤

The Missing Royals (Completed) ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora