CHAPTER TWELVE

306 15 0
                                    

"Napapadalas yata pagpunta niyo dito." Biglang usal ni Justin.

Ipinakita nito sa akin ang yosi niya na nagpapaalam kung pwede niya iyong sindihan sa tabi ko kaya't tumango ako bilang sagot. Nang masindihan niya iyon ay sinubukan naman ako nitong alukin na tinanggihan ko dahil hindi naman ako nagyoyosi talaga. Nasanay na lang ako sa mga kaibigan kong madalas nagyoyosi kaya hindi na issue sa akin kung may magsigarilyo sa tabi ko.

"Sobrang stressful sa college namin. Para kang nasa loob ng impyerno." Sagot ko rito. "Sa ganitong paraan na lang kami nakakatanggal ng stress."

Ang dami ko nang naiinom kaya't lumabas muna ako upang magpababa ng tama. Mabuti na lang din at nandito si Justin upang may makausap naman ako habang nasa labas ako.

"Ikaw ba? Bakit parang lagi ka ring nandito?" Pagbalik ko ng pangangamusta sa kanya.

Sa tuwing pupunta kami rito'y nandito rin siya. Kulang na lang yata'y magkaroon siya ng loyalty card para magkadiscount sa susunod na inom niya.

"Bonding with friends, music - you know? What keeps me alive." Sagot nito.

Aaminin kong sobrang ganda rin naman kasi talaga ng lugar na to para sa aming mahihilig sa musika. Pagpasok mo pa lang ng pinto, bubungad na agad sa 'yo 'yung karaoke na iba't-ibang tao ang kumakanta.

It's just a place pero parang lahat ng tao sa loob, kakilala mo.

Hindi mahalaga kung magaling kang kumanta o kung anong genre ng music 'yung gusto mo kasi iba't-iba talaga 'yung mga tao sa loob pero mararamdaman mong sinusuportahan ka nila kahit di kayo magkakakilala.

"Pansin ko palang umiiyak 'yung isa niyong kaibigan doon." Muli siyang nagsalita. "Love life?" Usyoso nito.

"Acads." Sagot ko rito. "Bagsak kaming lahat sa quiz kanina kaya sobrang frustrating talaga." Pagpapaliwanag ko rito.

"Kilala mo talaga sino accounting student sa hindi base sa reaction tuwing bumabagsak 'no?" Natatawa nitong sabi na sinang-ayunan ko naman.

Pansin ko rin iyon. Sa amin lang big deal kapag bumagsak ng isang quiz pero kailangang bumangon agad kasi may quiz na naman kinabukasan. Sobrang hirap sa college namin dahil survival of the fittest talaga at kung hindi mo seseryosohin, posible talagang maalis ka na lang agad.

"Sa amin, kapag bagsak, tawa lang tapos aral na lang ulit. Sa inyo, pansin ko - iiyak pero kinabukasan, nasa library na ulit para mag-aral." Dagdag nito. "Kayo yata 'yung tinutukoy ni Jose Rizal na pag-asa ng bayan." Biro nito kaya't nagtawanan kaming muli.

"Sira! Lahat tayo, pag-asa ng bayan. Kahit ikaw." Pagtanggi ko rito. Napansin ko namang napailing-iling ito sa sinabi kong iyon.

"You think? Eh ikaw na nga nagsabing lagi akong nandito. Sobrang patapon 'no?" Nagulat ako sa sinabi niyang iyon dahil hindi ko inasahang ganoon ang tingin niya sa sarili niya.

"Umiinom lang, patapon na agad?" Tanong ko rito. "Ikaw na rin naman nagsabi. Bonding with friends, music - those things that keep you alive. I think it's worth coming back every night. Hindi mo naman kailangang ikumpara 'yung sarili mo sa akin kasi magkaiba tayo ng priorities. You chose to prioritize your music and your happiness while I chose my acads and that is both worth prioritizing for."

It saddens me na may mga taong nakakaramdam na mali 'yung ginagawa nila just because they feel like others are doing it better than them. But for me, it shouldn't be like that. You do you. Hindi mo naman pwedeng ipilit 'yung sarili mong maging kagaya ko just because you feel like I'm doing it better.

"Thank you for making me feel validated. Ngayon lang may nakapagparamdam sa akin niyan." I was touched when he said that. Sana maramdaman niyang he's not less of a person just because he chose his own path.

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now