CHAPTER FORTY SEVEN

127 10 0
                                    

The volleyball season started. Nakakaexcite but at the same time, nakakawalang gana. I looked forward to this day kasi sabi niya, magchicheer siya para sa amin but how can he cheer kung bigla na lang siyang lumayo.

Hindi ko pa rin maiwasang itanong sa sarili ko kung kasalanan ko nga ba. Ano bang nagawa ko? Did I offend him? Hindi ko maalala.

"Ready ka na?" Tristan asked habang sinisintas ang sapatos ko.

"Kinakabahan ako." Pag-amin ko sa kanya.

"Sus. Normal lang 'yan. Kapag hindi ka na kinakabahan, doon na ako kakabahan." Hindi ko alam kung pampalakas loob 'yon pero hindi ko siya naintindihan doon.

"Bakit ka naman kakabahan kapag hindi ako kakabahan?" Tanong ko.

"Kasi kapag wala nang kaba, wala na ring gana. Wala nang excitement. Ibig sabihin, hindi mo na gusto." Sagot nito. Tama nga naman siya. Kinakabahan ako kasi gusto kong manalo and there's nothing wrong with it. "But don't worry. Kasama mo ako. Sasaluhin kita."

He always made sure na hindi ko mararamdamang mag-isa lang ako. Ramdam na ramdam ko ang suporta niya sa akin and I'm really thankful that he exists now when Justin is nowhere to be found.

"I got you, too." Balik ko ng sinabi niya sa akin.

Siya ang ginawang starting OH1 at ako naman sa OH2. I think it's a good idea dahil kampante naman akong suportado namin ang isa't-isa. I've seen how good he is kaya alam kong hindi ko na kailangang mamroblema kung may magcocover ba sa akin.

The match started. This is it. Napatingin ako sa mga tao and my heart suddenly stopped when I saw him.... he's here. Tinupad niya ang pangako niya noon na manonood siya.

Ginanahan akong maglaro. Sa bawat hampas, sa bawat receive at sa bawat serve ko ng bola ay nakikita ko siyang nagchicheer na parang hindi niya ako iniwasan nang sobrang tagal. Ang sarap sa pakiramdam. Ibig sabihin, wala kaming problema. Lalong nakakagaan ng loob.

But above everything else, I've noticed him wearing our shirt - and our headband.

We won our first match and I was hailed as the MVP. Hindi ko inaasahan. Sobrang memorable nito para sa akin because this is my first match ever at ako pa ang naging MVP. My teammates contributed a lot for this victory kaya sobrang thankful akong ang ganda ng nilaro namin ngayon.

I saw how Justin celebrated with us. Ang sarap niyang panoorin sa malayo. Siya pa ang nanghahype sa crowd para mas magcheer sa amin and I appreciate him more for that. Is this the come back of our friendship? Natatakot akong baka mali pala ang inaassume ko ngayon.

"MVP! Grabe siya!" Bati sa akin ni Albert pagkalapit namin sa kanila.

"Thank you sa suporta niyo." Pagpapasalamat ko. Tinignan ko sila isa-isa and Justin smiled at me.

"Napakabatak, 'no?" Tristan added.

"Sira. Ang ganda kasi ng depensa mo kanina. Kung hindi ka naman dumedepensa, hindi rin ako makakascore." Balik ko ng puri dito. Totoo namang ang galing din niya kanina. Alam na alam niya kailan ko kailangan ng backup at kung kailan ako makakapatay ng bola.

I was waiting for Justin to speak. Nakangiti lang siya sa usapan namin at hindi ako sanay na ganyan lang siya kaya't kinausap ko na.

"Salamat sa pagpunta." Sabi ko sa kanya.

"I told you, I will cheer for you."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now