CHAPTER TWENTY TWO

239 17 1
                                    

Pagbalik ko sa event ay nakatayo silang lahat sa unahan kaya nagtaka ako.

"Ayan na si Sam! May kapartner ka na, Justin!" Masayang sabi ni John Saga na mas lalong ipinagtaka ko.

"Anong meron?" Tanong ko sa papalapit na si Justin.

"Trust game." Maikling sagot nito. "Bakit ka umiyak? Okay ka na?" Bakas sa hitsura niya ngayon ang pag-aalala sa nangyari kanina.

"Sinong umiyak?" Pagsisinungaling kong tanggi rito.

"Okay. Kunwari na lang wala akong nakita." Pagtanggap nito sa kasinungalingan ko. Alam kong hindi siya naniniwala ngayon pero natuwa akong hindi niya na ako pinilit ngayon.

Kung si Del siguro 'to, baka hindi na ako tinantanan hanggang sa umamin ako.

"Ang game natin ngayon ay ang StickO eating contest. Kailangang kagatin ng magpartner ang magkabilang dulo ng sticko at kagatin nang bahagya sa bawat bilang ko. Ang partners na pinakahuling bibitaw sa pagkagat sa StickO ang siyang mananalo." Paliwanag ni John.

Awkward. Bakit naman may ganitong ganap ngayon?

"Maliliit na kagat lang, Sam. Mananalo tayo dito." Bulong ni Justin upang hindi marinig ng mga makakalaban namin.

Naramdaman kong gusto niyang manalo ngayon. Very competitive.

"Eto pala first game? Bakit naman si Martin pinartner sa akin?" Reklamo ni Albert kaya't nagtawanan kami.

"Ay? Aarte? Ganyan ba tinuturo namin sa inyo?" Sagot ni John rito.

"Kunwari ayaw pa. Baka mamaya ikaw pa magdikit ng labi natin, ah!" Pang-aasar ni Martin dito.

Naramdaman kong nanginig ang tuhod ko dahil sa sinabi niyang iyon. Paano nga kung magdikit? Kung magkataon, ito ang magiging first kiss ko. Bakit naman sa ganitong paraan mawawala, Lord?

"You're not okay." Seryosong sabi ni Justin habang nakatingin nang diretso sa akin. "Pwede naman tayong umayaw kung hindi ka ready magparticipate." Naramdaman ko ang sinseridad sa boses niya nang sabihin iyon. "Kailangan mo ng kausap?"

Aaminin kong nabasag niya ako doon. Wala sana akong planong sabihin sa kanya kung anong nangyari pero pinaramdam niya sa aking handa siyang makinig sa kung ano mang ikukwento ko.

"Mamaya na lang. After event, Spotlight tayo?" Yaya ko sa kanya.

"Hindi ka ba mag-aaral?" Tanong nito.

"Kaya ko namang bawiin sa susunod." Sagot ko.

Nagsimula na ang game namin. Justin stared directly at my eyes kaya't mas lalong naging awkward para sa akin. But I don't know. This is the kind of awkward that felt fine with me.

Our faces moved closer and closer as time goes by. Our lips even. Nang malapit nang magdikit ang ilong namin ay ako na mismo ang kusang humiwalay.

Natira sina Albert at Martin na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumibitaw. Sumenyas si John Saga na wag naming ipaalam sa kanilang sila na ang nanalo hanggang sa sobrang lapit na ng mga labi nila. Nakahawak na si Albert sa mukha ni Martin upang hindi sila maghiwalay.

At nang sobrang lapit na talaga ng mga labi nila ay bumitaw na si Albert. Natawa na lang sila nang makitang sila na pala ang huling magkadikit.

"Kunwari ayaw pang magkapartner pero ginalingan din naman!" Asar ni John sa kanila.

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon