Kabanata 20 : Takbo

500 37 1
                                    

Nang makaalis na kami sa ferris wheel ay agad kong tinantya ang distansya kung saan malayo kami sa kanila "Jacob, uwi na tayo pagod na ako." Sambit ko dito, nais ko nang makaalis sa lugar na 'to malayo sa mga tauhan ni daddy.

"Hindi pa tayo nagtagal ah, teka sandali bibilhin ko muna 'yong Hello Kitty." Pipigilan ko na sana siya ngunit nagsimula na siyang maglakad papunta sa isang stall na puno ng stuff toys, shit! Malapit lang doon ang mga tauhan ni daddy!

Habang naglalakad si Jacob ay nakasunod naman ako sa kaniya habang balisa na tinitingnan ang paligid. Tumigil si Jacob nang marating ang stall at agad na bumili pagkaraa'y bumalik siya sa tabi ko dala-dala ang Hello Kitty na stuff toy at kunot nuong nagtanong "Tapatin mo nga ako Jenna, ano ba talagang problema? Kanina kapa balisa ah?"

Nakita ko ang mga tauhan ni daddy kaya agad akong tumalikod "Hindi ako sigurado Jacob... pero tingin ko nasundan na ako dito ni daddy." Saad ko.

Tumingin siya sa palagid at natanaw niya ang ilang mga kalalakihang nakasuot ng itim na suit "Sila ba?"

Tumango ako.

"Shit!" Tumingin siya sa kabilang dako "Tumingin dito Jenna." Bulong niya atsaka ako inakbayan. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya at nagsimula na kaming maglakad na para bang walang tinataguan.

"Ayaw ko namang mamroblema ka pa dahil lang sa akin." Malungkot kong sambit.

"Jenna, ang problema mo, problema ko na din partners tayo diba?" Tila naantig ang puso ko sa sinabi niya.

"Miss! Teka, tigil!" Tawag ng isang lalaki mula sa likuran.

At nang tinignan ito ni Jacob "Fuck! Nakilala ka Jen."

"Isa lang ang pwedeng gawin diyan Jacob, run!" Sigaw ko at tumakbo sabay hinatak siya, nang makatakbo ay wala na siyang magawa kundi ang sabayan ako.

"Tigil!" Sigaw nila at hinabol kami.

"This is crazy." Sambit ni Jacob na hawak-hawak parin ang kamay ko.

"This is hella fun!" At tumawa ako habang mabilis na tumatakbo patungo sa kung saan kami ihahatid ng mga paa namin. "Let's lure them!"

Dahil maraming tao, dumaan kami doon mismo at nang makalayo ay pumunta kami sa isang divisoria.

"Ba't tayo nandito?" Takang tanong ni Jacob.

"Nakilala tayo kaya, magbabagong anyo tayo." Sambit ko na nakangisi. "Magkasama tayo kaya pati ikaw hahanapin narin nila, siya nga pala akin na toh." Sabay agaw ko ng Hello Kitty ko, waah! Sarap yakapin! Napansin ko na lamang na napangiti si Jacob.

Nag-ikot-ikot kami para maghanap ng damit, ilang sandali pa'y nagtanong si Jacob "Anong susuotin ko?"

"Magbestida ka kaya?" Suhestyon ko.

"Fuck. No way." Matigas niyang usal.

Hhmm... maganda nga kapag nagbestida siya at ako naman damit panlalaki, siguradong hindi kami mahahalata nun! Right?

"Uwi na lang tayo." Sambit ni Jacob.

"Eh paano kung nandiyan lang sila naghahanap sa labas at pagkatapos na sundan nila tayo kung saan tayo nakatira." Isa lamang ito sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.

"Aish. Ito na, bibilhin ko na lang 'tong jaket, magpalit ka ng shirt at mag wig ka na lang din, may binebenta naman diyan oh." Sabi niya sabay turo sa taas at nakita ko ang ilang ulo ng estatwa na may buhok na suot... wig.

I smirked "Jacob, you're genius!" Sabay akbay sa kaniya kahit matangkad siya ay nagtip-toe na lamang ako saka sinira ang ayos ng kaniyang buhok.

"Ano ba Jenna, ginulo mo ang ayos ng buhok ko eh." Sabi niya sabay balik sa magandang ayos nito.

"Tch. Kahit messy ang buhok mo, hot mo parin naman." Sambit ko at napansin ang pagpula niya. "Hey! You're blushing!" Suron ko na para bang nanalo ako sa lotto.

"Tch. Manahimik ka mamaya makita ka pa ng mga tauhan ng daddy mo eh." Inis niyang sambit pero pansin ko ang hiya nito.

Napangiti na lamang ako.

Agad kaming nagbihis, ay ako lang pala, sinuot niya lang 'yong jacket eh.

"Oh bagay naman pala sa'yo 'yong buhok." Sambit niya na nakangiti.

"Ang pangit nga eh." Black straight kasi 'yong buhok ko pero pinili ni Jacob itong wavy brown hair. Na tingin ko parang ewan sa akin.

"Bagay, tara na." Inakbayan niya ako at iginiya palabas.

"Hindi pa ako nakapagbayad!" Agad kong sambit nang maalala na hindi pa pala ako nakabayad.

"Bayad ko na." Usal naman niya.

"Mukhang mas malaki sweldo mo kesa sa akin ah, pwede bang magtrabaho din ako diyan kay Aling Martha?" Tanong ko.

Natawa naman siya "Pag-igihan mo lang ang pag-aaral mo Jenna."

"Naman, gagraduate na din naman ako." At malaya kaming naglakad papauwi.

Kung nalaman ni daddy na nandirito ako sa San Jose, maaaring andito rin siya.

Nagkaroon ng balita tungkol sa isang bangkay na pinatay nitong nakaraan lang at nakakapagtaka ang pagdating ng mga tao dito ni daddy.

Noong doon pa ako nakatira sa Mansyon ng Caspillan ay hindi maiiwasan ang balita na may pinatay, iyon ay dahil nandoon si daddy at ang mga tao nito... hindi kaya'y may kinalaman din si daddy sa nangyari nitong nakaraan? Paano?

The Missing Royals (Completed) ✔Where stories live. Discover now