CHAPTER THIRTY FOUR

170 10 0
                                    

Time, indeed, heals all wounds. Mabilis lang naman kaming nagkaayos ni Del. Hinayaan ko lang siyang lumayo hanggang gusto niya dahil alam kong kailangan niya. And now, we're okay. Parang walang nangyaring iwasan sa amin.

It's Sunday now. Next week na 'yung finals week kaya todong aral ang kailangan kong gawin ngayon. Sobrang gastos ko recently dahil sa mga projects and events na ginawa sa college namin kaya naisipan kong sa dorm na lang ako mag-aral at wag na muna sa coffee shop. I prepared everything I need. Nilatag ko ang mga libro at handouts sa pagkakasunod-sunod kung paano ko sila aaralin para hindi na ako mahirapan mamaya.

But before everything else, I need my coffee to boost my mood. Ewan ko ba. Pakiramdam ko, hindi ako tao kapag hindi ako nakakainom ng kape to start my day. Parang may kulang.

Pagkatapos na pagkatapos kong magtimpla ng kape ay may kumatok sa pinto. I don't expect anyone to come kaya sino kaya 'yon?

Inilapag ko ang kapeng kakatimpla ko lang upang tignan kung sinong kumakatok. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Justin dala ang isang libro at mga handouts.

"Uy?" Bati ko rito.

"Sabi ni Tristan, wala ka raw kasamang mag-aral ngayon. Ayaw mo rin daw magcoffee shop dahil nagtitipid ka. I just thought na samahan ka na lang ditong mag-aral." He uttered even without me asking kung bakit nandito siya. I was touched. Hindi ko alam kung kay Tristan, kay Justin o pareho but I know for sure that I felt special.  "That is if it's fine with you. Baka ayaw mo pala ng kasama - okay lang din naman sa akin. Wala namang sapilitan. Maiintindihan ko naman kasi ganito lang ako." Natawa ako sa dagdag niyang iyon.

Recently, nauuso ang mga sadboi posts kaya kahit sa org namin, nauso na ring gayahin ang mga sinasabi nila. I thought we were done with that  dahil weekend na pero hindi pa rin pala titigilan ni Justin.

"Sira ka! Sadboi yern?" Biro ko rito pabalik. "Of course it's fine with me. Maganda nga kasi at least may kasama ako kahit eto lang ako." Panggagaya ko sa kanila.

"Sus. Hindi bagay sa 'yo." He tapped my head before entering my unit.

"Hindi pa nakisakay, e 'no? Minsan na nga lang magkaentry." Reklamo ko rito. Hindi kasi ako nakakasabay sa kanila dahil hindi ko alam kailan maisisingit ang pagiging sadboi kapag nag-uusap kami.

As if he didn't hear anything, he changed our topic.

"Grabe. Para akong nasa coffee shop sa naaamoy ko, a." Pansin niya. Hindi na nakakapagtaka dahil napakaliit lang ng unit dito kaya't sakop agad ng amoy ang buong kwarto.

"Gusto mo ba?" Alok ko sa kanya.

"Kakatapos ko lang." He refused. "Kumain ka na?" He then asked.

"Hindi pa, actually. Wala sana akong balak pero ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"Kumain na ako bago magpunta rito, e. Sakto - naparami luto ko kanina. Gusto mo ba?" He offered.

"Sira. Baka panglunch mo pa 'yon mamaya." Tanggi ko rito. Nakakahiya namang tanggapin dahil niluto niya 'yon para sa sarili niya.

"Mas okay ngang kainin mo na since hindi na 'yon masayang kainin for lunch. Wait ka. Dalhin ko na rito."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now