Kabanata 31 : Kaharian

528 37 2
                                    

Kumalas ako sa yakap kay daddy nang gumaan ang aking pakiramdam.

"Dad... I wanted to know... is he really my fiancee?" Tanong ko na may halong kaba at pangamba.

"Yes sweetie. He's Jake Westley II, prince of Drago. Mabait ang batang 'yan kaya alam kong kaya ka niyang pangalagaan." Sambit ni daddy.

"But, dad he's a royal prince and I am not a royal princess." Naguguluhan na talaga ako at gustong-gusto kong malaman ang totoong dahilan behind it, royal princess and sabi nang hari and I am not.

"You are, sweetie." Kumunot ang nuo ko kasabay ng kabang nararamdaman ko.

"Me!? A royal princess?" Paninigurado ko.

Tumango si daddy.

"But how?" Nais kong malaman.

Ngaumiti si dad sabay tingin kay mommy na nasa larawan, napatingin na din lamang ako rito. "Your mom is a very beautiful second princess of Namibia.... and I am just a General of the Drago Palace."

Parang nagslow mo ang isipan ko "Wait... are you telling me that, mom is a royal princess!? And you're working for the Drago!?" Napanganga ako sa bawat rebelasyon ni daddy.

Ngumiti itong nakatango sabay hagod ng buhok ko. "Your mom and I fall inlove for the first time, it was love at first sight. Pero hindi kami pwede kaya itinakas ko na lamang siya sa kaharian ng Namibia, sumang-ayon naman sa akin ang Hari ng Drago dahil malapit kaming magkaibigan. Siya rin ang tumulong sa akin makalayo at... ito nakarating kami ng mommy mo dito sa Pilipinas with the King's help. Malaking utang na loob namin sa kaniya anak." Paliwanag ni daddy.

"Dahil po ba sa utang na loob kaya ako ipapakasal sa kaniya?" Tanong ko.

He shook his head "Hindi sa ganun. Your Aunt Athena, the first princess was crowned as the Queen. Oliviah and Athena were the only children of the former King and Queen of Namibia."

"And?" Tanong ko na hindi na makapaghintay.

"Unfortunately, Athena can't conceive a child, baog ito kaya walang royal blood ang natitira sa Namibia maliban sa anak ni Oliviah... and it was you. You're the only Namibian Royal blood na magtutuloy ng lahi para sa kaharian ng Namibia." Sambit niya dahilan para mapanganga ako.

"I... I am a Royal Princess." Sambit ko sa sarili.

Tumango si daddy "Matagal ka nang pinapahanap ng reyna anak pero hindi pa kami handa ng mommy mo para ibigay ka sa kaharian. Kaya kahit dito na lamang sa bahay, we need to train you as a princess, ipinangako na lamang namin kay Athena na papakasalan mo ang nakatakdang hari ng Drago."

"Jake..." usal ko.

"Yes, Jake Westley II. Siya ang nakatakdang mapapangasawa mo anak. Kailangang mapagsama ang kaharian ng Namibia at Drago upang mapaunlad ang dalawang bansa, kailangan nito ang isa't-isa dahil mas lumalakas ang ibang bansa, hindi maaaring mahuli rito ang dalawang kaharian." Seryosong paliwanag ni daddy at tumango na lamang ako.

Hindi ko alam na mayroon din pala akong responsibilidad. Isa akong prinsesa hindi lamang ng mga mafia kundi ng isang bansa. Napakagulo nga ng buhay ko pero unti-unti ko na itong napapagtagpi-tagpi.

"Do I still have time to think about it dad?" Tanong ko.

"I don't think you have, your birthday is coming and once you reach the age of 21, the country of Namibia shall meet their Royal Princess. So, have you already decided about the marriage?" Tanong ni daddy at pansin ko sa mga mata niya ang pangamba.

I nodded my head.

"What is your decision sweetie?"

Hindi pa man ako handang mamahala ng isang kaharian but with Jake... I will have the power and the will for it.

Alam kong gagabayan ako ni Jake, alam kong hindi niya ako pababayaan. Ang importante ay mapasaakin na ulit ang taong mahal ko. Ang taong inakala ko ay hindi magiging akin.

"I will marry him dad." I stated smiling.

Dad smiled "Good, by next week we will travel to the country of Drago to meet your future husband."

My eyes glistened in happiness, I will see him! "Really dad!?" Excited kong tanong.

"Parang excited ka ng palitan ako ah." Tampo naman nito.

"Of course not! You're my forever number 1 man." Saad ko na may malapad na ngiti.

Tumawa ito "Mabuti nang maliwanag." Sabay ginulo ang buhok ko.

"Dad!" Angal ko at napatawa na lamang ulit ito.

Sa buhay ay hindi maiiwasan ang ups and downs pero darating ang panahon magiging maayos din ang lahat.

Alam kaya ni Jake na ako ang mapapangasawa niya? Ngunit sa ginawa nitong pagtakas... sa tingin ko ay hindi.

Malayo man ang nilakad natin Jake, darating din tayo sa patutunguhan. Tadhana nga naman.

I'm so excited to see him!

***** viona99 *******

Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories. Thank you!❤

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon