Kabanata 18 : Addicted

523 36 1
                                    

Gabi na at ngayon ay nanonood kami ng God Must Be Crazy this time Part 2 pero hanggang ngayon wala parin akong naiintindihan mula sa pinapanood ko, comedy ba talaga 'to? Hindi ako natatawa simula pa kanina, itong kasama ko eh tahimik lang, ni hindi ko nga din narinig tumawa.

"Akala ko ba comedy 'to?" After a moment of silence lumabas na din ang boses ko.

He shrugged "Akala ko nga din eh."

Ewan ko ba kung 'yong movie talaga ang problema o kaming dalawa. After our... kiss, awkward na kami pareho.

"Jenna." Tawag ni Jacob.

"Hhmm." Tinutuon ko talaga pansin ko sa movie.

"Dito ka nga." Sabi ni Jacob while tapping the space beside him.

Nag-aminan na nga kami na mahal namin ang isa't-isa pero heto kami ngayon, one-meter apart.

"Ako pa mag-eeffort, ikaw kaya lumapit." Matigas kong sambit.

"Tch." Pero imbis na lumapit ay humiga siya at ginawang unan ang mga binti ko. "Better."

I was addicted to his hair since kanina that's why I just found my fingers brushing his hair and it seems he like it, ilang sandali pang katahimikan ang namayani sa amin "Jacob."

"Hhmm?" He hummed in response.

"Ahm... paano 'yong first love mo? Eh diba sabi mo kanina na ano... na... mahal mo ako." Nahihiya kong sambit.

He faced me "Hindi mo ba nakita ang larawan?" Kunot nuo niyang tanong.

I bit my lower lip at pilit na ngumiti "Hindi eh."

He smiled and took my hand atsaka pinaglaruan ito "That was a part of my past Jenna." Tinitigan niya akong muli "At ikaw na ngayon ang kasalukuyan ko, mas mahal kita... ngayon."

Parang may kakaiba sa mga binigkas niyang salita pero hindi ko mawari kung ano basta ang alam ko lang... mas mahal niya ako. Agad namang namula ang mga pisngi ko at ramdam ko ang lakas nang pintig ng puso ko kaya itinuon ko na lang muli ang aking atensyon sa movie.

Nang maramdaman kong dumapo ang kaniyang mga labi sa palapulsuhan ko at binigyan ito ng halik agad ko siyang tinignan... nakatitig pala ito sa akin "Mahal na mahal kita Jenna, hindi ko alam ang gagawin ko pagwala ka."

Agad lumabas sa isipan ko ang larawan ni daddy, kapag mahanap niya ako paniguradong ibabalik niya ulit ako sa mansyon malayo sa mga hindi kilalang tao. Ayaw kong magsalita ng tapos kaya "Mahal na mahal din kita Jacob... mahihirapan din ako kapag mawala ka." Tanging sambit ko.

At binigyan niya ako ng isang ngiti... pero napansin kong isa iyong... malungkot na ngiti.

*****

Kasalukuyan akong nagluluto ng scrambled egg nang maramdaman ko ang mga matitigas na bisig na pumulupot sa aking beywang.

"Goodmorning mahal." He whispered in my ears.

I smiled "Goodmorning."

"Pinagtimpla mo na ba ako ng kape?" Tanong nito na hindi pa naalis ang yakap mula sa likuran ko .

"Hindi pa, inuna ko ang pagkain. Ikaw na muna." Sambit ko.

I sensed him pouted "Dahil diyan, kiss ko."

"Nagluluto ako Jacob. Pumunta ka na doon at magtimpla ng kape mo." Sambit ko pero hindi ito umalis, at nang makitang luto na ang itlog agad ko itong inilipat sa pinggan na nasa malapit at agad pinatay ang apoy.

"Agh!" Nagulat na lamang ako nang bigla akong paikutin ni Jacob at iniharap sa kaniya. "Ano ba! Papatayin mo ba ako sa nerbyos!?" Galit kong sumbat.

"Hindi, pabubusugin kita ng pagmamahal." Sambit niya at agad dumapo ang mga labi nito sa labi ko.

He kissed me passionately na para bang sinusulit ang bawat segundo and I kissed him back the same intensity. Pinaparamdam niya sa bawat halik niya na para bang ako lang... ako lang ang babaeng mahal niya at mamahalin niya.

I broke from the kiss at ngumiti, ba't ba ang gwapo nito? Kahit mukha pang bagong gising he looks hot! And he's mine. I can't help but peck his cheek "Ayan nakuha mo na, umalis ka na."

He pouted pero binitawan din ako "Yes ma'am, siguraduhin mong masarap 'yang luto mo hah."

"Tch. Masarap naman talaga ako magluto ah, hindi sunog." Sambit ko.

Ngumiti siya na para bang naalala ang mga pinaggagawa niya dati sa kusina ko at kagat labi na lamang umalis.

Simula nang dumating si Jacob sa buhay ko napakalaking pagbabago ang nangyari, hindi lamang dahil biglang umingay ang apartment kundi pati mismo sa akin, hindi ko alam pero kahit gaano pa kalaki ng wall na itinayo ko para sa sarili ko ay hinayaan ko pa rin ang isang lalaki na pasukin ang buhay ko.

And I let myself to be happy with a man I do not yet know.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon