CHAPTER FOUR

509 22 0
                                    

"Okay ka lang?" Agad akong nilapitan ni Del pagkalabas ng prof namin.

Pagkatapos ng halos isang oras na sermon niya sa akin, magsisinungaling ako kapag sabihin kong okay lang ako. I never thought it would go that far to the point na sinabihan niya akong "Kung tingin mong masyado ka nang matalino for passing my quiz, I have a way to drag you down and you won't like the result."

"Bakit ba kasi sobrang late mo naman?" Nagtatakang tanong ni Aya.

"This is all Justin's fault. He asked me to listen to his song!" Inis kong sagot dito. Kung hindi sana ako tinawag ni Justin, hindi naman sana ako magiging late sa klaseng 'to.

"Bakit ba kasi ineentertain mo pa? You won't join anyway." Si Del naman ang nagtanong ngayon.

"I don't wanna be rude. Nakakainis lang kasi ever since na nagkausap kami, he acts as if we're already that close." Dagdag kong reklamo dito.

"Sinong Justin 'yan?" Nagtatakang tanong ni Mau. Hindi ko pa nga pala naikukuwento sa kanila ang nangyari kanina bago magsimula 'yung game. Paano ba naman kasi, magtatapos na 'yung set one saka sila dumating ni Aya.

"Apparently, there's this guy na nakakilala sa akin. He asked if I was that guy from Spotlight so I said yes. Tapos nirerecruit niya ako sa org nila kasi daw sobrang na-amaze siya sa voice ko." Kwento ko sa kanila.

"Woah! Anong org? Teatro? Media?" Curious na tanong ni Aya.

"Hindi ko alam. Hindi ko na tinanong since I won't say yes." Sagot ko rito.

"Sabagay. Pero kung ako siya, hindi rin ako titigil na i-convince ka kasi sigurado akong bagay ka talaga sa kung anong org man 'yon." Sasagot na sana ako sa sinabing iyon ni Maureen ngunit si Del na ang sumagot para sa akin.

"Kung madali siguro sa course natin, baka sumali talaga si Sam. Pero accountancy 'to, eh. Isang maling galaw, pwede kang matanggal sa course." Paliwanag nito kay Mau.

"Exactly! Kaya wala sa priority ko 'yang orgs na 'yan. Sumali na nga ako sa volleyball team para magkaroon ng discount sa tuition, dadagdagan ko pa responsibilidad ko? No way." Mariin kong sabi upang maintindihan nilang hindi talaga ako papayag sumali kung ano mang org 'yon.

"Pero bakit ka nakinig sa song niya? Kasi ako, if I am not interested, aalis ako." Tanong ni Aya.

Bakit nga ba? Kasi the moment that he called me, I should've said no already. Na from that moment, sana sinabi ko nang may klase ako. But why didn't I? Hindi ko rin alam.

"Ang rude naman din kasi kung bigla na lang aalis. Hindi naman ganoon kasama si Sam kahit napakasungit niyan." Pagtatanggol muli ni Del sa akin na may halong asar kaya't hinampas ko ito sa braso.

"Ang akin lang, hindi naman kasalanan ng kung sino mang Justin na 'yan if Sam chose to stay." Pilit na paliwanag ni Aya ng pinaparating niya. "Pero ang harsh ni sir kanina, ah." Pag-iiba nito ng pinag-uusapan namin.

"True! Kung ako 'yon, baka umiyak na ako. One hour na sermon ba naman?" Pagsang-ayon ni Mau dito.

"Bawi na lang tayo sa evals. Lintik lang ang walang ganti." Wala naman na talagang magagawa sa nangyari kanina pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni sir kanina. And the saddest part, hindi ko man lang napagtanggol ang sarili ko.

I should be celebrating because of our victory but why do I feel like it's a defeat on my part?

Before You Go (boyxboy) Kde žijí příběhy. Začni objevovat