Kabanata 24 : Jake

516 31 2
                                    

Jenna's POV

"Jenna!" Nang marinig ko ito ay agad akong naglakad nang mabilis patungo sa opposite na direction ng boses na iyon.

"Jenna please, stop!" He plead at ramdam ko na malapit na ito pero mabilis parin akong naglakad na para bang walang naririnig ngunit ilang sandali pa'y naramdaman ko ang mga kamay nito sa braso ko at sapilitan akong iniharap sa kaniya.

"Ano ba!" Singhal ko "Bitiwan mo ako, Jacob or should I say... Jake." Matigas kong tuon.

"I'm sorry." He apologetically stated.

"Sorry? Jacob-" I shook my head "Jake... you lied to me, you know how much I hate lies." Sabay kong hinawi ang kamay niya at nagsimula na akong maglakad ulit.

"Jenna, hindi ko nais na magtago nang totoo kong identity, I just want to be with you." Paliwanag nito.

Hinarap ko ito "You just want to be with me? Para ano, para saktan ako? Jake-"

"Jacob." Pagtatama nito.

"Jake or Jacob whatever it is, you're getting married pero sa ginagawa mo sinasaktan mo lang ako lalo." Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko sa labis na nararamdaman. "Please, just go away."

----- ----- -----

Jacob's POV

"Please, just go away." Mga salitang bumabasag sa puso ko.

I shook my head "Ayaw ko... ayaw kong umalis Jenna, gusto ko sa'yo lang, ayaw ko sa iba... please."

I saw a tear falls from her eyes "Jacob... hindi tayo pwede kahit ano pang gawin mo, magkaiba ang mundo natin, may sarili kang mundo... may responsibilidad ka at alam mo 'yan."

Naninikip ang dibdib ko sa nangyayari pero kahit katiting na lamang ang natitirang pag-asa ay gusto ko pang lumaban. "Jen... mahal kita, ikaw lang at wala ng iba. Please... give me a chance. Lalayo tayo, pupunta tayo sa lugar kung saan hindi tayo mahahanap, sa lugar na tayo lang."

She shook her head "Darating din ang araw na mahahanap ako ni daddy, hindi mo siya kilala Jacob... hindi mo alam ang kaya niyang gawin."

"Don't you love me Jen? Bakit parang pilit mo akong pinagtutulakan?" I felt my cheek getting wet, hindi ko namalayang naluha na rin ako.

"M-maybe... maybe my love is not enough to fight for you. Pagod na ako Jacob, pagod na ako sa kasinungalingan, pagod na akong magtago... alam mo bang nangarap din akong maging malaya? Malaya sa lahat but it seems... I-I stopped chasing that dream." Nakita ko ang mga luhang patuloy na umaagos sa kaniyang mga mata at nang matapos niya itong sabihin ay tumalikod siya at naglakad papalayo sa akin.

Gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang lumaban para sa pagmamahalan namin... pero tama siya, kapag mananatili siya sa akin, mahihirapan lamang siya lalo. Lalo na't ako lang si Jacob na walang kahit na anong pag-aari, wala akong maibigay sa kaniya kundi ang tanging pagmamahal ko... ayaw ko rin mabuhay ang babaeng pinakamamahal ko sa paraang nagtatago... nais niyang maging malaya, then I should give it to her kung 'yon ang ikakasaya niya... but it takes killing my heart.

Labag man sa loob ko pero bumalik ako kung saan naroroon ang aking ama. Nang makarating ako malapit sa restaurant ay agad ko siyang nakita na naghihintay sa kalsada kasama ang mga alalay niya habang nakangiti na para bang alam niya na kung ano'ng nangyari.

My father is a clever man... kaya hindi maikakaila na siya ang Hari ng Drago, I didn't realized I was clenching my hands.

---- ---- ----

Jenna's POV

Hindi ko na kilala ang sarili ko. Mahal ko si Jacob at 'yon ang totoo pero kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi kami pwede, masyadong magkaiba ang mundo naming dalawa, isa siyang prinsipe for goodness sake! Isang Royal Princess and nararapat sa kaniya at hindi Dark Princess o simpleng babae.
Nang makakita ako ng Taxi ay agad ko itong pinara, tumigil ito kaya sumakay na ako.

"Ma'am! Nagkita ulit tayo! Uuwi na po ba kayo?" Saad ni manong driver at nang titigan ko ito, agad ko siyang nakilala.

"Manong, kayo po pala, opo uuwi na." Sambit ko sa kaniya at agad namang tumakbo ang sasakyan.

Tinitigan ko ang loob ng sasakyan, unang sakay ko rito ay katabi ko pa si Jacob.

"Kumusta naman po 'yong lalaking kasama mo noong nakaraan? Kayo na po ba?" Tanong niya na may nakakalokong ngiti.

"Pagtuonan niyo na lang po ng pansin ang pagmamaneho." Sambit ko at saka sumandal sa headdress ng sasakyan.

"hays, love nga naman." Bulong ni manong driver.

Nang pagkababa ko nang sasakyan ay agad na akong tumungo sa bahay at agad kumunot ang nuo ko nang mapansing nakaawang ang pinto ng apartment. Nakalimutan bang isara ito ni Jacob? Pero hindi makakalimutin ang taong 'yon lalo na sa security ng apartment, siya pa nga ang laging nangangaral sa akin pagdating dito.

Nang tuluyan kong buksan ang pintuan ay agad akong naestatwa sa kinatatayuan nang aking masilayan ang babaeng nakaupo sa harap ko na para bang hinihintay ang pagdating ko. Sa likod nito ay ang Apat na lalaking nakasuot ng Caspillan Mafia Uniforms. Agad ko silang namukhaan, sila 'yong sumusunod sa amin ni Jacob noon sa Parke.

"Aliciah! Atlast, kanina pa kita hinihintay." She said and her lips quirk into a smirk.

"M-mommy Matilda." Bulong ko at agad kong naramdaman ang matigas na bagay na dumapo sa aking ulo kasabay nito ang pagbagsak ko, just then darkness consumed me.

**** viona99 ****

Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories.

Btw, before you go to sleep don't forget to read the Bible and pray❤.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon