Kabanata 2 : Emergency Room

1.3K 68 9
                                    

"Oh my gosh! Anong nangyari sa'yo!?" Bumulagta sa harapan ko ang lalaking pulubi na nadaanan ko kanina, pero ang nakakagulat, duguan siya! Para bang tumigil ang mundo ko hindi ko alam ang gagawin.

"Ma-" Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang natumba.

"Oh shi*! Ang bigat mo hah!" Natumba lang naman po siya sa akin! Dahan-dahan kong inilagay ang mga kamay niya sa balikat ko at inihiga sa sofa.

"Nakahanap ka ba ng kaaway doon sa labas? Omg. Ano bang gagawin ko, ay teka ang cellphone! Hintay ka lang hah. Dadalhin kita sa hospital." Taranta kong sabi.

"Huwag. P-please. Huwag sa hospital..." Pagmamakaawa niya halata ang kaniyang panghihina.

"Ano ba yang pinagsasabi mo!? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Duguan ka oh." Angal ko habang tinatawagan ang emergency hotline.

"N-no please..." Wow english hah!

"Huwag mo nga munang problemahin ang pera saka na 'yan kapag nabuhay ka." Alam kong walang pera, pero saka na'yan, buhay muna.

"Hello! Emergency po! Nag-aagaw buhay po ang-," naputol ako, hindi ko pa naman siya kaibigan, aish! "Dalian niyo po. Dito sa San Jose... opo..."  Nang sabihin nilang paparating na sila ay pinatay ko na ang tawag.

Halos hindi ako makahinga nang maayos sa bawat minutong lumilipas, sa kakabalik balik ko ng pwesto. Baka mamatay ang taong ito dito tapos magmumulto huhu, huwag naman sana... kahit gwapo 'to wala akong pakialam, takot ako sa multo... "Uy, kumapit ka hah, huwag ka munang bumitaw, okay lang pag doon ka na sa hospital. Huwag lang dito please..." Aish ano ka ba naman Jenna!

"Hmm..." Oh my! Gising pa pala ito, "Biro lang ito naman... hehe" at nakuha mo pang magbiro Jenna!?

Nang marinig ko ang ingay ng ambulansya, biglang nabuhayan ang loob ko. Tumakbo ako sa pintuan at... "Dito po!"

Mabilis silang tumakbo sa loob at isinakay ang lalaking pulubi sa stretcher, kaya sinundan ko na din sila sa loob ng ambulansya. Responsibilidad ko 'to kahit papano, galing sa bahay eh. Baka multuhin ako kapag pinabayaan ko. Hay naku naman!

Ilang oras na akong naghihintay nang resulta dito sa labas ng emergency room habang ginagamot siya doon sa loob. Sobrang kaba ang aking nadarama, ito pala ang pakiramdam kapag may pasyente, huhu.

*grrrr* "Agh! Gutom na gutom na ako huhu paano ba naman kasi sagabal iyong lalaking 'yon sa pagkain ko eh." Pagmumukmok ko.

"Hi miss." Napatingin ako sa pinagmulan ng boses...

Oh my gosh! "Namatay na ba ako sa gutom? Bakit nakakakita ako ng gwapong anghel?"

Napatawa ang lalaki "Miss, buhay ka pa. Haha!" Sabi niya habang tumatawa.

"Sabi ko na nga ba patay na ako eh!" Sabay tadyak ko naman.

"Miss, hindi ka pa nga patay, ito naman, patawa ka eh." Sabi ng anghel habang nakangiti.

Weeh? Sinampal ko ang sarili ko "Oh shit!" Bigla kong inilagay ang mga kamay ko sa aking mukha. Nakakahiya, totoo nga!

Tumawa siya ulit at nagtaka naman ako sabay alis ng kamay ko sa aking mukha "Teka, bakit mo nga pala ako kinakausap?"

"Ah, narinig kasi kita habang kinakausap mo ang sarili mo. Ito oh, pagkain. Para sana ito sa pasyente ko, hindi ko alam nakauwi na pala siya. Kaya sa iyo na lang." Inabot niya sa akin ang isang supot ng pagkain.

Kinuha ko naman ito, gutom na ako eh. "Salamat hah." Nakangiti kong sambit.

"You're welcome. Hindi ka pa ba uuwi? Madaling araw na ah." Saad niya.

"Hindi pa, hinihintay ko pa ang balita mula sa doctor. Mamaya uuwi din ako. Salamat ulit sa pagkain hah." Malungkot kong sabi.

"Ahh, walang anuman. Uuwi na ako. See you next time!" Paalam niya sa akin atsaka tumalikod na papalayo.

"See you!" Pahabol kong sigaw.

Tamang-tama at biglang lumabas ang doctor mula sa emergency room. "Ma'am kamusta na po siya?" Tanong kong may halong kaba.

Ngumiti ang doctor "Huwag kang mag-alala nasa mabuting kalagayan na ang kasintahan mo. Ngayon pwede ka nang magpahinga, balikan mo na lang siya bukas." Kasintahan... binura ko na lang sa aking isipan.

"Yes Doc. Maraming salamat po!" Masigla kong pasasalamat.

Umalis na ako at bumalik sa bahay, nang makabalik ako, pinapak ko na kaagad ang pagkain na binigay ni... oh shit! Hindi ko naitanong ang pangalan. Antanga mo naman Jenna!

Kung magkikita man kami sa susunod, sisiguraduhin kong alam ko na ang pangalan...

Hayss... Isa na lang ang problema ko. Ang maitakas ang lalaking pulubi sa hospital.

***** viona99 *****

Hope you like it, please vote and comment, thank you!

Follow me for more stories.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon