Kabanata 9 : Veronica

702 48 3
                                    

The next day, maaga akong pumasok sa school, ayaw kong makipagsagutan kay Jacob habang maaga pa, I want to save my energy for my classes.

Pagpasok ko sa campus ay agad kong nakita ang 3 beauties, sila 'yong madalas na nambubully sa akin dahil sa mahirap na antas ko sa buhay. Tatlong babaeng magaganda dahil sa mga kolorete sa mukha kaya 3 beauties ang tawag sa kanila, at ewan ko nga ba kung bakit ako ang palagi nila nakikitang pagtripan.

"Oh, there you are." Sambit ni Veronica ang leader nilang tatlo habang papalapit sa akin.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ko, hindi ko din sila uurungan kung bakbakan ang pag-uusapan, pero okay lang naman talaga sa akin na maliitin nila ako dahil sa antas ko, atleast nabuhay akong mag-isa at hindi umasa kahit kanino... at pinagmamalaki ko iyan.

"We saw you with a hot guy yesterday, who is it?" Tanong ni Veronica.

Biglang uminit ang ulo ko na hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa kay Jacob na siyang tinutukoy niya.

"He's my boyfriend." Diretsahang sinabi ko, kahit na ayaw ko magsinungaling at sa mga sinungaling, hindi ko din maiiwasan na gawin minsan. Bakit, sino ba sila para sabihin ko ang pangalan ni Jacob?

"Oh really?" She eyed my from head to toe "hindi halata. Break up with him kung ayaw mo siyang mahirapan at manatili sa magulo mong buhay."

Magulo nga ang buhay ko pero sa inaasal nila, mas magulo ang kanila. "And if I don't?" Panghahamon ko.

"Aba! Mukhang palaban ka na ngayon ah." Biglang sulpot ni Ayesha, isa sa mga alalay niya.

Kung hindi lang ako umalis sa dati kong mundo, baka kung ano nang nagawa ko sa kanila. Pasalamat na lamang sila at nagbagong buhay na ako.

"Hindi naman, aalis na ako, may klase pa ako." Sambit ko at nagsimulang maglakad.

Pero natigil ako nang biglang hugotin ni Veronica ang buhok ko at pilit na iniharap sa kaniya, hindi ako umimik o kung ano man, but I looked at her coldly, she was surprised with my expression pero inalis din ito agad.

"Nag-uusap pa tayo huwag mo akong talikuran." Suplada niyang saad.

"Bitawan mo ang buhok ko." Matigas at may diin ang boses ko habang malamig ko siyang tinititigan, nakita ko ang biglaang takot na lumabas sa mga mata nila at agad niya naman akong sinunod.

Tumikhim siya at nagsalita "K-kapag hindi mo siya hiniwalayan, aagawin ko siya mismo sa'yo." Sabi niya na pilit pinatatag ang sarili pero umalis naman agad-agad.

Tch.

*****

Matapos ang class ko ay ganun din ang kasabay na hiyawan sa labas.

"Jenna! Baka 'yung jowa mo nayan." Pabirong sambit ni Zairah.

"Ilang beses ko bang sabihing hindi ko siya jowa." Inis na balik ko dito.

"O siya, puntahan mo na 'yong HINDI mo jowa at baka kinain na 'yon ng ibang babae. Masarap pa naman." Makabigkas ng 'hindi' ito wagas, tch.

"Oo na." Sagot ko at agad na binitbit ang bag patungo sa labas.

Hindi naman nagkamali si Zairah dahil agad ko namang nasilayan ang nagpainit na naman ng dugo ko, si Jacob lang naman katabi si Veronica na nakapulupot sa kaniya, sinusubukang alisin ni Jacob ang mga kamay ni Veronica mula sa kaniya na para bang naiinis pero matibay itong nakakapit wearing her seductive smile. Nagtama naman ang mga mata namin ni Jacob, pero imbis na lapitan ko siya tumagilid na ako patungong labasan. Makaalis na nga.

"Excuse me girls, my babe is here." Sabi ni Jacob at agad ko na lang naramdaman ang kamay niyang pumulupot sa balikat ko.

"Let's eat babe. May dala ulit akong pagkain." Nakangiti niyang sambit malapit sa tenga ko.

Hindi ko mapigilan ang pamumula, shit! Napakalaking epekto niya sa akin, hindi na talaga pwede 'to!

Agad ko namang hinawi ang kaniyang braso "Babe, babe ka diyan." Inis kong sabi at nauna nang maglakad.

"Uy babe! Huwag mo naman akong iwan." Habol niya sa akin "Iyong mga babae dun parang kakainin na ako, ayaw pang umalis pero ikaw pinagtatabuyan mo pa ako."

"Edi doon ka sa kanila! Siguradong tuwang tuwa mga 'yon kung sa kanila ka tumira." Ano bang gustong iparating ng mokong na'to?

"Chill! Nagbibiro lang, seryoso mo naman. Hindi ka ba nagagwapohan sa akin hah? Hindi ka ba naglalaway sa katawan ko?" Sabay pakita pa ng biceps.

Agad naman akong naspeechless sa mga pinagsasabi niya, anong akala niya sa sarili niya? Na siya ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo? Well... siya nga ang nakita kong pinakagwapo, bakit ba kasi perpekto ang anyong taglay nito? Pero, never kong sasabihin 'to dito sa mahanging lalaking to noh!

"Huy! May crush ako, at sa kaniya lang ako maglalaway!" Pabulyaw kong sigaw na siya namang kinatahimik niya, I took the chance para mauna nang maglakad.

Inaamin ko na, crush ko siya. Pero crush lang, gwapo eh. Anong magagawa ko, hays.

'Di nagtagal ay tumabi na siya sa akin sa paglalakad, ipinagtataka ko lang ay biglang... tumahimik siya, hindi ako sanay.

After some moment of silence, nakahinga ako nang maluwag ng muli itong magsalita, akala ko kung ano na nangyari dito. "Sinong crush mo?"

Nagulat naman ako sa tanong niya, pero sa tono ng boses nito, seryoso siya.

"Secret." I said na may nakakalokong ngiti.

"Tch. Mas gwapo pa ako dun." Sambit niya.

Tch. Parehas lang naman kayo ng kagwapuhan.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon