Kabanata 15 : Ice-cream

542 40 4
                                    

We went to the park and I was surprised from the number of people, parang fiesta, may mga stall ng bilihin, mga iba't-ibang rides at booths.

"Paradise." I heard Jacob murmured.

Tumingin ako sa paligid at agad yumuko nang makita ang ilang kalalakihan na nakatingin sa akin. Ilang saglit lang ay naramdaman kong hinawakan ni Jacob ang beywang ko, namutla naman ako sa ginawa niya at agad napatingin sa kaniya, I was surprised because he was glaring at them na dahilan nang pagbago nila ng tingin at nagfocus na lamang sa kanilang ginagawa.

Napangiti ako, "Kain tayo ng ice cream?" Tanong ko sa kaniya sabay turo ng maliit na stall hindi kalayuan.

"Sige." Simpleng sambit niya... biglang nawala ang masayahing Jacob na kilala ko.

"Jacob!" Nabaling ang aming atensyon ng may tumawag sa pangalan ni Jacob at nang tingnan namin kung sino ito, biglang kumulo ang dugo ko... Veronica.

"Hindi ko alam may ininvite ka din pala." Matigas kong tuon.

"H-hindi ko alam na nandito rin pala siya." Depensa ni Jacob habang papalapit si Veronica.

"Andito ka rin pala Jacob." Matamis na ngiti ang ipinukol ni Veronica sa kaniya na para bang wala ako rito.

"Ah, eh... oo." Sagot ni Jacob na may hindi maintindihang ngiti sa labi, ayaw kong makinig sa harutan nila kaya hinawi ko ang kamay ni Jacob at mag-isang naglakad patungong Ice-cream stall. Magsama kayo.

"Jen!" Tawag ni Jacob pero hindi ko ito pinansin.

Biglang sumigla ang mga mata ko nang makita ang familiar na lalaking nakatayo malapit sa ice-cream stall, para bang naghihintay ito ng inorder.

Lumapit ako dito "Ahem." Agaw pansin ko at agad naman itong tumingin sa akin.

Nakangiti ko itong tinitigan "Hi!"

Ngumunot ang nuo nito ngunit ilang sandali pa'y "Miss! It's you!" Sambit niya nang marecognize ang mukha ko.

"Nakakatuwa naman at nakita kita rito, hindi ko natanong 'yong pangalan mo noong nakaraan eh." Sambit ko.

He chuckles and extended his hand "Adrian."

"Oh I see, Jenna, sa wakas nakilala na din kita." Sambit ko naman at agad tinanggap ang kamay niya.

"Jenna!" Narinig kong tumawag sa akin kaya mabilis kong itinanggal ang kamay ko, ilang sandali pa'y naramdaman ko ang braso niyang inilagay sa aking balikat.

----- ----- -----

Jacob's POV

"I have to go Veronica, naghihintay ang babaeng mahal ko." I emphasive the word 'mahal' to her at agad na umalis, hindi ko na hinintay ang response niya.

Ngunit, nang matanaw ko si Jenna ay agad kong ikinuyom ang mga kamao ko, hawak-hawak ng isang lalaki ang kaniyang kamay. Ako lang ang pwedeng makahawak sa kaniya, akin lang ang mahal ko.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko then I called her "Jenna!" Agad-agad akong lumapit at inakbayan siya, claiming that she's mine. Pero nang makita ko ang mukha ng lalaking kaharap ni Jenna, nanigas ang buong katawan ko.

"Siya nga pala Adrian, si Jacob kaibigan ko." Pagpapakilala ni Jenna.

At nang tumingin sa akin ang lalaki nanlaki ang mga mata niya "Ja-"

"Jacob, nice meeting you dude." Gulat niyang pagbanggit sana ng tunay kong pangalan pero pinutol ko siya at inunahan habang pukol kong tingin sa kaniyang mga mata na huwag niyang sasabihin.

Agad siyang tumingin sa braso kong nakalagay sa balikat ni Jenna at tumango siya na para bang naiintindihan niya ang nais kong ipaabot. "Nice meeting you, Jacob." Sambit niya na seryoso parin ang mukha.

"Bakit ka nga pala nandito Adrian?" Tanong ni Jenna, magkakilala ba ang dalawang ito? Paano? Kailan lang?

"Ah, may meeting ako with a client, gusto niya kasi public place kaya dito kami pumunta, since tapos na eh gusto ko sanang bumili ng ice-ream pero nahihirapan akong pumili ng flavor." Nahihiyang paliwanag niya.

"Ganoon ba, masarap ang rocky road. Bibili nga din kami eh, sabay na lang tayo." Nakangiting sambit ni Jenna, ba't ang sweet niya sa mokong na'to? Eh kung saakin kulang na lang batuhin ako ng pwede niyang mahawakan. Tch. Natigil ako sa pag-iisip nang humarap ito sa akin "Tapos ka na palang makipaglandian doon?" Tanong niya.

Napangiti naman ako "Nagseselos ka ba?"

"Hindi noh! Feeler, oorder na nga lang ako ng ice-cream." Sabi niya at inis na pumunta sa staff na nagbebenta sa stall.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon