CHAPTER THIRTY SIX

169 12 0
                                    

Grades are out. Ngayong araw na rin ako uuwi pansamantala sa Marinduque dahil pinayagan kami ng mga coach na magkaroon ng pahinga sa training para sa Christmas break. Masaya akong uuwi pero mas masaya ako dahil magandang balita ang dadalhin ko sa kanila. Sa totoo lang, hindi na ako umasang mapapasama ako sa mga dean's lister dahil nagkandalabo-labo ang grades ko sa Philosophy. Mabuti na lang talaga at nahatak pa sya ng grades ko sa ibang subject kaya kinaya pa.

Sa kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit na dadalhin pauwi. Iiwan ko na lang ang mga uniform ko dahil hindi ko rin naman gagamitin ang mga iyon. Sa totoo lang, wala naman na akong kailangang dalhin talaga dahil marami naman akong mga gamit sa probinsya kaya isa-isa kong binalik ang mga naempake ko nang gamit.

Ganito pala ang pakiramdam. I'm so excited to go back to where I came from kaya hindi ko alam kung paano dapat kumilos. Anong dapat kong dalhin? Hindi ko na rin alam.

Patapos na akong magbalik ng mga inempake kong gamit nang matuon ang atensyon ko sa mga regalong natanggap ko nang maaga. Nakakatuwang isipin how these gifts show how many friends I had this year. I can't even believe that I had friends outside our four-cornered room. Sobrang dami kong naranasan na wala naman sa plano and it goes to show how spontaneous things can change your level of happiness. Indeed, this year is mine to own.

Iniwan ko sila sa bag na dadalhin ko pauwi. Sa pasko ko na lang bubuksan para mas ramdam kahit na sobrang curious na ako kung anong laman ng mga 'yon.

I've decided to check my Messenger dahil paniguradong kanina pa nagkukwentuhan ang mga kaibigan ko but I don't know. There's always something about his name - or maybe his picture - that captures me. For the nth time, mas inuna ko na namang buksan ang message niya.

Hi Sam! You're leaving this evening, tama? Mind if I join you? Uwi sana ako sa mga kamag-anak ko for Christmas 😊

And as if on queue, my heart beats faster. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

'Hindi pwede. Wala sa plano. Ayaw ko... o ayaw ko nga ba? Ugh!'

Sure 😊

I tried to sound okay pero sino nga bang niloloko ko? Kulang na lang, gumiba ang rib cage ko dahil sa tibok ng puso kong hindi ko naman maintindihan kung anong ibig sabihin.

Great 😊 Naglunch ka na?

It is as if he's digging a deeper hole para mas maging malalim ang pagkahulog ko. I am aware. I'm conscious. Pero bakit parang ako mismo, I'm convincing myself to fall in it?

Hindi pa. Ikaw ba?

Hindi pa rin. Ano pa bang hindi mo natatry kainan?

Tbh, natry ko na yata lahat. Thanks to you haha. Grabe. Parang nadeprive ako sa siomai kasi tinry natin mga kainan around the uni. G ka?

Since sure akong mamimiss mo naman 'yang siomai, g! Miss ko na rin actually haha.

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now