CHAPTER EIGHTEEN

236 14 0
                                    

Ilang beses na akong nagpapabalik balik sa harapan ng salamin. Ayos na kaya 'to?

Napahinga na lang ako nang malalim dahil hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko nang gustong palitan ang suot ko ngayon.

General Assembly lang 'yon, Sam.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magbihis nang maayos, eh, hindi naman kailangang magarbo ang suot mo.

Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto ko at sigurado akong si Justin na iyon.

Nagmamadali akong buksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang lalaking nakashort sleeves na polo na aaminin ko namang bagay talaga sa kanya.

"Tristan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Paano mo nalamang dito ako nakatira?"

"Sorry. Nasabi kasi sa akin ni Justin na sabay na raw kayong pupunta sa GA. Pinauna ko na siya para tayo na lang 'yung magsabay." Paliwanag niya.

"Ah? Ganoon ba?"

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Disappointed? Siguro. Akala ko kasi talaga'y si Justin ang makakasabay kong pumunta sa GA. But why am I disappointed? Hindi ko rin alam.

"Tapos ka na bang mag-ayos? You can take your time, ha?" He asked in a sweet tone. Ramdam kong mabait siyang tao pero bakit parang hindi ayos sa loob kong siya ang kasama ko ngayon?

"Tapos na ako." Sagot ko rito bago tumalikod sa kanya. Sinenyasan ko itong may kukunin lang ako saglit.

Dinampot ko na ang bag na dadalhin ko ngayon. Tinanggal ko rin sa saksak ang mga appliances bago ako bumalik kay Tristan.

"You look good, by the way." Puri nito sa akin.

Imbis na matuwa sa narinig ay mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang sa kanya.

"Ikaw rin." Pagbalik ko sa sinabi niya.

Nararamdaman kong walang mali sa nangyayari ngayon pero pakiramdam ko'y hindi rin tama. Why do I feel so off about Tristan? Hindi ko talaga maintindihan.

O sadyang awkward lang kasi hindi naman kami ganoong magkakilala pa?

"You know - this is the first time that I will attend this general assembly shit." I can feel like he's trying his best para makapag-usap kami and there's really nothing wrong with it. Hindi lang talaga siguro ako sanay na may taong ganito sa akin. "Buti na lang nakilala kita."

Mas lalo akong nailang sa kanya. Idagdag mo pang bumukas na ang elevator na kaming dalawa lang ang magiging sakay hanggang sa makababa kami.

Nginitian ko siya. Sobrang pilit na ngiti para lang maramdaman niyang narinig ko siya.

"Are you okay? You seem so off today." Tanong nito.

"Okay lang ako." Sagot ko habang nakatingin sa numero sa taas ng elevator.

6.....
5.....
4.....
3.....
2.....
G....

Nakahinga na ako nang maluwag.

"'Wag kang kabahan. Kasama mo naman ako mamaya." Pilit nitong pakikipag-usap sa akin.

I tried to calm myself. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman masama si Tristan. Hindi naman siya mayabang o kung ano mang ayaw ko but why do I feel so off about him?

"If you don't want to go, just tell me. We can go somewhere else." He said - still with a sweet tone.

I felt so unfair. Hindi niya deserve na ganito ang nararamdaman ko sa kanya dahil pinipilit niya talagang maging okay ako pero ewan ko ba. It's all in my mind - I know. Pero sobrang hirap i-convince ng sarili ko ngayong hindi makaramdam ng kung ano mang nararamdaman ko kasi hindi ko nga maintindihan kung bakit.

Ayaw ko ba kay Tristan? Bakit?

"Ayos lang ako, Tristan. Tara na."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now